Kasulatan Sa Pangungupahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KASULATAN SA PANGUNGUPAHAN

HAYAG SA SINUMANG MAKAKABASA NITO: MAG-ASAWANG RODRIGO F. SORIANO at VIRGINIA U. SORIANO , kapwa may sapat na gulang, Pilipino at naninirahan sa No. 46 Banaba St., Nangka Marikina City, at sa kasulatang ito ay makikilala bilang NAGPAPAUPA;

SA PANIG NI MR DANNY BOY IBANEZ (Stich Dial Enterprise CO.), may sapat na gulang, Pilipino at naninirahan sa No. 15 Road 3, Dona Petra, Brgy Concepcion, Marikina City, at sa kasulatang ito ay makikilala bilang NANGUNGUPAHAN. NAGPAPATUNAY Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay na nagmamay-ari ng isang puwesto (komersyal) na makikita sa 884 JP Rizal St. , Nangka, Marikina City. Na ang nasabing paupahan ay pinauupahan ng naulitna Nagpapaupa sa Nangungupahan sa ilalim ng mga kondisyon gaya ng mga sumusunod: 1. Na ang kasulatang ito ay tatagal sa loob ng DALAWA (2) TAON na nagsisimula sa ika 18 ng Enero, 2012 at matatapos sa ika 18 ng Enero 2014, at maaring ipagpatuloy (renewable) sang-ayon sa mapagkakasunduan ng bawat panig; 2. Na ang upa ay nagkakahalaga ng LIMANG LIBONG PISO (PHP 5,000.00), Salaping Pilipino ,buwan-buwan at ang pagbabayad ay tuwing ika 18 araw ng bawat buwan; 3. Na ang nangungupahan ay maglalagak ng halagang LABINLIMANG LIBONG PISO(Php 15,000.00), Salaping Pilipino, bilang DALAWANG (2) BUWAN at ISANG BUWAN (1) paunang bayad sa nasabing paupahan; 4. Na kung sakaling ang Nangungupahan ay magkakaroon ng dalawang (2) buwang sunod na pagkakautang, ang Nagpapaupa ay may karapatang paalisin ang nasabing Nangungupahan. 5. Na kung sakaling kakailanganin ang nasabing paupahan ng Nagpapaupa, ang Nangungupahan ay kusang loob na aalis at bibigyan sila ng Isang (1) Buwang palugit para humanap ng bagong paupahan; 6. Na ang Nangungupahan ay hindi makagagawa ng anumang pagbabago sa pinapaupahang puwesto na walang kapahintulotan ng Nagpapaupa; 7. Na ang Nangungupahan ay siyang mananagot sa tubig, ilaw telepono sa panahon ng kanyang pangungupahan; 8. Na ang katapusang taning ng pagpapaupang ito, ang Nagpapaupa ay hindi makapapanaog ng kanyang mahalagang kasangkapan , kailanmat siyay may pagkakautang ng upa sa puwesto at ang mga yaoy maiilit ng Nagpapaupa. 9. Na ang Nangungupahan ay magbibigay pahintulot sa Napapaupa o sa alinmang kanyang pinagkakatiwalaan o tagapamahala upang magsagawa ng pagbibisita sa nasabing paupahan anumang oras o araw na kakailanganin ng Nagpapaupa.

10. Na sa ikatutupad sa buwanang upa sa bahay na inuupahan ay ipananagot ng Nangungupahan sa Nagpapaupa ang mahalagang kasangkapan niya na napuwesto ng kanyang inuupahan, na kung sumapit ang taning ng kasunduan at wala siyang ibabayad sa pagkakautang sa upa, binigyan niya ng karapatan ang Nagpapaupana makuha o makailit ang alin man sa kanyang mga kasangkapan sa puwesto na katumbas ng upang hindi niya nababayaran. SA KATUNAYAN NG LAHAT, ay aming nilagdaan ang kasulatang ito ngayong ika 18 ng Enero, 2012, dito sa Marikina City.

MR. DANNY BOY IBANEZ Nangungupahan

RODRIGO U. SORIANO Nagpapaupa

NILAGDAAN SA HARAP NINA:

_____________________

_____________________

REPUBLIKA NG PILIPINAS ) CITY OF MARIKINA ) S.S SA HARAP KO, Notaryo Publiko ng Marikina ay dumulog sa akin sina: Rodrigo F. Soriano Virginia U. Soriano Danny Boy Ibanez CTC#23147164 CTC#23147165 CTC#23061978 January 10,2012 January 10,2012 January 19,2012 San Mateo Rizal San Mateo Rizal Marikina City

Na silay kilala at nakilala ko dahilan sa pagpapalagda ng kasulatang ito at pinatutunayan nila sa akin na ang lahat ng nagsasaad dito ay pawang tunay at malayang pagpapasiya.

NILAGDAAN AT SINELYUHAN KO, ngayong ______________dito sa Marikina City.

Doc No.:________ Page No.________ Book No.________ Series of 2012

You might also like