Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG BLAG NI SARIMAU

walang taong bobotamad lang!!! Marahil ay kahit papaanoy nabuhayan kayo ng loob sa nabasa ninyong pamagat lalo na iyong mga taong hindi biniyayaan ng angking talino, sabihin na rin nating iyong mga taong natutulog noong nagsabog ang Diyos ng mga talento, galing at karunungan sa mundo. Iyong mga taong hindi pinapansin ng karamihan, mga taong hindi masyadong pinahahalagahan. Iyong mga taong ni minsan sa buhay nila ay hindi nagkamit ng karangalan dahil sa nakamamanghang kakayahan. At daqhil saw ala silang natatanggap na kahit na ano, at puro kapalpakan na lamang ang kanilang natatamo, naweawalan na sila ng pag-asang tumayo sa pinagkakalagpakan nilang putik na madikit at may amoy na animoy luom ng kabiguan. Pilit nilang isinasara ang kanilang mga isipan sa mga bagay na hindi nila aakalaing kaya at magagawa nila, mga bagay na magagawa nila para sa sarili nila. Ayaw na nilang pilitin pang alisin ang dikit ng putik sa kanilang katawan at ang amoy na hindi matanggal-tanggal at magpursiging abutin ang mga pinapangarap nilang magawa at upang makuaha ang karangalan na lagi nilang pinagdarasal. Habang akoy nag-i-internat sa aming bahay, may nabasa akong mga blogs sa isang forum site tungkol sa talino ng isang tao. Nasasabi doon na lahat ng taoy matalino, nakukuha ang talino ng tao depende sa kung paano niya ito gagamitin. Sabi ng mga matatanda noon, kumain dawn g mani during exams para pumasa. Meron namang naniniwala na kapag ipinagbubuntis ka pa lang at alaga ka na habang nasa tiyan ka pa lamang, lalabas din daw ang katalinuhan pag isinilang. Meron namang likas talaga ang talino o tinatawag na gifted child. May naniniwala din na sa genes ng angkan nanggagaling ang talino na tao kaya swerte mo kapag ang pamilya moy matatalino at mga nakatapos na at professionals na ngayon. Pero tunay nga ba ang mga ito o sadyang pamahiin lang nating mga Pilipino dala ng sarili nating kultura? Sa mga nalaman kong iyonj, ang tao na rin ang nagsabing walang taong bobo, mayroon tayong angling mga talino. At kahit sa genes man o sa kinakain o sa kahit ano pa mang pamahiin nating pinaniniwalaan nanggagaling ang katlinuhan nating tinataglay, tayo pa rin ang mgasasabi kung kaya ba natin ang isang bagay o hindi. Nasa sa ating mga kamay kung patuloy tayong magbubulag-bulagan o magigising na sa katotohanan na kaya din natin yan. Kilala mo ba iyong batang estudyante sa third year na kasama sa honor roll ng section 1? Siya ay isang mag-aaral na puro talento ang napapaloob sa kanyang pagiging isang indibidwal. Marunong siyang mag-sketch at mag paint gamit ang kanyang maliit na lapis. Kasama siya sa mga pumupunta ng school tuwing Miyerkules ng umaga sa principals office upang mag-ensayo ng mga awitin sa kadahilanang miyembro siya ng choir. Nakasama na rin siya minsan sa mga quiz bees gaya ng Science Quiz Bee noong Riprisa Meet noong second year siya, First Angono Quiz Bee tungkol sa History nito at sa ibat-ibang kumpetisyon na idinaraos sa magkakaibang lugar. Ngayon ay nagsusulat siya sa school paper na hindi niya malaman kung marereject ba ang gawa niya. Marunong din siya sa pagbuo ng rubiks cube at konting pitik lang aybuo na niya ito kaagad . ANo pa? Lahat na ay abot kamay na niya sa dami ng kaya niyang gawin. Maiisip nating isa siya sa mga gising na nakakuha ng maraming perlas ng kahusayan noong nagsabog ang Diyos nito mula sa kanyang paraiso. At ngayon, natutuhan na niya ang ilang mga bagay dahil sa mga naranasan niyang pagsubok sa buhay na kung saan siya sumuko at natikman ang kalupitan ng kabiguan. Minsan na siyang nawalan ng ganang magpursigi sa tanging yaman na maipapamana ng kaniyang magulang sa kanya. Ayoko na..puro kamalian ang aking nakukuha. Ang hirap naman kasi Nawalan na siya ng ganang mag-aral dahil sa alam niyang nagagawa naman niya ang mga bagay-bagay ngunit nagkakamali pa siya. Ang mga tao ay ganyan, nagkamali lang, umaayaw na. Nbigo lang, ayaw nang ipagpatuloy ang nasimulan. Diyan niya natutunan na isa lamang iyang pagsubok para mas lalo pa niyang maintindihan ang halaga ng buhay. Minsan na siyang nawalan ng pag-asa at bumangon ulit gamit ang sarili niyang mga paa. Bahala na nga kung ano ang kalalabasan niyan. Ewan. Wala na siguro kong magagawa pa Ganyan ang mga tao. Madaling sumusuko, Kapag nakaramdam na siya ng pagkareject, pang-aapi at kamalasan, hindi na niya magawa pang tapusin ang mga bagay na dapat niyang matutuhan. Kaya humahantong tayo sa mga sitwasyong ito, hindi bukas ang ating mga isipan sa mga bagagay na kayang gawin Diyos. Hindi kasi tayo nagdadasal. Magpasalamat tayo sa kaniya at lagi natin siyang unahin sa lahat ng bagay at puro tagumpay an gating matatamo. Effective yan. Minsan na siyang nabigo at nalungkot dahil sa resulta ng kanyang pagsisikap na nauwi lamang sa wala. Wala na..Natalo na ako kaya next time na lamang ako babawi Ang pagkabigo ay hindi hudyat ng pagsuko bagkus ay hudyat ng mas malaki pang tagumpay. Noong nasa gradeschool pa lamang siya ay hindi siya nagkamit ng kahit anong posisyon sa outstanding pupils ng Angono Elementary School. Pero sa kasalukuyan, ay pilit niya ngayong ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang mapanatili niya ang mga karangalan na kaniyang natatamo. Tandaan natin na ang kabiguan ay pinaparanas sa atin upang tayoy maging matatag sa pagharap ng mas matindi pang mga problema at upang mas lalo pa nating maintindihan ang buhay at ang mga bagay-bagay na sumusunod dito. Minsan na niyang naramdaman na wala na siyang magagawang tama sa lahat ng oras. Naging sarado ang isip niya katulad ng mga taong wala ng pakialam dahil sa tingin nila ay wala na silang kayang gawin. Ito ang pinakamasaklap na pwedeng mangyari

sa isang tao. Kapag isinara na niya ang kanyang isipan sa lahat ng bagay, hindi na niya maiintindihan ang kahulugan ng mga ito. Lalo pa niyang makakalimutan ang nasa taas at hindi rin niya malalaman ang dahilan kung bakit nangyayari iyon. Ngayong kasalukuyan, naintindihan na ng batang iyon ang mga bagay na hindi niya lubusang matanto kung papaano niya natutuhan ang tunay na kahulugan niyon. Mga bagay na dapat nating isaisip, isapuso at higit sa lahat, isagawa. Mga bagay na nagdala sa atin sa isang kaliwanagan na pilit Niyang ipinapamukha. Ang batang iyon ay masaya na sa kanyang buhay kahit sa kung ano lamang ang mayroon siya at kuntento na siya sa kung anon a siya ngayon. Maraming kaibigan. At ikaw, sanay kahit papaano ay maintindihan mo ang tunay sa buhay ng tao. WALANG TAONG BOBOTAMAD LANG!!! Nawawalan lang ng ganang mag-aral, parang baril, nauubusan din ng bala. Iba na kasi kapag tinablan ka na ng katamaran. Nadadamay na ang lahat ng bagay. Kaya ang maipapayo ko sa iyo, kapatid, at sa mga taong nawawalan ng pag-asa at sa mga taong sumusuko na, mag-aral ka lang ng mabuti. Kung walang dumarating na achievements, ibig sabihin lamang ay kulang pa ang pagpupurisgi sa pag-aaral. Kilala niyo ba ang batang iyon? Hindi niya nais na magyabang bagkus ay gusto niyang ipaalam sa inyo ang pinagdaan niya sa pagtahak sa buhay at magsilibi na rin aral sa mga kabataan ngayon.

You might also like