Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SI MAH BONGKIS

Noong unang panahon may magkaibigan na naninirahan sa gitna ng kagubatan. Ang hanapbuhay ng dalawa ay ang pagkakaingin at pamimingwit sa dagat na malayo sa kanila. Ang tawagan ng dalawa ay Mah Bongkis. Isang araw sa kanilang pamimingwit, nakasalubong ng isa sa kanila ang isang babae. Ikinuwento nito sa kaibigan ang nakitang babae at sinabing nais nitong maging asawa ang babae. Natupad ang gusto nito at sila y ikinasal.pagkatapos ng kasal ay iniuwi na nito ang babae sa kanilang tirahan. Sa kanilang paninirahan, hindi nagtagal ay nagkasakit ang kanyang kaibigan. Hindi na ito nalunasan hanggang sa ito y namatay. Dahil doon ay wala ng makakasama ang asawa kapag siya ay namimingwit. Naiiwang mag-isa ang babae sa kanilang bahay. Isang araw nagpaalam siya sa asawa na aalis at mamimingwit. sino ang kasama ko dito? tanong ng babae. h wag kang mag-alala, dadaanan ko si Mah Bongkis at sasabihin kong sasamahan ka muna dito. sagot naman nito sabay alis. Nang sumapit ang dapithapon,nakarinig ang babae ng kalabog sa labas.nang silipin niya sa may pintuan, nakita niya ang palukso-luksong ataul patungo sa kanilang bahay. Huminto ito sa kanilang bakuran at dahan-dahang lumabas si Mah Bongkis mula sa kinalululanang ataul. Mare, nand yan ka lang ba? Tanong nito. Oo pare, nandito lang ako. Ibinilin ni Mah Bongkis na sasamahan muna kita dito. Mabuti naman kung ganu n. Ano mare, aakyat na ba ako? Sige umakyat ka na. Pagsapit ng gabi muli na namang nagsalita ang namatay, papasok na ba ako? Sige pumasok ka lang d yan. Kaya pumasok na ang namatay sa loob ng kwarto. Pagdating sa loob muli na naman itong nagsalita, sasayaw na ako? Sige sumayaw ka lang d yan. Sumayaw na ang namatay at pagkatapos nitong sumayaw, umupo na ito.

Palalakihin ko na mga mata ko? muli na naman nitong tanong. Palakihin mo na. sagot naman ng babae. Kaya pinalaki na nito ang mga mata. Mamaya-maya lamang nagsalita na naman ito, pahahabain ko na mga kamay ko? Pahabain mo na Kaya pinahaba na naman nito ang kanyang mga kamay pati na rin ang mga kuko nito na halos ay mahawakan na nito ang mukha ng babae. Pagkatapos, nagsalita na naman itong muli, Ilalabas ko na dila ko? Sige ilabas mo na. Kaya inilabas na naman nito ang kanyang dila na tumutulo ang laway, hanggang sa naabutan ito ng umaga. O! mare, uuwi na ako. Hindi ko na hihintayin si Mah Bongkis. Sabi nito sabay panaog ng hagdan at bumalik sa loob ng ataul. Palukso-luksong umalis ang ataul papunta sa puntod nito. Hindi nagtagal dumating ang kanyang asawa mula sa pamimingwit. Nagpahain ito ng pagkain dahil nais nitong kumain bago matulog. Ipinaghain naman nito ang asawa. Ano? Sinamahan ka ba dito ni Mah Bongkis? tanong ng asawa bago ito natulog. Oo, sinamahan niya ako. Dapithapon na ng magising ang lalaki. Mabuti at gising ka na. magpapaalam lang sana ako, doon muna ako matutulog sa mga magulang ko ngayong gabi. Sabi ng babae. Nagluto na ako para sa hapunan mo, kaya wala ka nang dapat alalahanin pa. Ha! Wala akong kasama dito! H wag kang mag-alala, dadaanan ko si Pareng Bongkis para samahan ka dito. Sagot ng babae sabay alis. Nang magdapithapon, nakarinig ang lalake ng kumakalabog sa labas . nang silipin niya ito sa butas ng kanilang dingding, nakita niya ang palukso-luksong ataul na patungo sa kanilang bahay. Huminto ito sa kanilang bakuran at dahan-dahang bumukas at lumabas si Mah Bongkis. Mah Bongkis, nand yan ka lang ba? Hindi sumagot ang lalake, kaya nagtanong muli ang kaibigan. Aakyat na ako?

Naku! h wag kang umakyat, natatakot ako sa yo. Ngunit umakyat pa rin ang kaibigan at sinabing, Papasok na ako? Naku! h wag kang pumasok sagot ng lalake. Ngunit pumasok pa rin ang patay saka nagsalita muli, sasayaw na ako? Naku! h wag kang sumayaw! Hindi nagpaawat ang patay, sumayaw pa rin ito. Pagkatapos, umupo na ito at muling nagsalita, Palalakihin ko na ang mga mata ko? Naku! h wag mong palakihin yan! Ngunit pinalaki pa rin ng namatay na kaibigan ang mga mata nito. Kaya tuloy lumiwanag ang buong bahay at saka nagsalita ulit. Pahahabain ko na ang mga kamay ko? Maawa ka, wag mong gawin yan! Ngunit hindi pa rin nakinig ang namatay, pinahaba pa rin nito ang mga kamay at mga kuko nito. Muntik na tuloy nitong mahawak-hawakan ang mukha ng kaibigan. At bigla itong nagsalita, ilalabas ko na ang dila ko? Maawa ka, wag mong gawin iyan dahil natatakot ako! Pero ginawa pa rin ng namatay. Inilabas nito ang dila at bigla nitong sinunggaban ang kaibigan at ito y kinain, kaya namatay ang lalake. Nang mag-umaga, dumating ang babae kasama ang mga magulang. Hindi na nito naabutan ang asawa. Kaya sumama na lamang ang babae sa mga magulang at doon na lamang naninirahan.

You might also like