Dear Mom - Purpleyhan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Dear Mom

purpleyhan

Ann F.
Please do not distribute without the author's consent.

Dear Mom | purpleyhan, 2011

I love you Mom, really.

Nagising ako hindi dahil sa tunog ng alarm clock kundi sa pagyugyog sa akin ni Mama. Naman eh! Inaantok pa nga ako eh! "Uhhhmm. Hantukpakumamayamunakogishigin." "Bumangon ka na Jenny! Malalate ka na sa school oh." Eeehh inaantok pa nga kasi ako eh. Bahala siya dyan. *Yugyog**Yugyog**Yugyog**Yugyog* "Oo na nga eto na!" Aish! Nakakainis naman si mama eh. Napapanaginipan ko pa yung crush ko eh. Psh. "Maligo ka na dun." Di ko nalang siya pinansin at pumasok na sa banyo. After nun, nagbihis na rin ako ng uniform at kumain na rin. Hay, nakakatamad pumasok sa school. Pero dahil classmate ko ang crush ko, go pa rin. Hahaha, ang landi ko talaga. At nagsimula na naman akong magdaydream tungkol sa kanya.

"Kyaaahh! Aray ko." aray! Huhuhu kamay ko. T_T May nabunggo akong something at natumba ako. Tapos napahawak ako sa sahig kaya nagasgasan yung kamay ko. Aray talaga T_T "Miss are you okay? Damn! Nagdudugo yung kamay mo!" "Eh kasalanan mo 'to eh! Nak--" OMG. Is this true? OMG.

Si.. si.. Ethan.. YUNG CRUSH KO!

Dear Mom | purpleyhan, 2011

"Ahh..ano..a..o..o..ooo..okay lang a..aaaa.koooo.. Haaaahhhhaaahhhaaa." hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil kaharap ko siya tapos eye-to-eye contact pa kami. "I think you're not okay. Tara, hatid na kita sa clinic. Ako naman may kasalanan eh." then he smiled at me. WAAAAAAAHHHH NGINITIAN NIYA AKOOOOO!! SHET MABABALIW AKO NG MAAGA NITO! WAAAAAHHHH!! DREAM COME TRUE!! YUNG CRUSH KO PINANSIN AKO! Hinatid niya ako sa clinic with matching alalay pa sa akin. Okay lang kahit nakahawak siya sa bewang ko. Haha ako ay nagpapachansing sa crush ko. Eeeehh ang landi ko.

Dahil doon, napapansin niya na ako. Lagi niya akong binabati kapag nakikita niya ako. Magkaiba kasi kami ng section eh. Hihihi at nagsimula na ang tuksuhan sa school. Jusko, halos mamatay na ako sa kilig pag inaasar nila ako sa kanya. Tapos siya, ngingiti lang pag inaasar ako sa kanya. Sa totoo lang, mas lumalim yung feelings ko sa kanya. Hindi lang simpleng crush o gusto. Palagay ko nga, mahal ko na siya eh. At dahil sa mga ipinapakita niya sa akin, nagkaroon ako ng pag-asang.. Baka may nararamdaman rin siya para sa akin.

Until one day, in front of my class.. "Jenny, can I court you?" at naghiyawan na yung mga classmates ko.

"Sigurado ka na ba dyan?" tanong sa akin ni Mama. "Oo ma. Inlove talaga ako sa kanya eh. Ayoko na siyang paghintayin." sabi ko kay mama. Sinabi ko sa kanyang sasagutin ko si Ethan eh. Kahit naman sumasagot ako minsan ng pabalang kay mama, open pa rin naman ako sa kanya. Kahit na hindi kami ganun ka-close. "Oh siya. Wala naman akong magagawa eh. Goodluck nalang sa inyo. Sige na pumasok ka na at malalate ka na oh!" binigyan na niya ako ng baon at pumasok na ako sa school. Hinanap ko kaagad si Ethan. At nakita ko siya sa may gate, hinihintay niya ako. Ang sweet. :''>

Dear Mom | purpleyhan, 2011

"Good morning. Kanina ka pa?" Napatingin naman siya sa akin tsaka ngumiti ng napakalapad. "Hindi naman. And kahit naman gaano ako katagal maghintay dito okay lang kasi mahal ko naman yung hinihintay ko." at nagblush ako sa sinabi niya. Habang naglalakad kami, "Ethan, YES." sinabi ko sa kanya ang dapat sabihin. Nung una naguguluhan pa siya. Pero later on, mukhang nagets na niya. "Talaga Jenny?! YESSSS!! Salamat! Salamat! I love you so much! Thank youuuu!!" tapos binuhat niya ako at inikotikot. Nakakahiya nga dahil nasa gitna kami ng quadrangle at pinagtitinginan ng mga estudyante. Pero okay lang, sobrang saya ko rin naman kasi eh. Sa wakas, boyfriend ko na siya. Boyfriend ko na si Ethan. :''>

"Ma, please?" "Naku naman Jenny! Wala ka nang nagagawang matino dahil dyan sa pagboboyfriend mo na yan. Umayos ka nga!" Nakakainis! Ayaw akong payagan ni mama na makipagdate. Masama ba yun? Boyfriend ko naman siya ah? Two weeks palang kami ni Ethan. Si mama mukhang hindi niya nagugustuhan yung relationship namin. :\ "Dali na kasi ma. Linggo naman ngayon eh!" "Naku tigilan mo ako Jenny ha. Yun nga yun eh. Linggo ngayon! Araw ngayon para sa pamilya pero yang boyfriend mo pa rin yang inaatupag mo. Araw-araw na nga kayong nagkikita eh. Gabi ka na nga umuuwi lagi eh. Pati ba naman ngayon?? Magtigil ka." Eh wala naman akong ginagawa dito sa bahay eh! Manonood lang ako ng TV o kaya magtetext. Nakakaboring! Gusto kong makasama si Ethan ngayon! At least doon hindi ako mabobore. Siya rin naman lumalabas tuwing linggo ah, tapos ako hindi pwede? Bahala na. "Aalis pa rin ako. Boring dito sa bahay ma. Wala naman akong magawa eh!" then tumakbo ako palabas ng bahay habang sinisigawan ako ng mama ko. "Hindi mo na talaga ako ginagalang! Yan ba ang epekto ng pagboboyfriend mo??"

Simula nung araw na yun, naging cold na ako kay mama. Lagi na niya kasi akong binabawalan makipagdate tuwing weekends. Pero hindi ko siya pinapansin, umaalis pa rin ako. Bakit ba ayaw niya akong sumaya? Bakit ba ayaw niyang makasama yung boyfriend ko? Masama ba yun? Mahal ko naman yung mama ko pero mahal ko rin si Ethan.

Dear Mom | purpleyhan, 2011

"Galit pa rin ba mama mo? Wag nalang kaya tayong magdate tuwing sunday?" napatingin ako kay Ethan habang sinasabi niya yun. Kinukwento ko kasi sa kanya yung mga away namin ni mama. "Huh? Okay lang yun no. Maiintindihan niya rin yun. Siguro ayaw niya lang talaga akong umalis sa bahay. Alam mo na, nilayasan kasi kami ng papa ko." Yeah right. Yung papa ko, iniwan kami at nawala siyang parang bula. Walang pasabi, walang sulat, walang kahit ano. Kaya siguro ganyan si mama. Feeling niya mawawala ako sa kanya dahil kay Ethan. Pero di ko naman siya iiwan eh. Mahal ko ang mama ko. Hindi ko nga lang kayang ipakita sa kanya. Kasi madalas ko siyang sinasagot, hindi ako sumusunod sa mga utos niya. I'm cold towards her. Nakakahiya.

"Ma naman! Eto na naman tayo eh!" "Puro ka kasi Ethan, Ethan! Lagi mo nalang siyang kasama. Lumalandi ka na simula nang nagkaboyfriend ka!" THAT. Napatigil ako nung sinabihan niya ako nun. Parang gusto kong umiyak. Ang sakit pala pag yung sarili mong nanay eh sinabihan ka nang lumalandi. Ang sakit lang. Di ba dapat siya ang nakakaintindi sa akin? Hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Lagi nalang ganito. Walang pagbabago. Ayoko na. "Sige ako na ang malandi! Sige ako na ang masamang anak! Ma naman! Sana intindihin niyo rin ako! Gusto ko rin namang maranasang mahalin! Kayo ba ha?! Ni minsan ba pinakita niyong mahal niyo ko?! Lagi niyo nalang akong sinisigawan! Lagi niyo nalang akong pinapagalitan! Lagi nalang kayong ganyan simula nung iwan tayo ni papa! Andito pa rin naman ako eh! Hindi naman kita iniwan ah?! Iniwan ba kita?! Hindi di ba?? Pero kayo?! Alam niyo kung bakit mas lalong lumalayo yung loob ko sa inyo?! Kasi hindi mo magampanan yung pagiging nanay! Sasabihin niyo sa aking family day tuwing linggo pero asan kayo pag linggo?? Di ba lagi kang nasa labas?! Ako lagi ang naiiwan sa bahay! Akala ko ba family day?! Eh lagi akong mag-isa tuwing linggo! Sige nga ma, MAHAL NIYO BA TALAGA AKO HA??" I burst out in tears. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Lahat ng hinanakit ko sa kanya dati pa. *PAK* And there, nasampal ako. Pagkatapos niya akong sampalin, lumabas ako ng bahay at tumakbo palayo. My mom doesn't really care about me. It really hurts.

Ilang araw na rin kaming hindi nagpapansinan ni mama. Ayoko siyang kausapin. Nagtatampo ako sa kanya. Siya na nga yung may pagkukulang sa akin eh. Siya pa yung may ganang magalit. Iniiwasan ko siya sa bahay. Maaga akong nagigising para di niya ako maabutan. Haaay. Nasa school na ako ngayon. At tignan mo nga naman ang pagkakataon. Kuhaan ngayon ng grades. Isusurprise ko pa naman sana siya na nasama ako sa top ten para matuwa siya sa akin pero mukhang di na mangyayari yun. Tinext ko nalang siya.

Dear Mom | purpleyhan, 2011

Kuhaan ngayon ng card. Punta ka nalang.

After nun, kumain muna kami ni Ethan sa cafeteria. Tapos pumunta kami sa quadrangle. "Ethan, pwedeng dun muna tayo sa bench?" "Sure." syempre alam niya rin yung nangyari. Super thankful ako dahil understanding ang boyfriend ko. Sana ganito rin si mama. :\ Kaya kami pumunta sa bench, kasi kita mula rito yung room. Dun kasi kukunin yung card. Titignan ko lang kung pupunta talaga siya. And thank God. Pumunta nga siya. Ewan ko pero napangiti ako. Kahit pala papaano eh may pakialam pa rin sa akin si mama. Pero nagtatampo pa rin ako sa kanya. Ayoko namang magsorry. Hindi kasi ako sanay na nagpapakita ng kahit anong sweet gestures kay mama. Gaya ng halos lahat ng teenagers. Nakakahiya kasi. At nagulat ako nung napatingin siya sa direksyon namin kaya agad kong hinatak si Ethan palabas ng school. Nakatawid na kami nung narinig kong tinawag ako ni Mama. "Jenny! Jenny!" tumatakbo rin siya palabas ng school. Ewan ko pero bigla akong naiyak. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ko ngayon. Dahil sa gulung-gulo yung utak ko, tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo habang pinupunasan yung luhang patuloy na umaagas sa mga mata ko. Sinundan lang rin ako ni Ethan.

Pero natigil yung mundo ko nung..

*SCCCRRRREEEEEEEECCCCCCCCCHHHHHHH* "Oh my God, tumawag kayo ng ambulansya!" "Huy, tulungan niyo yung babae!" Bigla akong lumingon at nakita ko yung mama ko na nakahandusay sa kalsada. Duguan.

"MMMAAAAAAAAAAA!!" hindi ko alam kung paano akong nakalapit sa kanya. Ni hindi ko tinignan kung may dumadaang sasakyan. Pinatong ko yung ulo niya sa binti ko.

Dear Mom | purpleyhan, 2011

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!! DALIAN NIYO!! YUNG MAMA KO!! ETHAN!!" tumakbo si Ethan at humingi ng tulong. Ako naman sunud-sunod na yung luha ko. Yung mama ko. Si mama. Duguan siya. "A..anak.." tapos nginitian niya ako. "Ma wag ka nang magsalita please? *huk* parating na yung ambulansya. Don't worry. Andito lang ako." then I hugged her tightly. Tapos hinaplos niyaa yung mukha ko. That made me cry harder. "So..sorry Jenny. Sorry.. kung hindi ako naging.. mabuting nanay.. Simula.. kasi iniwan.. tayo ng tatay mo.. parang nawalan na ako ng pag-asa.. Hindi ko naisip.. na andyan ka pa..pala.. Andyan pa yung..anak kong nagmamahal..sa akin.." nahihirapan na akong huminga. Nahihirapan ako dahil nakikita kong nahihirapan yung mama ko. "Ma.. please wag ka nang magsalita.. Please.." "Akala ko..kasi.. iiwan mo rin ako.. akala ko.. mawawala ka rin sa akin.. akala ko.. kukunin ka ng boyfriend mo.. sa akin.. Pe..pero masaya ako ngayon.. kasi nalaman kong.. mahal mo ako.. sorry anak.. sorry sa lahat ng.. kasalanan ko.. sorry." we're both crying. Ang sakit sakit ng dibdib ko. "I really love you mom. I love you. So please stay strong. Parating na yung ambulansya." nginitian niya ulit ako. "Sa wakas.. na..narinig..r..rin kita.. na.. sinasabihan ako..ng.. I..i love you.. salamat..anak. Ma..mahal rin kita.. mahal..na.. mahal kita... Jenn...y." Bigla nalang bumagsak yung kamay niya. Tapos biglang pumikit yung mata niya. No.. No.. This isn't happening. "MA! MA! Gumising ka dyan. Wag mo akong niloloko ma! Ma.." tinapik-tapik ko yung mukha niya. "MA PLEASE! GUMISING KA DYAN MA!! MA NAMAN WAG MO AKONG IWAN! IIWAN MO RIN BA AKO? INIWAN NA NGA AKO NI PAPA TAPOS IKAW RIN? Maaaaaa! MAMA I NEED YOU! Maaa naman eh!" "Promise, di na kita sisigawan. Di na kita sasagutin. Di na ako makikipagdate pag weekends! kung gusto mo hindi na ako makikipagdate kahit kailan! Mama ano ba! Gumising ka dyan please?? Ma! Magiging mabait na akong anak! Ma wag mo kong iwan! Mama ko! MAMA!!" *ambulance* "Jenny, andyan na yung amb--" "MA..MAMA.. andyan na yung ambulansya oh.. Dali na.. gising ka na dyan.. pupunta na tayo sa ospital. Gagamutin ka na nila.. MA.."

Dear Mom | purpleyhan, 2011

Biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Naramdaman ko yung luha niya sa leeg ko. "Jenny, she's gone."

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Ethan, umiyak ako ng malakas kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan. "MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!"

I love you Mom. Kahit na nagkulang ka sa akin, mahal na mahal pa rin kita. Ikaw pa rin ang the best mom para sa akin. Sana masaya ka na kung nasaan ka man. Pipilitin kong maging masaya sa piling ni Ethan, Ma. Kapag nagkaroon kami ng pamilya, magiging mabuti akong nanay. Ipagmamalaki kita sa kanila. Sana proud ka rin sa akin bilang anak mo. Mama, farewell. I love you so much.

-Jenny.

End. Dear Mom.

Dear Mom | purpleyhan, 2011

You might also like