Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

HIMALA ni Ricky Lee

Maaga ako umuwi kagabi. Inindyan ko sina Robert (Besana) at J (Pacena II) kasi sabi ko dadaan ako sa inuman ng mga artists pagkatapos ng awarding rites ng 13 Artists Awards sa CCP. Nagtext na sa akin sina Meanne (Jimenez-Salvador) at Alma (Quinto) kung pupunta ako, pero sabi ko hindi kasi antok na ko. Pag-uwi ko, nasa labas ng pinto ng unit ko ang isang Manila envelope galing kay Ricky Lee. Sa isip ko, ito na ata ang Special Edition ng Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon na una nang sinabi sa akin ni Ben (Cho) na may kopya daw ako nito. Dali-dali kong binuksan ang brown envelope. Parang walang bukas. Natatawa ako kasi punit-punit na halos ang packaging. Para bang ginto ang laman at kelangan ko na makita at maitago. Nang unang tumambad sa akin ang aklat, na dj vu ako. Nagkita na kasi kami ng librong ito matagal na panahon na. Ang unang kopya ko ng Si Tatang ay galing sa ipon. Estudyante pa lang ako nun nang una kong nasilayan ang libro. Malaki ang impluwensya sa akin ng Si Tatang dahil ang istilo ng pagkasulat ay simple lang at di academic. Para lang nagsasalita si Ricky sa akin habang binabasa ko ang laman ng aklat. Marami kasi sa mga Filipino writers nagsusulat para sa sarili. Masturbatory ang tawag ko sa mga ganito. Hindi ko gusto ang ganitong estilo kasi pag masturbatory ang isang bagay, ang pinapaligaya nito ay ang may gawa lang nito. In short ang kelangan ko ay isang librong nakikipag-usap sa akin. Ang Si Tatang ay higit pa sa isang kaibigang nakikipag-usap. Si Tatang ay nagpapatawa, nakikipagtalastasan, nagtatanong, nagmumulat at --- ito ang pinakagusto ko sa lahat --- nang-aakit. May misteryo ang librong ito ni Ricky. Ang misteryong ito ang aspeto ng libro na umaakit sa mga gaya kong hindi alam minsan ang hinahanap sa isang mababasa. Surprise me, kumbaga, ang aking gusting mangyari sa mga publications na binibili ko. At ganun na nga ang nangyari, I was surprised to see a book na kakaiba ang size kumpara sa ibang libro, kakaiba ang approach at kakaiba ang estilo sa pagsusulat. Isa sa pinakagusto kong laman ng Si Tatang ay ang mga reportage. Si Ricky dito ay hindi lang manunulat. Sya ay para nating look-out sa mga madidilim na sulok ng Maynila. Sya ang ating asset sa mga sekretong underground raids natin. Sa halagang kapiranggot, dinadala ako ni Ricky kung saan-saan at minsan nananampal pa sya. Nanggigising para ang mga tutulog-tulog sa katotohanan ay matauhan. Kelangan ko ang Si Tatang lalo nat noong estudyante ako ay napakakonti (halos wala, actually) ang mga librong Pinoy na tungkol sa pelikula. Kayat naging matalik kong kaibigan si Tatang kasama ng mga libro ni Doy del Mundo at ng isa sa aking mga mentors na si Nick Deocampo (filmmaker, academician at film historian). Ang Special Edition ng Si Tatang ay hindi ko pwedeng tawaging upgrade. Hindi

naman kasi kulang o kelangan dagdagan pa ang orihinal na Tatang. Ang Special Edition ay Si Tatang pa rin na parang dinagdagan ng mga trivia at mga iba pang kwentong panginsider lamang. May mga pagbabago sa anyo ng libro pero maintained ang estilo ng pagkakalay-out ng orihinal. Mas trip ko ang orihinal kasi iba ang papel. Mas makaluma. Mas underground ang dating. Itim ang pabalat. Kaso ang Special Edition ay hindi pwedeng ikumpara sa una. Gawa ito para sa makabagong henerasyon without disrespecting the original. Kaya ang ganda-ganda ng bagong Si Tatang. Hindi upgraded. It has aged pero maintained pa rin ni Tatang ang kanyang baby face. Ang carrier piece ng Si Tatang ay ang classic na pelikula ni Ishmael Bernal. Ito ang Himala, as if di mo pa alam. Ang iskrip nito ay sinulat ni Ricky. Kumbaga sa music album, ang Himala ang carrier single at ang hit song ng CD. Kung ikaw ay fan ng Himala at wala ka pang kopya ng librong ito, itigil mo na ang pagbabasa sa blog na to. Bumili ka na agad ng Si Tatang. Kung ikaw ay hindi fan ng Himala, kelangan mong mabuhusan ng malamig na tubig para lang matauhan ka nang konti. Hahaha! Joke lang! Ikaw naman. Buti nga malamig ang binuhos ko sa yo. Hahaha! Kasi ganito..ang Himala ay isa talagang himala ng kahit anong henerasyon. Ayoko usually sa mga overrated na mga pelikula. Pero nang una kong napanuod ang Himala, nagustuhan ko sya sobra. Walang kritiko o gurong nagsabi sa akin na itoy maganda. Bata pa ko, may sarili na akong opinyon sa mga pelikula. Mahilig ako sa pelikula. Ito ang aking oxygen noon pa man. Ang Himala ay isang obra maestra at lahat ng mga artists na bumuo nito ay sa tingin ko talagang tinipon ng tadhana para gawin ito. Si Nora Aunor ay si Elsa sa Himala. Fan ka man o hindi, hindi pwedeng isnabin mo ang pagganap ni Nora dito sa pelikula. Hindi ako fan ni Nora o ni Vilma. Fan ako ng mga pelikula, hindi masyado ng mga artista. Pero sa Himala, kahit ang bulag maniniwalang ito ang pinakamahusay at pinaka-memorable na pagganap ni Nora sa isang karakter sa pelikula. Aminin man ni Ricky o hindi (inamin na ata nya sa libro), ang Himala ay sadyang isinulat para kay Nora. Ang pinakanakakatindig-balihibo na mga eksena sa Himala ay yung mga eksenang hindi nagsasalita si Elsa. Tahimik ang pelikulang Himala. Pero maingay ang mga pilosopiya nito. Sadyang pang-Ishmael Bernal nga ito. Ayon kay Ricky, isinulat nya ang Himala para kay Mike de Leon (na hindi ko alam kung bakit ngayon hindi pa ito ginagawaran ng National Artist Award, mahiya naman tayo sana sa ngalan ng sining). Si Mike ang paborito kong Filipino director dahil sa husay nya sa aesthetic at teknical na aspeto ng mga pelikula nya pero hindi nababawasan ang paggalang ko sa kanya pag sinabi kong mabuti at napunta kay Ishmael Bernal ang Himala. Pagdating sa minimalism, si Bernal ang master dito. Una kong nakilala si Bernal Sa MOWELFUND canteen (nung akoy assistant editor at post-production in-charge ng Private Wars ni Nick Deocampo way back in 1996-1997). Pinakilala sya sa akin ng kaibigan kong si Evelyn (Vargas Knaebel, na ngayon ay based na sa Switzerland). Nung nagkamayan na kami, sobrang higpit ata ng grip ko kasi sobrang natuwa ako na ma-meet ko ang isa sa mga tinitingala kong direktor. Nasa isip ko nun, ito ang direktor ng mga paborito kong Nunal sa Tubig at Himala!!!. Sa sobrang tagal ng pag-shake ko ng kamay nya, sinabi nya, O hijo! Tama na! Masakit na!. Hahahahahaha! Nahiya ako sa

sarili ko pero okay lang. At least nakamayan ko si Ishmael Bernal. Una ko namang nakilala si Ricky nung akoy nasa NCCA bilang isang Project Development Officer III na in-charge sa pag-asikaso ng mga proyektong pampelikula na pinopondohan ng gobyerno sa pamamagitan ng Cinema Program na pinangungunahan ni Maestro Eddie Romero (National Artist for Film and Broadcast). Kumpara sa ibang mga nasa showbiz na nakilala ko, si Ricky ay tahimik. Hindi ko alam kung magagalit sya sa akin pag sinabi kong demure ang dating nya sa akin. Kaya mahihiya ka pag nag-fifeeling ka kasi ito ngang napakagaling at napakasikat na mama eh simple lang. Hindi machika si Ricky nung una. Pero maaalahanin. Never syang nakalimot. Pag may event o may bago syang mga gawa, lagi ako naiimbita. Eh sino ba naman ako, di ba? Pero si Ricky naalala nya ang mga kagaya ko. Naisip ko, marami ata syang naaalalang mga tao sa buhay nya so binigyan sya ni Lord ng malawak na espasyo hindi sa kanyang memory kundi sa kanyang puso. Dahil dito, hindi ko maiwasang isipin na si Ricky ay isang sensitibong tao. Makikita ito ng mga mambabasa sa Tatang. Sensitibo ang mga artikulo, kwento at iskrip ng Himala. Bihira ang mga sensitibong writers sa Pinas. Kokonti lang sila. Nostalgic ang gabing natanggap ko ang Special Edition ng Si Tatang (pati ang mga di ko malilimutang mga kuha ni Chanda Romero at Richard Gomez ay nandito pa rin sa Special Edition). Gaya nang sinabi ko, na Dj vu ako. Ang aklat ay napaka-influential sa akin bilang isang ordinaryong reader. Feeling ko, tumatawa ang libro kasama ko. Makikiiyak din sya pag napaluha ang puso ko sa mga reportage. Higit sa lahat, kahit unti-unti kong nadidiskubre ang mga misteryo sa librong ito, isa pa ring malaking misteryo si Tatang. At gaya ng lahat ng misteryo sa buhay, mas maganda pag itoy hindi na masyadong binubulatlat pa. May dating ang misteryo pag itoy mananatiling misteryo. Kelangan kong pasalamatan si Ricky sa isang napaka-sensitibong obra-maestra na hindi na ko iniwan-iwan san man ako mapunta bilang artist, bilang tao. Sa sobrang tuwa ko nga, nakapagtext lang ako ng pasasalamat kay Ben at kay Ricky mismo, nung natapos ko nang basahin sa isang upuan (bihira ito mangyari sa akin) ang lahat ng dagdag sa Special Edition (mamatay-matay ako sa tawa sa The Making of Himala). Yung pagtext ko ng late thank you kay Ricky dahil sa binasa ko muna ang lahat sa bagong Si Tatang.. .yun na ata ang sincerest thank you ko sa isang manunulat na syang himala ng aking panahon.

You might also like