Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 3 PAMARAAN NG PANANALIKSIK Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa ibat ibang aspekto ng pamamaraan na ginamit ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pagaaral

na ito. Tinatalakay din ang disenyo ng pananaliksik, mga respondente, at mga teknik na ginamit ng mananaliksik. DISENYO NG PANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ay palarawan at pasuri. Ang pamamaraang pasuri ay isa sa mga ginamit sa pag-aaral na ito. Di magiging makabuluhan ang paglalarawan kung walang pagsusuri. Ang pagsusuri ay isa sa pangkalahatang proseso upang maabot ang kalinawan sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay ng kabuuan. Ang paraang paglalarawan ay ginamit ng mananaliksik sa paglalahad ng tunay na kalagayan, kalakip na rito ang pagtitipon ng mga kaalaman at pagsusuri sa mga datos na nakuha upang malutas ang mga suliraning inihain sa unang kabanata.

MGA RESPONDENTE Sa pag-aaral na ito ang mga respondente ay ang mga mag-aaral na may kursong Financial Management sa mataas na paaralan ng New Era University sa Lungsod Quezon. Ang mga respondente ay binubuo ng 40 mag-aaral, dalawampung babae at dalawampung lalaki. INSTRUMENTO/TEKNIK Upang makamit ang layunin sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan para maisakatuparan nang maayos at makabuluhan ang kahihinatnan ng pag-aaral na ito. Ang talatanungan ang instrumentong ginamit upang makalap ang mga datos mula sa mga respondent sa pag-aaral na ito.

You might also like