I Got You

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 49

Biyernes.

March 23, 2012

Nagising ako ng 5am. Ang aga ko kaseng natulog kagabi kaya ang aga ng gising ko. Naisipan kong mag-type ng story. While listening to music of course. At ang napili kong pakinggan? I Got You by Leona Lewis.

So after 7 hours of typing.. kase mag-i-eleven na. Wala pa kong luto. Hindi pa ako naghihilamos. Haha...

And after God-knows-how-many times Ive played that song... natapos ko din sya.

All I can say is that Im happy with this. Sana kayo rin... ^^,

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*this is a story inspired by a lyrical hiphop routine danced by Melanie and Marko of So You Think You Can Dance Season 8. I forgot who choreographed it. Shame on me. :/ But that dance is one of my favorite performances of all time. At karamihan dun sinayaw nila.

Sa mga hindi pa nakakapanuod ng sayaw nila... baka mailagay ko yung vid sa kanan. Ewan ko lang kung maaalala ko pa by the time na mapost ko to. Madami pa kong pending eh... haha. Pag wala, panuorin nyo sa youtube.

Umiiyak ako tuwing napapanuod ko yan. Haha...*

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano ba ang best friend?

Sabi nila... a best friend is the one who listens to what youre not saying. The one who enjoys doing stupid things with you rather than reprimanding you. A best friend is someone you can also call family because they treat you like one. Theres no secret between the two of you...

Someone wholl say Youre stupid, but I love You. Someone who knows whats making you sad when you dont even say anything.

A best friend is someone who will let you dance in the rain and then take care of you when you got sick. Someone who is willing to be stupid just to make you laugh.

And someone who would likely die for you...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

May na-mention bang someone who loves you secretly and is keeping quiet just to not break your friendship?

Kase ako...

Mahal ko ang bestfriend ko...

Sa lahat ng paraang alam ko.

Mahal ko sya bilang kaibigan.

Mahal ko sya bilang kapatid.

Mahal ko sya bilang girlfriend.

Mahal ko sya bilang bestfriend.

Pero ako... sa isang paraan lang nya ko minamahal...

Kaibigan.

Ang saklap ng buhay... Alam kong clich na at alam kong marami ng nakakaranas ng ganyan... Pero it always ends up the same... youll end up crying.

From joy or pain... I still have to figure that out.

Pero kahit na masaklap, kahit na masakit, kahit na hanggang best friend na lang...

Habang-buhay pa rin akong mananatili sa tabi nya...

Kahit bilang best friend lang...

*sana po basahin nyo. ^^,*

GO AHEAD AND MAKE ME CRY... ILL BE ALRIGHT.

AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! !!!!!!!! Mamatay ka na! I hate you! Sana mawala ka na sa mundong ibababaw impakto ka! Ampanget mo! Mamatay ka na ngayon naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!

She breathed in deep... saka sumigaw ulit. This time, she picked up some rocks saka ibinato sa bangin. Opo. Bangin. Nakaupo kase kami sa edge ng isang bangin... favorite tambayan namin. Kase kahit sumigaw ka ng sumigaw, walang magagalit sa yo.

In this case... sa kanya.

Ano okay ka na? Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa kin. Galit pa rin. Inakbayan ko sya. Umiyak ka kase ng mawala yan...

Pinalis nya ang kamay ko. Ayoko nga! Bakit ko sya iiyakan?! Hello! Kung ayaw nya na sa kin eh di wag! Hindi naman ako ang nawalan kundi sya! Sa ganda kong to, ipinagpalit nya pa ko?! At sa mukha pang butiki! Fine! Mahilig pala sya sa mga mukhang animal... eh di dun sya!

I chuckled. At dahil dun, nag-glare na naman sya. I held up my hand. Whoa. Sorry. Natawa lang ako sa sinabi mo.

Tulak kita dyan eh. Sabi nya sabay pout.

Subukan mo lang ng mawalan ka ng gwapong best friend. Natatawa kong sabi sa kanya. She crossed her arms.

Tseh!

Umuwi na kase tayo. Gabing gabi na oh. Mag-aalas-dyes na kase. Apat na oras na ata kami dito. Kase kanina, bigla-bigla nya kong tinawagan. Sobrang galit ng boses nya kaya alam ko agad na boyfriend nya na naman ang dahilan. Kaya dito kami nagpunta. Tatalon daw sya eh. Kaso natakot. Haha...

Eeee... ayoko umuwi sa min.

Bakit na naman? Ano yun, pati sa bahay may problema pa rin?

Sumandal sya sa balikat ko saka yumakap sa bewang ko. Ayoko dun... nagaaway na naman sina mama.

I brushed her hair then kissed the top of it. Hmmm... kabango talaga ng best friend ko. Hehe... So anong plano mo?

Tumingala sya. Sa inyo na lang ako.

Neh hindi kami evacuation center.

Dumila sya with a matching crinkle of nose. Ang cute... Saka sya sumimangot at nagpout. Sige na... Kahit sa sala nyo lang ako matulog. Sige na....

Alam naman nyang papayag ako kahit anong tanggi ko eh. I sighed. Sige na nga.

At dahil dun ngumiti na sya. Sa sobrang ngiti nya para lang syang batang binigyan ng imported chocolates. Yan naman eh... kaya mahal kita eh.

I love you too. Sagot agad ng puso ko.

Sus. Nambola pa.

Hindi nga... I love you talaga best friend... Siniksik na naman nya yung ulo nya sa may kili-kili ko. Parang sisiw lang eh. Haha...

Oo alam ko. Tara na, inaantok na ko.

Okay! She said enthusiastically. Ako muna ang unang tumayo saka ko sya itinayo at sumakay na kami ng kotse. Ako ang driver, syempre. Habang ako nag-da-drive, kumapit sya sa braso ko at sumandal sa balikat ko. Maya-maya, tulog na sya..

Ngalay na ngalay na ang balikat ko pero bakit naman ako magrereklamo? Kung para naman sa ikaliligaya ng mahal ko eh... kahit ipaputol ko pa ang balikat ko ayos lang.

Pumara na ko sa tapat ng bahay namin pero tulog pa rin sya. Hindi ko na muna sya ginisng. Tinitigan ko na lang. Mahirap tsumempo kapag gising sya eh. Baka kung anong isipin. Well, tama naman yung mako-conclude nya pero... ayoko.

Tinapik ko ng mahina yung kabila nyang pisngi. Issa, gising na.

Umungot sya...

Oy mahal kong best friend... bumangon ka na. Nandito na tayo...

She opened one sleepy eye tapos inalis yung pagkakapatong ng ulo nya sa balikat ko. San? She asked in her sleepy voice.

Sa bahay ko malamang.

Nag-pout na naman sya.

Halika na.

I removed the key from the ignition saka ko sya hinila palabas dun sa katabi kong pinto. Hila-hila ko pa rin sya hanggang makarating kami sa sala. Nandun si mama, natutulog sa sofa. Inaantay ata ako. Ginising ko si mama.

Ma... lipat na po kayo sa taas. Malamok dito..

Bumangon si mama. At nagmukhang concern ng makita kung sinong kasama ko. Oh! Issa. Bat di ka pa umuuwi? Gabi na ah!

Dito daw sya tutulog ma.

Okay lang po ba ma? Kahit sa sala lang po ako. Sabi nya. Mama din kase tawag nya sa mama ko. Feeling anak eh. Pabor naman. Sarap sa tenga.

Naku! Anong sa sala? Dun ka sa kwarto ni Andre.

Tabi tayo. Nakangiti kong sabi kay Issa. At dahil dun sinapok ako ni mama.

Anong tabi? Gusto mong ma-shot gun ng daddy mo?

Joke lang ma! Sya.. matulog na kayo. Inaantok na ko.

Niyakap muna ako ni mama saka tumingki para halikan ako sa noo. Tapos she did the same to Issa. Good night mga anak. Matulog na kayo ha! Tapos umakyat na sya.

Oh. Akyat ka na dun. Sabi ko kay Issa na nakatayo pa rin.

Samahan mo ko.

Ha? Bakit na naman?

She shrugged. Wala lang. Sige na... kahit hanggang makatulog lang ako tapos alis ka na.

Hanep...

Ngumiti sya.

Please?

I sighed. Why bother complaining? Tss. Fine. Umakbay sya sa kin. Nakatingki na nga sya kase matangkad ako. Kaya ang ginawa ko, tinanggal ko yung kamay nya sa pagkakaakbay at ako na lang ang umakbay sa kanya.

Umakyat na kami at nagpunta sa kwarto ko. Palagi naman syang natutulog dun kaya at home na at home na at nauna pang mag-dive dun sa kama ko. Tinanggal ko pa yung sapatos nya kase madudumihan yung higaan ko. Tapos nagtanggal na rin ako ng sapatos at tumabi sa kanya.

Humarap sya sa kin. Kantahan mo ko. Sabi nya.

Ng..?

Kanta. Malamang. Alangang kantahan mo ko ng sayaw! Natatawa nyang sabi.

Sira ka talaga. Ano nga?

Hmmm... Nag-isip sya sandali. Bahala ka na kase...

Tumalikod sya tapos hinila yung kamay ko para iyakap sa kanya. I looked over to see her face. Nakapikit na sya at handa ng matulog.

Kanta na bilis...

I sighed. One.. Two.. Three...

Twinkle, twinkle little star How I wonder what you are

Adik ka ba? Ano ko bata?

I chuckled. Arte nito.

Eee... ayusin mo kase... Sabi nya saka naghikab.

Kumanta ulet ako.

A place to crash, I got you No need to ask, I got you Just get on the phone, I got you Come and pick you up if I have to

Nice song...

Sssh. Tulog na.

Opo. Tumahimik na sya ulet. Nagpatuloy ako pagkanta.

What's weird about it is we're right at the end I'm mad about it, just figured it out in my head I'm proud to say I got you

Mabagal lang ang pagkanta ko to emphasize all the words. Kanta ko yan sa kanya eh...

Go ahead and say goodbye, I'll be alright Go ahead and make me cry, I'll be alright And when you need a place to run to For better, for worse I got you, I got you

Ain't falling apart or bitter Let's be bigger than that and remember The cooling outdoor when you're all alone

Won't survive it, no drama, no need for a show Just wanna say I got you

Her shoulder rose and fell softly. Mukhang tulog na sya. But just to make sure, nagpatuloy lang ako pagkanta.

Go ahead and say goodbye, I'll be alright Go ahead and make me cry, I'll be alright And when you need a place to run to For better, for worse I got you

Go ahead and say goodbye, I'll be alright Go ahead and make me cry, I'll be alright And when you need a place to run to For better, for worse, I got you

'Cause this is love and life And nothing we can both control And if it don't feel right You're not losing me by letting me know

Go ahead and say goodbye, I'll be alright Go ahead and make me cry, I'll be alright And when you need a place to run to For better, for worse I got you

Go ahead and say goodbye, I'll be alright

Go ahead and make me cry, I'll be alright And when you need a place to run to For better, for worse I got you

A place to crash, I got you No need to ask, I got you

Issa? I whispered in her ear. She didnt answer. So I removed my hand from her waist then I stooped down and kissed her forehead. Good night.

Saka ako bumaba ng sala para matulog sa sofa. Pagbaba ko dun, may nakalagay ng kumot at unan. Tapos may nakahanda ng electric fan. Si mama siguro ang naglagay.

FINDING THIS SO CALLED LOVE SOMEWHERE ELSE Hindi na ko umaasang mapapansin nya na ko after nyang makipag-break dun sa last boyfriend nya. Kase, ang lagay eh hahanap lang sya ng panibago.

Syempre hindi ako yun.

San na naman ba tayo pupunta?

Maghahanap ng mabo-boyfriend!

I looked sternly at her. Di ba pwedeng ako na lang? Ang dali-dali ko na ngang hanapin. Hindi na nga ako nagtatago para makita mo agad eh...

Di ba pwedeng pahinga muna? Tanong ko sa kanya.

Ayoko. Di ako sanay.

Toinks. Batukan kaya kita? Hindi naman tatakbo yang mga lalaking yan eh..

Nag-pout sya. Hindi nga tumatakbo, nagta-transform naman.

Bigla akong natawa sa sinabi nya. Come to think of it, parang karamihan na ng mga lalaki ngayon eh appearance na lang ang lalaki.

Oh wag kang tumawa. Baka isa ka na dun. Nakasimangot nyang sabi.

Hindi noh. Madaming iiyak pag nagkataon. Nakangiti kong sabi. Hindinghindi ako magiging bading. May mahal ako weh..

Psh. Madami daw.

Talaga lang! Hindi mo ba pansin na gwapong-gwapo tong best friend mo? Nag-po-pose pa ko para matawa sya. But my efforts are to no avail.

Eh bakit hindi ka mag-girlfriend kung talaga?

Natigilan ako sa sinabi nya at napaseryoso. Bakit? Gusto mo ba?

Syempre ayoko. Akin ka lang eh. Sagot nya naman.

Napaka-selfish mo talaga. Nasabi ko bigla. Pabiro lang pero may konting katotohanan. Dati kase... nasubukan ko ng magka-girlfriend. Ilang beses na nga... pero hindi tumatagal. Ang dahilan? Eh di sya..

Syempre, habang sya may boyfriend, nawawalan na sya ng time sa kin. Ayoko namang palagi na lang bumuntot sa kanya kase baka ako pa ang maging dahilan ng pagbibreak nila ng boyfriend nya. So naisip kong manligaw ng iba.

Kaso... tuwing may girlfriend naman ako, parang bigla syang nagpapapansin. Tuwing may date ako for example, saka sya tatawag sa kin at magpapasama kung saan. Syempre, sya ang uunahin ko. Mahal ko sya eh.

At yun yung palaging idinadahilan ng mga nagiging girlfriend ko kung bakit sila nakikipaghiwalay sa kin. Sabi pa nga nung isa, bakit hindi na lang daw yung best friend ko ang ligawan ko? Tutal din naman, sya palagi ang inuuna ko.

Ang sagot ko?

Wala. Best friend ko eh.

Kapag kasal na ko... saka ka lang pwedeng mag-girlfriend. Sabi nya na nakapagbalik sa kin sa present. I saddened at the thought. Pero hindi pwedeng ipakita.

Ang daya mo naman.

Ngumiti na sya. Ganun talaga...

I sighed saka pumasok sa kotse ko. Sumunod naman sya at naupo sa passengers seat. San tayo?

Lets go clubbing. Parang trip ko sumayaw.

Kumuha ako ng maliit na flash light sa compartment ng kotse ko. Tapos itinaas ko yun at ini-on. Oh sayaw na. Tugs. Tugs tugs tugs tugs. Saka ko pinaikot-ikot yung flashlight para gumalaw yung ilaw. Natawa sya bigla.

Adik ka talaga. Cornetto much?

Pinatay ko yung flashlight at ibinalik sa compartment ko. Eh bakit pa kase sa club tayo pupunta? Mga party-goers lang ang nagpupunta dun. Wala kang matinong lalaki na mahahanap dun.

Weh... pano kung meron?

Eh pano kung wala? Ganti kong tanong.

She shrugged. Eh di you can say... I told you so. Ngumiti sya ulet. Lets go na kase..

Sighing again, I turned on the ignition and drove away.

As expected, the club we went to was all hot and stuffy. Maraming tao. Mga nagsasayaw at umiinom. Not exactly my kind of place but she likes it here. Hindi ko naman sya iiwanan ditong mag-isa.

Nagpunta kami dun sa bar na kokonti lang ang tao kase nasa dance floor na halos lahat. Isang beer nga bro. Sabi ko sa bartender. He handed me a bottle.

Ako din. Sabi naman ni Issa.

No. I stopped the bartender from giving her a bottle.

Why?!

You cant drink here.

Pinamay-awangan nya ko Oh and you can?

Tumango ako. I can handle myself. Sabi ko.

And I cant?! Naiinis nyang sabi. Tumango ulet ako. She gave out an exasperated sigh saka pasalampak na naupo sa isang stool sa tabi ko. Sa sobrang busangot ng mukha nya kelangan pang padaanan ng pison para maunat yung kunot ng noo nya.

Give her a ladies drink instead. Sabi ko sa bartender. Sumunod naman ito.

Ayoko nga! Pagrereklamo naman nya.

Fine. Umuwi na tayo.

Pinanlisikan nya ko ng mata saka nag-pout. I hate you.

No you dont. Now behave, magsi-CR lang ako.

I was hesitant to leave her there pero naiihi na talaga ako. Alangan namang isama ko sya sa mens room para mabantayan ko lang? Malaki na naman sya eh. She can take care of herself for a few minutes.

After peeing, nagmadali na kong bumalik sa bar. Pagdating ko dun, wla na sya. Tinanong ko agad yung bartender kung nasan sya. Itinuro naman nito agad sa kin. From across the room, I saw her dancing with some guy.

Naka-cut-off shirt yun tapos maraming tattoo sa magkabilang katawan. Napailing ako.

Then I saw the guy grab her hips and started grinding her. I felt my blood boil. I dont want to make a scene but I swear Id punch the teeth out of that guys mouth!

Palapit na sana ako ng biglang may isang lalaking lumapit sa kanila. He took her from the other guy at sumama naman sya dito. I could tell by her face that she was relieved. Napahinga na rin ako ng maluwag. Saka ko sila sinundan.

Ano, okay ka lang? Tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kanila. Nakaupo sila sa isang table sa tabi.

Andre! Tuwang-tuwa sya ng makita ako. Tumayo pa sya at yumakap sa kin.

ikaw kase. I kissed the top of her head.

Sorry. Sabi nya sa mahinang boses. I brushed her hair with my hand. Nakita kong tumayo yung lalaki na tumulong sa kanya.

I let go of her saka ko nilapitan yung lalaki. Salamat nga pala pre. I held out my hand. Kinuha naman nya yun.

No problem.

Andre nga pala.

Kian. Are you guys together? Curious nyang tanong. Umiling ako.

Were best friends. Sabi naman ni Issa sabay yakap sa bewang ko.

Ah... Ngumiti si Kian. In that case, can I have your number? Tanong nya kay Issa. Syempre nainis ako bigla. Kaso ano namang magagawa ko kung gustong ibigay ni Issa yung number nya? At the very least, mukha namang matino si Kian.

Ill go grab some drinks. Sabi ko na lang. Iniwan ko muna sila para makapagusap. Kahit naman siguro maging sila, magbi-break din sila agad. I know Issa, hindi sya nagtatagal sa isang relationship. Ewan ko dun. Takot ata sa commitment.

Umorder ako ng whiskey. Pagkainom ko nun, saka ako umorder ng tatlong beer. At bumalik na ko sa kanila.

I could take it if I saw her alone, lungkot na lungkot dahil umalis na si Kian.

I could even take it kung makita kong binabastos sya ni Kian.

But what I saw was something else...

She was laughing merrily at his jokes at parang ang saya-saya nya. Babalik na lang sana ako sa bar but then she saw me. Kinawayan nya ko so I have no choice but to go to them. Naupo ako sa tapat nila kase magkatabi na sila.

Nakaka-OP nga eh. Tawa sila ng tawa habang ako hindi makarelate. Napansin ata ni Issa yun.

Best friend, sayaw ka kaya? Para hindi ka emo dyan.

Aray. Pinapaalis nya ko just because shes having a good time with this guy she just met? How unfair can she be?

No Im good. Kahit sa loob-loob ko gusto ko na ngang umuwi... Haaay...

Mga bandang 2am, nag-aya ng umuwi si Issa. Gusto pa nga syang ihatid ni Kian but of course I protested. Nakarating na kami ng kotse pero nakangiti pa rin sya.

So... what do you think of Kian? Tanong nya.

I shrugged. Hes okay.

Tingin mo boyfriend material?

I shrugged again.

Biglang tumunog ang phone nya. Hello? Oh hi! Namiss mo ko agad? She giggled. Si Kian ata yun. Tss. What? Bukas? Eh bukas na ngayon ah. Haha... *pause* Okay sige. Ill see you... Bye.

Anong sabi?

I got a date! Umirit sya tapos pinanggigilan ang braso ko.

Stop that! Masakit. I was referring to my heart.

Ooops. Sorry. Not really getting it, bumitaw sya sa braso ko. Pero ngumiti sya ulet. I think I like him. And he likes me too! Waaah!! Magdiwang tayo best friend!!

Psh.

Wag kang magselos. Wala namang makakapalit sa yo weh. Pangako, kahit ikasal pa kami ni Kian, hinding hindi kita kakalimutan! Tuwang-tuwa nyang sabi.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Then I started the car hoping that the noise could somehow drown the aching sound of my heart.

GO AHEAD AND SAY GOODBYE. ILL TRY NOT TO DIE WITHOUT YOU... That single date turned out to be an everyday thing. That simple friendship turned out to be a commitment. And every day, I find myself growing unworthy of her time.

Hindi ko naman sya masisisi.

I cant find any fault with Kian. Yun pa nga ang mas masaklap kase parang feeling ko unti-unti na kong napapalitan ng pwesto sa buhay ni Issa. Si Kian kase, he can be her boyfriend and best friend at the same time. Ako... haggang best friend na nga lang... naagaw pa.

Like this one incident with Issas father. Isang araw kase tinawagan nya ko at umiiyak sya. Ang sabi nya, nilayasan na daw sila ng papa nya. I was in the middle of an interview. But when I heard her crying, dali-dali akong umalis. Ni walang paalam sa nag-iinterview sa kin.

I drove like a maniac to her house to comfort her. And what did I find?

I saw them sitting on the couch. Inaalo sya ni Kian habang umiiyak sya. Hindi ko alam kung san ba ako mas masasaktan: dun ba sa nakikita ko syang umiiyak kay Kian o dun sa simpleng realization that I went all the way there only to find na hindi naman pala ako kailangan.

What did she call me for? Spectator lang?

Nevertheless, tinabihan ko pa rin sya at nakihagod ng likod nya. Pati sa likod nya, kaagaw ko pa rin si Kian. Tss.

A-Andre... Bigla syang yumakap sa kin.

Sssh.. Sige, iyak lang.

Later that day, I found out that I was accepted on a company overseas. VP kase dun ang tito ko. And he liked my work kaya pinapapunta nya ko sa Seattle para magtrabaho sa company nila.

It was good news of course... pero hindi ko alam kung good time din ba.

Ngayon ako mas kailangan ni Issa eh...

The next day, I decided to talk to her. Sinakto kong may trabaho si Kian para kami lang dalawa ang makapag-usap.

Ano ba yung sasabihin mo? Tanong nya sa kin. Nasa gilid ulet kami ng bangin. Hindi naman kataasan yun kaya lang nakakamatay din kapag napasama ang bagsak.

Ive got a job. Panimula ko.

Oh? Talaga? Ayos yan! Im happy for you!

Tumingin ako sa kanya. Abroad.

At biglang nawala yung ngiti nya.

H-Ha? San?

Seattle.

Nakita kong nangingilid ang luha nya. Tapos ngumiti sya. Yung ngiting ipinapakita lang nya kapag ayaw nyang umiyak sa harap ko. It was a painful smile.

Hindi ka naman siguro tutuloy? Tanong nya sa tonong umaasa.

Im still thinking about it.

Will you at least be here for the wedding?

Natigilan ako. What wedding?

My wedding. After saying that, inilabas nya yung kwintas na binigay ko sa kanya nung high school pa kami. Nakatago kase yun sa collar nya kaya hindi ko agad napansin. May pendant yung friendship ring. Kapareho nung nakasabit sa leeg ko.

Pero... Nung nakita ko yun ulet... may ibang pendant na nakasabit.

Isang engagement ring. Nagmukhang dukha yung friendship ring ko.

Kian proposed to me last week pero sabi ko pag-iisipan ko pa muna. Gusto ko lang sabihin sa yo bago ko sya sagutin.

Parang pakiramdam ko nun, hinihila ng gravity ang mga paa ko pababa. Parang gusto kong tumalon bigla. But I didnt because itll break her heart.

Do you want to?

Tumango sya. I was devastated. Theyve only been together for at least 6 months... tapos ngayon kasal na agad?

Kinuha ko yung singsing mula sa kwintas. Ang sarap sanang itapon eh. But instead, I put the ring on her finger.

Kung may iba sigurong makakakita, they will probably be jealous of me for having this beautiful girl as my bride-to-be. But unfortunately, that wasnt the case...

Ngumiti sya sa kin. Will you be my bestman?

Bestman.

The best man in the world yet the most unfortunate. Bakit ba tinawag na best man kung hindi naman sya ang haharap sa altar para ikasal sa best woman? Bakit ang best man ang nakatanga lang sa tabi habang ikinakasal ang babaeng mahal nya? Sa iba...

Bakit naman masyadong ironic ang mga words na naiimbento ng mga tao?

Of course. I will be any man for you...

Then I made my decision. Ill take the job. Theres simply no place for me here. Mawawala na sya sa kin ng tuluyan. Wala na ring saysay kung mananatili pa ko sa tabi nya. Masyado ko ng sinasaktan ang sarili ko..

Tama na.

For the next few months, ako ang kasa-kasama nya sa pag-aasikaso ng kasal. Ako ang kasama pagpili ng cake, ng caterers... even the gown.

It was a slice of heaven to see her in a wedding gown yet somewhere underneath that heaven comes hell. Naisip ko nga na sana hindi matuloy ang kasal kase nakita ko na syang naka-gown eh. Kaso asa naman ako. Sa groom lang applicable yun.

Noong una nga, ayaw pang ipakita sa kin nung mga staff dun yung ichura nya kase nga akala nila ako yung groom. Little did they know that Id give up anything to be just that.

Anong mas maganda? Eto o yung kanina? Tanong nya sa kin.

Kahit saan naman, maganda ka eh.

Ngumiti sya. Alam ko naman yun pero gusto ko sa kasal namin ako lang yung babaeng titingnan nya.

Dont worry. Sa kasal mo, ikaw lang ang titingnan ko.

Natawa sya bigla. Adik ka talaga. Ano nga?

Yan na lang. Sabi ko. Simple lang yung gown na suot nya. Tube yun tapos may fine beading lang sa bandang dibdib tapos pa-balloon na yung skirt. Tapos may ribbon na maliit sa likod na pa-corset naman ang ichura.

Sana sa kasal din namin yan ang isuot nya. Haha...

Sa next life, malay ko ba kung kami pala ang magkakatuluyan sa next life.

Sige. Yung isa na lang ang kukunin ko. Bigla nyang sabi dun sa nag-aassist sa kanya.

Bakit yun?

She shrugged. Kase ito pinili mo. Wala akong tiwala sa taste mo bleh.

Nagtanong ka pa eh...

She grinned. Syempre...

The wedding was drawing nearer. At parang habang papalapit na yung araw ng kasal nya, parang unti-unti akong nanghihina. I decided na hindi ko pala talaga kaya. She may never forgive me for ditching her wedding pero hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung papanuorin ko syang makasal sa iba habang ako eh walang magawa.

But before I go, I decided to tell her everything. Tapos... hindi na ko babalik. It will be a clean break. Shell get married and Ill move on...

Sana.

Talagang sa bachelorette party mo pa ako kinidnap? Adik ka ba? Magtataka sila dun for sure. Bachelorette party na absent ang bride. Psh. Naiiling nyang sabi. As usual, nasa tambayan ulet kami.

May importante kase akong sasabihin sa yo.

Sobrang importante ba na hindi pwedeng pagkatapos na ng kasal ko? Tanong nya. Tumango ako.

Melissa... Im going.

San?

Seattle.

Lumungkot sya bigla. Ah... tutuloy ka pala.

Tumango ako. Andyan na naman si Kian eh. Hell take care of you for me..

She pouted. Pero iba pa rin kase kapag ikaw eh.

I sighed. Well, kailangan mo na kong pakawalan kase ikaw... papakawalan na kita.

Sobra ka naman. Parang sinabi mo na rin na hindi na tayo magkikita Tapos bigla syang natigilan. Like she was smacked in the face. Youre not coming back, are you? It sounded more like a confirmation that a question.

Tumango ako.

Bakit?

Kase mahal kita...

Nagulat sya sa sinabi ko. Then she bit her lip, restraining herself to cry.

Kung mahal mo ko.... bakit mo ko iiwan?

Kase mahal talaga kita. Sagot ko.

Mahal din naman kita ah.

I smiled at her. Alam ko. Pero mahal kita... hindi bilang isang kaibigan.

W-What do you mean? Kunot noo nyang tanong.

I drew a sharp breath.

I mean that I love you too much that it would kill me to see you get married to someone else.

Napalunok sya. And all her choking tears flowed out and escaped her eyes. K-Kelan pa?

Ever since.

And you didnt say anything? Tapos ngayong ikakasal na ko... saka mo sasabihin yan?! Do you think that it would change my mind about marrying Kian??? Galit nyang tanong.

At the back of my mind, yun na yun ang dahilan ko. Maybe I was hoping that I could change her mind. Pero... mahirap talagang umasa.

Umiling ako.

Sinasabi ko lang sa yo para kahit papano alam mo. Para hindi ako magsisi sa huli na hindi ko man lang nasabi sa yo. Dont worry... hindi na naman ako umaasa. Ikakasal ka na nga di ba?

Yumakap sya sa kin. Umiiyak. Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko.

Kelan ka aalis?

Bukas na.

Bigla syang humiwalay sa kin tapos tiningnan ako na parang nang-aakusa. Bakit bukas pa? Pano na lang ako bukas? Hindi ako sasaya kapag wala ka dun.

I patted her head. Matutuloy pa rin naman ang kasal kahit wala ako dun eh. Kesa naman pumunta ako dun at pigilan ang kasal nyo. Gusto mo ba yun?

Umiling sya saka yumakap ulet sa kin.

Mamimiss kita sobra....

I choked back another tear. Me too.

WHEN ITS GONE... ITS THERE. [Melissas POV] 1pm ang flight nya. I still have time to see him off after the wedding. Sasaglet muna ako sa airport pagkatapos ng kasal.

Actually... pwede nga syang pumunta eh. Theres still plenty of time. Umaga naman ang kasal ko... pero ayaw nya.

Para tuloy... nagdadalawang-isip ako.

It just... doesnt feel right when hes not around. Even the dress seemed too unlike me. Tama nga sya. Dapat yung isa na lang ang pinili ko. But I never trusted his taste. Kahit saang bagay. Pero mas mahirap aminin sa sarilli ko na palagi syang tama.

Sa lahat ng naging boyfriend ko, may nasabi syang hindi maganda. Noong una, nagagalit ako kase nangengealam sya... pero after sometime, every relationship Ive had in the past just seemed to fall out. At palagi syang nandun para damayan ako.

Kay Kian lang sya walang nasabi.

And I was so happy that for the first time, I made something work. And it was all going out well until... well... until yesterday.

Kagabi... nagtapat sya sa kin. And he was saying goodbye at the same time. I wanted so bad to chain him para hindi na sya makaalis ng bansa. I dont know... I just feel so lost without him. Sya lang kase yung tao na nakapagpapangiti sa kin sa tuwing malungkot ako.

Sya lang yung for better or worse... laging nandyan. Laging ako ang inuuna. Laging kaligayahan ko ang nasa isip. Laging ako.

Mas mahal nya nga ata ako kesa sa sarili nya eh...

Haaay... eto na naman. Sumasakit na naman ang lalamunan ko kakapigil ng luha. Ang sakit. Parang may malaking bubog na nakabikig sa lalamunan ko.

Hindi ako makahinga...

Hanggang ngayon... hindi ko pa rin maisip kung pano tatakbo ang buhay ko ng wala sya. Parang tanga lang eh noh? Here I am... already getting married... and yet still having second thoughts about the whole thing.

Melissa? I heard someone call. Paglingon ko, tuloy-tuloy ng tumula ang luha ko. Si papa, nakatayo sa may pintuan. Nakabihis. Patakbo akong yumakap sa kanya.

Papa!

Tahan na anak. Baka masira yang ayos mo. Pinahid nya ang luha ko.

Pano naman ako hindi iiyak? Eh matapos ang ilang buwan na hindi ko sya nakita, bigla-bigla syang susulpot... tapos sa kasal ko pa? Eh matagal ko ng pangarap na kapag ikakasal ako, he would walk me down the aisle.

Sino ba namang daughter ang hindi nangarap ng ganun di ba?

Papa kase eh... buti dumating ka!

Ngumiti si papa sa kin. Actually, gusto ko naman talagang pumunta kaso hindi ko lang magawa dahil alam kong galit sa kin ang mama mo.

Umiling ako. Hindi man aminin sa kin ni mama, alam kong namimiss nya si papa. Siguro kahit disfunctional marriage lang ang meron sila, sobrang mahal pa rin nila ang isat isa na mas gusto nilang nasasaktan ng magkasama...

Eh bakit ka pumunta?

Abah syempre! Kasal ng kaisa-isa kong anak eh. Hindi ko nga lang planong ihatid ka sa altar pero sabi ni Andre, malulungkot ka daw kapag hindi ko ginawa yun.

Nagka-usap kayo pa?

Tumango si papa. Kanina lang.

Namilog ang mata ko. Nandito ba sya?

Lumungkot ang mukha ni papa saka umiling. Pinipilit ko sya pero ayaw nya talaga. Hindi nya daw kaya...

Ayan na naman ang bikig sa lalamunan ko.

Anak... sigurado ka bang si Kian ang mahal mo?

Napatingin ako kay papa. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kase... sa tagal na naming magkaibigan ni Andre, hindi ko na alam ang pinagkaiba ng friendship sa love. Parang nagkahalo-halo na. Hindi ko alam kung may time na naramdaman kong mahal ko sya o kung friendship on steroids lang yung nararamdaman ko.

Pa... ikakasal na nga ako di ba?

He sighed. Tapos hinawakan nya ang kamay ko. Oh sya... halika na.

Everybody rose to their seats when they saw us. Garden wedding kaya nasa labas kami. Nakangiti silang lahat. My eyes went to the altar. Unti-unting bumaling si Kian. And for a split second... I thought I saw Andre instead. Pero si Kian nga pala ang groom ko.

Funny... it didnt feel right.

And how can I put it? The sound of the organ playing was like a death march. It was like I am walking towards my death.

But we kept on walking... until we reached the altar at ibinigay ni papa yung kamay ko kay Kian tapos tumabi sya kay mama. Napasulyap ako sa kanila at nakita kong magkahawak sla ng kamay.

Napangiti ako. At least something turned out all right.

Oh no. Why did I just think that? Ibig sabihin ba subconsciously... iniisip kong mali lahat ng to?

We were asked to face each other. Hindi ko alam kung bakit ganun ang expression ni Kian pero feeling ko feel nya din na mali to.

O baka naman ako lang yun?

Wedding jitters perhaps?

If someone in this room didnt want this two to be together for whatever reason... speak now or forever hold your peace.

I looked at the people.

Then I looked at the gate. Why? I dont know... maybe I half-expected someone to be there and save me from this mistake.

Yes... I finally realized that this is a mistake. Pero wala akong magawa. Dala siguro ng guilt? O baka naman kase hindi ko kayang gawin yun kay Kian. He was just too good for me to do that.

Kaya hindi ko kayang tumutol. I need someone to do that for me.

Someone like Andre...

May iba ding lumingon sa tinitingnan ko... but after a few minutes, walang Andre na dumating. And I was on the edge of crying...

Ako po tumututol.

I heard gasps. My own included.

Excuse me? I asked him. Hindi talaga ako makapaniwalang sya mismo ang gagawa nun.

Kian looked at me apologetically. He smiled. Im sorry Melissa but I cant do this.

B-Bakit?

Because you dont love me.

Nagulat ako. I didnt do anything to make him say that. But why?

And I dont love you. I thought I do... pero... hindi pala talaga. And I know you feel the same way. So why should we make this mistake kung iba naman talaga ang mahal natin, di ba?

W-What do you mean? So all this time... hes in love with someone else?

And Im in love with Andre?

Yesterday... I get to talk with my best friend. She said that she love me.

*gasps*

Yung ibang nakakakilala sa bestfriend nya ay tumingin dito. How ironic. My maid of honor pa. Napatungo si Cynthia. Nangingilid ang luha.

And you know what? Pagpapatuloy ni Kian. Nung paglingon ko kanina, I was half-expecting it to be her and not you... Itinuro nya s Cynthia. And then it all became clear. I was in love with her all along. At alam kong ikaw... ganyan din ang nararamdaman mo para kay Andre. Kaya siguro parang palaging may limit sa mga ginagawa natin. We cant love each other fully because we werent in love with each other in the first place.

Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi pa kahapon?

Sorry. Akala ko kase masasaktan kita. But then, I looked at you earlier... and I saw that youre not happy.

Napatungo ako sa sinabi nya. So ganun pala ka-obvious?

Hinawakan nya ang kamay ko and then he kissed my forehead. May isang oras ka pa para mapigilan syang umalis. I was fortunate enough to have her here. Pero ikaw, aalis na yung mahal mo. So go...

At hindi ko na napigilang umiyak.

I hugged him tight. Thank you. I whispered in his ear. Saka ako tumakbo. I didnt think of what would happen. I just ran. Bahala na si Batman.

Melissa!

I stopped on track. Paglingon ko, patakbong lumapit sa kin si papa.

Ill drive you to the airport.

Bigla-biglang napangiti ako. Ewan... sobrang saya.

Only five minutes remain before he was gone for good. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. Sino ba naman ang hindi titingin? Halatang-halata na runaway bride ako. Pero wala akong pakialam sa kanila.

Tinanggal ko yung sapatos ko para mas madaling tumakbo. Pero hinarang ako ng security. Bawal dun syempre. Hindi naman ako aalis.

Ilang ulit akong nagmakaawa sa kanila pero...

Rules are rules.

Then someone shouted. Palampasin na daw ako. The lady guards immediately let me go. Supervisor ata yung sumigaw. I dont know. And I dont care.

But I gave him my silent thanks.

Kaso... ng makarating naman ako... wala na.

Nakaalis na sya...

*meanwhile... at the wedding* Biglang nagring yung phone ng mama ni Andre. Sinagot nya ito.

Hello ma?

Nagulat sya.

A-Andre?

She could hear resignation in his voice. Naawa sya sa anak nya.

Ma hindi ako tumuloy... mas hindi ko pala kayang lumayo sa kanya.

Nanlaki ang mata nya at napatingin na lang sa kanyang asawa. Kunot naman ang noo nito at inaantay ang paliwanag nya.

Anak nasan ka?

Nasa bahay po. Tapos na ba ang kasal?

Hindi pa.

She heard him sigh. Ah ganun po ba?

Ngumiti sya.

Pero malapit na ring matapos ang kasal nina Kian at Cynthia.

Silence.

More silence. . . . Ma, nasan si Issa?

Nakahinga sya ng maluwag. Nasa airport.

----tut tut tut---

EPILOGUE Shit.

That was my first reaction nung sinabi ni mama hindi pa tapos ang kasal. Akala ko kase tapos na kaya bigla akong tumawag. Kanina pa ko sa bahay. Pagkadating ko pa lang ng airport kanina, napaatras ako agad.

Nakakatakot palang lumayo.

And with the prospect of never seeing her again... mas natakot ako. Kaya bumalik ako dun sa taxi na sinakyan ko at pinabalik ko sa bahay. Nagtataka man, sumunod na lang yung driver. Akala ata may nakalimutan lang ako.

But then she said na si Kian at Cynthia daw ang kinakasal. Ang tagal bago nag-sink in sa kin. At ang una kong naisip nun eh pano si Issa? Baka umiiyak na naman yun. Mahal nya si Kian eh. She chose him, right?

Saka ko narealize na pano na lang sya kapag wala na ko? Kapag nasaktan sya... kanino sya tatakbo?

So I went back to the airport. Sabi ni mama nagpunta daw sa airport si Issa. Maybe to seek comfort from me. Tama nga ako, sa akin sya unang tatakbo kapag nasaktan sya.

Pagdating ko naman sa airport, wala sya dun. Nagtanong-tanong ako sa guards. May ilan daw na nakakita ng isang babaeng naka-wedding gown kanina. Tapos umalis na daw.

Nagpunta ako sa bahay nila. Sarado. Walang tao.

Where could she be?

And then I remembered. The cliff!

Shit. If she ever tries to jump off that cliffArrgh! She cant do that! I stepped on the gas pedal and drove in full speed. Wala pang 10 minutes, nakarating na ko. At nakita ko sya, nakatalikod sa kin. Veil still intact. Nakatayo sya sa may edge ng bangin. It looks like she was about to jump.

Dali-dali ko syang nilapitan at hinila papunta dun sa safe na lugar.

Umiiyak sya.

I embraced her. So tight na feeling ko hindi na sya makahinga. But she didnt complain. Sige... iiyak mo lang yan.

A-Andre...

Sssh... he doesnt deserve you.

Kumawala sya sa kin. Kunot ang noo nya habang nagpapahid ng luha.

Sira ulo ka talaga! Ano na naman yang pinagsasasabi mo? Iritado nyang tanong. Nalito ako bigla.

Umiiyak ka kase iba ang pinakasalan ni Kian, di ba?

To my surprise, she laughed.

Baliw-baliwan lang? Naiinis kong sabi sa kanya. Tss. Dapat kase umattend ako ng kasal nya ng nasuntok ko na yung Kian na yun. How dare he marry someone else?

She stopped laughing and smirked. Akala mo ba si Kian ang iniiyakan ko?

Umiling ako. Ako lang naman ang iniiyakan mo eh. Si Kian... sya yung dahilan..

Hindi kaya.

Ha?

I was crying because of you.. Stupid. Sabi nya sabay poke sa noo ko.

Ha? Bakit?

Bigla syang yumakap sa kin. Akala ko kase mawawala ka na talaga...

Napabuntong-hininga ako. Saka ko hinagod ang likod nya. Ano ka ba... di ba sabi ko sa yo hindi ako aalis sa tabi mo? I nearly broke my promise but then I came to my senses. Pangako, kahit masakit, hindi na kita iinjanin sa kasal mo. Kahit bestman lang ako...

She looked up to me. Confused. Is that even possible?

Oo naman. Titiisin ko na lang ang sakit.

Umiling sya. No. Not that.

I frowned. Eh ano?

Bestman ka na, groom ka pa. Posible ba yun?

Bigla akong natigilan. Ngumiti sya.

What are you saying?

What do you think?

I began thinking. Tapos ayun... narealize ko na kung anong gusto nyang iparating. Ayaw mo ng bestman... gusto mo proxy? Panakip-butas kay Kian ganun?

She rolled her eyes. Saka sya sumimangot. Ang slow mo grabe.

Eh meron pa bang ibang dahilan? Since iniwan ka ni Kian, sa kin ka bumabaling ngayon kase alam mong hindi kita kayang iwan. You even have the nerve to make me your groom. Panakip butas lang naman....

Napasapo sya. Haynaku. Youre so stupid! She released me from her embrace saka nilagay yung mga braso nya sa leeg ko. Her face was so near na halos magkadikit na ang mga ilong namin.

Napalunok ako. I was having this irrisitable urge to just kiss her. Pero hindi pwede kaya pinigil ko ang sarili ko.

She smiled. Sanay na kong makita syang ngumiti but this one really got me. Ngumingiti lang sya ng ganito kapag feeling nya in love na in love sya. Ive seen this many times but it was never meant for me.

But now shes actually smiling at me like this.

I got you Andre...

She kissed me. And before I could even savour the moment, she ended the kiss.

I got you... and thats more that enough.

She kissed me again and this time, I kissed her back. With everything I have...

I ended the kiss. Then I looked at her intently. What is this? Is she blushing?

Then... will you marry me?

She looked away, tipong nahihiya.

Hmm... ewan. Should I marry you? She grinned.

I smiled too.

Bakit ako ang tinatanong mo? Syempre magye-YES ako. Eh ikaw?

She shrugged. Tingin mo ba magandang tingnan na hindi naman kita boyfriend tapos papakasalan kita?

I gave her an exasperated look. Natawa sya. Talagang ngayon pa sya nagpakipot? Eh di will you be my girlfriend? muna.

Tsk tsk. Naiiling nyang sabi. Girlfriend agad eh hindi ka pa nga nanliligaw?

Sinimangutan ko na sya. Para namang kulang pa yung mga ginawa ko para sa kanya. Kahit pagsama-samahin pa nya yung efforts ng mga naging boyfriend nya, walang makakapantay sa mga efforts na ginawa ko.

Ayaw mo ata eh. Sige, aalis na lang ako.

I took a step back.

Uy teka! Hindi ka na mabiro...

Papakasal ka ba sa kin o ano?

Ano. Natatawa nyang sabi.

Babatukan kitaIsa!

Dalawa!

Nakakabaliw naman tong babaeng to abah.

Last ng tanong. Seryoso na.

Sumeryoso siya.

I went down on one knee. Saka napabuntong-hininga. Will you marry me? Sagot!

Napa-pout sya. Fine.

Para namang napilitan ka lang eh.

Daya mo walang singsing. Ano kaya yun?

I sighed again for the nth time. Saka ako dumukot sa bulsa ko. Syempre walang laman. Hindi naman planado to weh. Bukas na yung singsing.

Adik ka rin eh. May paluhod-luhod ka pa dyan wala ka naman palang singsing.

Eh ikaw kase. Binigla mo ko. Tumayo ako at pinagpag yung pantalon kong nadumihan na ng lupa.

Ako pa daw? Eh sino kaya yung nag-confess kagabi?

Tss. Ending na nga eh.. pinapatagal mo pa. Ano ba talaga?

Beginning palang to noh. Saka yes na nga sabi ko kanina ah. Oo na. Ill marry you. Just not today, baka bukas. Makiki-celebrate muna tayo kina Kian. Nakangiti nyang sabi.

Oo nga pala. Sino yung pinakasalan ni Kian? And why did he marry her instead of you?

She smiled. Si Cynthia, best friend nya.

Eh?

Tumango sya tapos yumakap sa kin. Parang ikaw lang, nagtapat din yun sa kanya kagabi. Maybe for closure. But then he realized that he love her... parang ako lang. Ayun. Galing noh? Gaya-gaya ka.

I chuckled. Well... who would have guessed? Somewhere out there, someone elses best friend took a stand like me. At hindi kami nabigo.

So kaya ka umiiyak kanina kase akala mong umalis na ko?

Tumango sya.

Pano pag sinabi kong aalis ako ng bansa to work.. papayag ka?

Umiling sya.

Eh pano yun... baka wala akong maipampakain sa yo? Ang takaw mo pa naman.

Pinandilatan nya ko. Her reaction made me laugh. But what she said made me smile and say finally to myself.

Mas gugustuhin ko namang magutom kasama ka kesa naman magpakabusog ng wala ka sa tabi ko. Basta... hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Mahal nga ata talaga kita. Ngayon ko lang narealize...

Finally...

Finally, my heart was soaring... Finally, its free to love her the way I want to love her.

Finally, I could say that this love story ended in tears... but happy ones.

*end*

You might also like