Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

"Naglalaro ba ang Tadhana?

" Kategorya : Maikling Kwento blogger : taribong blog : ang alingawngaw ng taribong

Naninibago si Roger sa kanyang nararamdaman. Nagtataka siya sa sarili kung bakit siya kinakabahan. Mabilis ang tibok ng kanyang puso kaysa sa normal. Lumingalinga siya sa loob ng silid bago niya nilimas ang alahas na laman ng pinagbuhol na bandanang nakatago sa mumurahing bag na nasa maliit na drawer sa ilalim ng built-in cabinet. Kaunti lamang ang nakuha ni Roger; mukhang nakutuban ang may-ari ng bahay sa pagsalakay niya o sadya lamang sigurong hindi mahilig sa alahas ang nakatira rito. Pumasok si Roger sa kabilang silid at pinuntirya ang study table na naroon. Mabilis niyang binuksan ang mga drawers pero puro resibo, papel at mga panulat lamang ang mga naroon. Dinampot na lamang niya ang laptop na nasa ibabaw ng mesa at isinilid sa knapsack na nakalaylay sa kanyang kanang balikat. Nakatawag-pansin kay Roger ang paperweight sa mesa. Pangkaraniwang bato lamang ito: pantay ang ibabaw, medyo manipis at may tatlong guhit sa gitna, makinis ang kabuuan ngunit may gasgas sa isang gilid nito. Hinawakan ni Roger ang bato. HOY! Anong ginagawa mo riyan, malakas ang tinig ng isang babae sa may pintuan. Napalingon si Roger, napansin niyang may hawak na baril ang babae. Hula ni Roger ay Browning 9mm semi-automatic pistol ang nakatutok sa kanya. Lumayas kang magnanakaw ka. Kung di ay babarilin kita, madiin ang pagkakasabi ng babae. Galit. Nagngingitngit sa galit. Katulad ng matinding sikat ng araw sa labas. Hindi makakilos si Roger. Naguguluhan siya. Pamilyar ang tinig ng babae. Hindi niya magawang ipukol ang batong hawak niya.

Akmang tatalilis na si Roger nang biglang mapansin ng babae ang batong hawak niya. Bago pa man ito maibato ay kinalabit na niya ang gatilyo ng baril. Umalingawngaw ang putok at nasundan pa ito ng tatlong beses dahil sa sobrang nerbiyos noong babae. Bagamat napapikit ang babae nang kanyang pakawalan ang mga putok, sapol sa dibdib si Roger. Tagos ang dalawang bala sa katawan nito. Napatumba si Roger. Sumalampak ang kanyang katawan sa sahig. Ccc.. Ccristina Fferrrer? pinilit ni Roger na mabigkas na malinaw ang pangalan. Lalo pang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Sino ka? Bakit mo ako kilala? tanong ni Tina sa lalaking duguan sa harap niya. Hinahabol na ni Roger ang paghinga, Huwag mo na ak-kkong kki-kkilalanin. Sorry. Pattawarrin mo akkko. Huwag mo ipappaa-alam kay Chris.. Cchristopher, yung anak kko. Pinipilit ni Roger na ngumiti pero hindi niya magawa Sunodss pangalan mo. Natigilan si Cristina. Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. MA, ANONG nangyari? Anong putok. Humahangos ang binatilyong papasok sa silid nang matambad sa kanya ang inang may hawak ng baril kaharap ang lalaking nakalugmok at duguan. Jj---Jjjericho, huwag ka nang lumapit dito. Tttu-tumawag ka na ng ambulansiya, utos ni Tina sa anak. Agad na tumalima si Jericho. Hinanap ang directory at pumindot ito sa telepono.

ROGER Corrales? Bakit? Annong nangyari?? nagitla si Tina. Tatlong dekada nang hindi sila nagkita ng kababata at ngayon pay sa hindi inaasahang pagkakataon. Anng pamato napapikit si Roger at napangiti, tila umaapaw ang diwa. Nasa iyo pa ang pamato.. Ssa-salamat. Ibinuklat ni Roger ang kanyang kanang palad. Oo. Nasa akin pa ang pamato. Gaya ng pangako ko.. Nagsisimulang pumatak ang mga luha ni Tina. Pilit namang binubuksan ni Roger ang kanyang polo. Lumapit si Tina at tumambad sa kanya ang tattoo sa dibdib ni Roger. Bagamat duguan, kitang-kita ni Tina ang isang sixteenth note katulad ng inukit nila sa puno ng mangga noong bata pa sila. Matingkad ang pagkakaukit ng kalahati ng bilog na parang titik C at ang tangkay ay matingkad ang ukit na parang titik F na siyang initials ni Tina. Bumuhos na ang luha ni Tina, napaupo siya sa tabi ni Roger. Itinataas ni Roger ang kamay papunta sa mukha ni Tina. Kinuha ni Tina ito at idinampi sa kanyang pisngi. Naramdaman ni Tina ang pagpisil ng kamay ni Roger na tila pinapawi ang mga luha nito ngunit nanghihina na ito. Hindi na napigil ni Tina ang pagdaloy ng luha. Si Roger ang kanyang kaibigan, ang kanyang tagapagtanggol noon. Siya ang sumasaway sa mga nang-aalipusta sa kanya dahil sa kanyang kapansanan. Pinagbabantaan ni Roger ang nang-aaway sa kanya. Pero umalis sina Cristina sa San Isidro at lumipat sa Nueva Caceres. Labingisang taong gulang pa lang sila nang magkahiwalay. Tanging ang pamato sa mga larong kalye ang naiabot ni Roger na alaala para kay Tina, na sinuklian ni Tina ng halik sa pisngi bago tuluyang umalis. Matagal na panahon ang lumipas. Katulad ni Tina, inasam-asam ni Roger na muling magtagpo ang kanilang mga landas. Makailang ulit na lumipat ng tirahan sina

Tina kung saan man madestino ang kanyang ama. Sinikap ni Roger na hanapin si Tina pero nanatiling bigo siya. At ngayon nga, sa wakas ay muli nilang natagpuan ang isat isa. Napapasinghap na si Roger. Jericho, ano ba? Wala pa bang ambulansiya?? pabulyaw na sigaw ni Tina sa anak. Isinunod ko sa pangalan mo, baling niya kay Roger na nakatulala. Jericho, tumawag ka na ng kapitbahay tumawag ka na ng saklolo gumagaralgal na si Tina. Nadadaig na ng kanyang hagulhol ang kanyang palahaw. DADDY BARIL KO, bulong ni Christopher habang tulog. Baril ko. Napabalikwas si Cristopher at hinahanap ang laruang baril-barilan. Humihikbi na ito. Ano bang hinahanap mong bata ka, usisa ni Elena sa anak na kanyang pinapaypayan. Magtatakipsilim nay pawisan pa rin ang mag-ina dahil tatlong araw na silang naputulan ng kuryente. Ibinaliktad na ni Roger ang kuntador ngunit bumalik ang mga taga-Meralco at tuluyan nilang tinangay ang kuntador sa kuryente. Hindi tuloy nila magamit ang kakarag-karag na bentilador. Wala yung baril mo, saan mo ba kasi inilagay? Ito na lang. Iniabot ni Elena kay Cristopher ang dumptruck na laruan. Hinawakan ni Cristopher ang laruan at muling nahiga. Kinuha niya ang boteng naglalaman ng kape at isinubo ito. Dapat gatas ang iniinom nito pero walang magawa si Elena. Umaasa siyang magkakalaman din ang kanilang tiyan pagdating ni Roger. Muling napapikit si Christopher. Gumulong ang dumptruck sa kanyang katawan. Maski papatulog ay napahigpit pa rin ang hawak ni Cristopher sa pising nakatali sa dumptruck. Bumitin ang dumptruck habang unti-unting humuhulagpos ang tali sa pagkakahawak ni Christopher. Hanggang sa tuluyang bumagsak ang dumptruck sa lupa.

DADDY. pabulong na sambit ni Christopher na tila nanaginip lang.

Di na Masilip ang Bukas


Ni Emmanuel Mateo
Hindi man maramdaman ni Aling Rina ang sakit na iniinda ng kanyang anak, batid niya na nahihirapan siya sa kanyang hika na may kasamang lagnat. Nahahabag na rin siya sa anak dahil hindi man lang siya makalaro sa labas ng bahay nila kasama ang mga kalarot kaibigan niya. Si Claire ay larawan ng isang batang magaling maski sa eskuwelahan at maging sa indakan ay hindi siya pahuhuli subalit noong umatake na naman ang kanyang hikay hindi na siya gaanong nagiging aktibo. Anak, pasensiya ka na hah, hindi ko pa nabibili yaong laruan na sinasambit mo dahil pinag-iipunan ko pa ang gamot mo para sa iyong hika!. Okay lang po iyon nay kaso gusto ko nang pumunta sa eskuwelahan dahil marami na akong liban sa klase, baka mabababa na naman ang mga grades ko. Pabuntonghiningang sabi ni Claire. Hayaan mo anak, bukas bibili na ako ng gamot mo dahil nakapag-ipon na ako ng sapat na pera para sa hika mo!. Oh heto, uminom ka na ng gamot para sa lagnat upang tuluyan nang mawala ito at bumaba ang iyong temperatura. Kinaumagahan ay nagpunta si Aling Rina sa bahay ng kanyang amo upang maglaba at mamalantsa. Kahit pagod na pagod na itoy pumunta pa rin siya upang magtrabaho dahil may Santo Kristo sa dibdib si Aling Rina at handa siyang magsakripisyo para sa anak. Habang naglalabay kausap niya ang kasama niyang namamasukan din sa mayamang bahay ng mga Olaivar. Haaay!!. ang sakit na nang likod ko!. Parang mababali na yata ang mga buto ko dahil sa kakakuskos ng mga labahan! ani ni Aling Evy. Naku Evy(habang inililigpit ang mga naplantsang damit), huwag mo nang problemahin ang bawat kayod na iyong ipinamamalas. Ang isipin mo na lamang ay para ito sa iyong pamilya, para sa mga anak mo. Oo, lagi ko naman yan iniisip pero hindi mo pa rin maalis sa isipan mo na problemahin ang mga bagay na ito lalo nat mahirap lang tayo. Kung nakapagtapos lang sana ako ng kolehiyo hmmm. sabi ni Aling Evy Ako nga eh, hindi ko pa natapos ang elementarya dahil din sa kahirapan sa buhay pero masaya ako, kami ng anak ko. Malungkot pero nagmamalaking sabi ni Aling Rina Dumating ang hapon, ibinigay na ng kanilang amo ang bayad sa pamamalantsa at paglalaba. Nasiyahan silang dalawa at parang nawalan sila ng pagod at napawi ang kanilang sigla. Salamat naman at tapos na natin, makakauwi tayo ng maaga ngayon Manang Rina!.

Wen Evy, mabuti at maaga tayo ngayon. Sige Evy hah, may bibilhin pa kasi akong gamot para sa anak ko, magkita na lamang tayo bukas!. Umuwi na ang dalawa bitbit ang mga perang ibinigay ng kanilang amo pero bago umuwiy naisipan ni Aling Rina na dumiretso muna sa drug store malapit sa kanilang bahay. Oh anak, nandito na ako, kamusta ang pakiramdam mo? (Nagmano sa Ina) Medyo okay na po, bumaba na kahit paano ang aking lagnat Nay. Mabuti kung ganoon anak, oh siya inumin mo na ang sinukat kong gamot mo para sa iyong hika at heto pa, gamot mo para sa lagnat upang tuluyan nang mawala ang lagnat mo. Opo, Inay salamat po sa inyo! (sabay yakap sa Inang pagod na pagod na) Nang makaramdam na si Claire ng kaginhawaan, naghugas na siya ng kanyang kamay upang silay kumain at sa kusina, sinabi niya sa Ina na gusto na niyang pumasok sa eskuwelahan bukas kung maaari lang. Si..sigurado ka na ba anak na maayos na ang pakiramdam mo?(habang kinukuha ang pagkain) Oo naman nay. Salamat po ah dahil sa inyoy gumaling na ako (masayang sabi ni Claire sa Ina) Walang anuman iyon anak. Hindi naman kita maaaring pabayaan. Wala nang iba pang magkakalinga kundi ako. Kung hindi pa sana pumanaw ang iyong amay dalawa kaming mag-aalaga sa inyo (malungkot na sabi ni Aling Rina) Oo nga po Inay, miss na miss ko na si Itay. Ay oo nga pala Inay yung laruang sinasabi ko sa inyo. Baka mayroon nang makakabili non!. Kung bibilhin niyo iyon, gagalingan ko pa sa klase namin, sige na po Inay!. Pero anak, wala pa akong pera sa ngayon Sige po nay huwag na lang po Sa pagsasabi niyang iyon ay bumagal siyang kumain pero lumapit si Aling Rina at niyakap ang anak. Huwag ka nang malungkot. Wala naman akong sinabi na hindi ako bibili ng laruang iyon pero ipinapangako ko anak, kapag may pera na ako, bibilhin ko iyon, okay ba yon anak? Opo Inay! Kinaumagahan ay magaling na si Claire dahil sa pagkakalinga ng kanyang Ina. Nagtungo na siya sa eskuwelahan at si Aling Rina ay naiwan muna sa bahay at pagkatapos ay pumunta na siya sa bahay ng mga Olaivar upang magtrabaho. Pagpasok pa lamang ni Claire sa silid ng Ika-Limang Baitang, natuwa ang ilan sa kaniyang pagbabalik pero ang mga mayayaman niyang kaklasey tumawa. Laging tinutukso si Claire ng mga kamag-aral na sina Jessa, Erika, Jemma at Ana dahil hindi raw ito nagpapalit ng damit. May kapangyarihan ang mga batang ito kaya nagagawa nila ang kanilang gusto. Pati baon ni Claire sa tanghalian ay pinapakialaman nila. Lingid sa kaalaman niya na siya ang pinag-uusapan at minsay pinagtatawanan ngunit hindi niya ito pinapansin. Mga frends..(sabi ni Jessa sa mga kapwa mag-aaral). Alam niyo, mayroon na naman akong bagong laruan, binili ng papa ko mula pa sa London!, ang ganda.!

Talaga? patingin nga (sabay kita sa bago niyang laruan) Ay oo nga, ang ganda naman! sana may ganyang din akong laruan. Asa ka pa! ang mahal kaya nito noh! oh tignan niyo pero huwag niyong hahawakan ha, baka masira. Sa pagsasabi niyang iyon, tinignan lahat ng mga kamag-aral ni Claire kung anong laruan iyon pero hindi niya ito tinignan dahil maiinggit lamang siya pag tinignan niya iyon. Hanggang sa napansin ni Erika na si Claire ay nakaupo lang sa dulo ng silid nila. Tignan niyo si Claire oh ( sabi ni Erika at tumingin lahat) mag-isa lang siya nakaupo! Baka hinihika na naman yan (sabay tawa ng ilan sa kanila) O kaya naman, naiinggit siya sa laruan ko kaya ganyan siya Sabi ng kamag-aral niyang si Jessa. Gustong umiyak ni Claire sa pagkakataong iyon subalit baka sabihin nilang mahina siya kaya nag-isip siya kung papaano siya mapapalapit sa mga mayayaman niyang kamagaral. Mmm.. may sinat pa kasi ako eh kaya hindi ako makagalaw-galaw pero nagkakamali kayong naiinggit ako sa laruang iyan!. Sabi ni Claire Talaga? ni wala ka ngang isang laruan eh (sabay tawa ng mapanghamak niyang kamag-aral) Marami kaya akong laruan sa bahay! hindi lang iisa kundi isan-daang laruan! Kung marami kang laruan, sige nga ipakita mo lahat ang mga iyon? Kung ipapakita mo, magiging close friends tayo! Sige ba, dadalhin ko iyon minsan at ipahihiram ko sa inyo ang mga iyon. Simula noon, hindi na sila tumigil sa katatanong kay Claire ang mga sinabi niyang laruan. lalong naging malapit ang mga mayayamang kamag-aral ni Claire sa kanya. Hindi na nila ito tinutukso at hinahamak dahil sa mga tinuran ng bata sa kanila. Kinaumagahan, maaga na naming pumunta si Claire sa eskuwelahan. Oh Claire, nasaan na ang laruang sinasabi mo sa amin?. Hindi ko na mahintay na tignan iyon! Sambit ng kanyang kamag-aral. Ahh.. sabi kasi ni Inay na huwag ko raw ito dalhin sa eskuwelahan baka masira. Gusto kong ipakita sa inyo pero si Inay ang ayaw eh. Malungkot na sabi ni Claire at umalis sa kinaroroonan ng mga kaibigan. Nagsisinungaling lang yata si Claire sa atin. Pabulong na sabi ni Jessa sa mga kasama. Hah? paano mo naman nasabi iyan? Kasi kung mayroon talaga, ipapakita niya agad ito sa atin. Kailangan nating alamin kung totoo talaga ang mga sinasabi niya o hindi. Eh.. anong binabalak mo? Kailangan nating sundan si Claire sa bahay nila pagkatapos ng klase natin pero huwag kayong papahalata hah!. Nagtungo nga ang mga makukulit na bata sa bahay nina Claire at dooy nagkubli sila sa malaking yero para hindi sila makita. Nagkataong hindi pa umuwi si Aling Rina sa hapong iyon kaya nang lumabas si Claire sa bahay nila, pumunta sila sa loob ng bahay at nagmasid. Naghanap nang naghanap ng mga laruan subalit wala silang nakita hanggang sa may napansin si Jessa na isang karton na nakatago sa ilalim ng kama nila. Binuksan nila ito at laking gulat sa nakita. Ang mga laruang iyon ay sira-sira na at hindi na pwedeng

magamit pa at napagtanto nilang iyon ang mga sinasabi ni Claire na laruan dahil isangdaan din ang bilang nito. Nakita naman ni Ana na papalapit na si Claire kaya nagpasiya silang lumisan sa kinaroroonan at umuwi na lamang. Nang pumasok na siya sa bahay, sumunod naming dumating ang kanyang Ina. Oh anak! Nandito na ako (darating si Calire upang mag-mano), kamusta ang pagaaral mo? Okay naman po Inay. Nagkaroon kami ng pagsusulit kanina at bukas ay may pagsusulit na naman nay! Ganon ba anak! Eh marami ka bang nakuha sa pagsusulit na iyon? Tinuran ng kanyang Ina. Oo naman po, kaya lang hindi ako ang nag top score!. Nahirapan po kasi ako. Tama lang iyon anak hindi ka naman naging kulelat di ba (tumawa ang Ina). Basta kapag gagalingan mo pa ang pagsusulit bukas, bibilhin ko na ang laruang sinasabi mo! Masayang sabi ng Ina. Talaga Inay? Naku, pangako Inay gagalingan ko bukas, hindi ko kayo bibiguin (sabay yakap sa Ina.) Maaga na naming pumasok sa paaralan si Claire dala ang masayang bugso ng kanyang damdamin at nang natapos na ang pagsusulit, nakuha ni Claire ang pinakamataas na marka sa pagsusulit na iyon at nang dumating ang recess time, hindi umalis si Claire sa upuan at pati ang ilan sa kanyang kamag-aral. May sasabihin ako sa inyo (Pumasok sa silid ang mga batang mayaman). Ano naman iyon? Sabi ng marami sa kanila. Nakita na namin ang mga sinasabing laruan ni Claire, inimbitahan niya kami sa bahay nila kahapon. Ang gagaganda ng mga laruan niya! May de-remote pa at mga nagsasalitang manika! (Tumawa sila ngunit tinakpan ang mga bibig) Wow, ang yaman niyo pala Claire!! Oo nga, sana kami rin mayroon! Pero!.. teka (sabi ni Jessa) ang lahat ng iyon ay sira! Wooooh! (tumawa ang marami). At hindi na niya magagamit pa. Kawawang Claire hahaha!. Dahil sa sobrang kahihiyan, umiyak si Claire at umalis sa silid. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa nabundol siya ng mabilis na takbo ng jeep. Dahil sa lakas ng pagkakabundol ay tumilapon siya. Sa pangyayaring iyon, nagpunta rin si Aling Rina sa Dibisoria para bilhin ang laruang parating sinasambit ng anak. Isinakay nila si Claire sa trycikel at dinala sa pinakamalapit na ospital. Nang pauwi na si Aling Rina sa bahay nila, may nakapagsabi sa kanya na nabundol ng jeep ang anak kaya kinakabahang pumunta sa ospital si Aling Rina. Nasaan ang anak ko!! Dok! Ay Nurs! Nurs! Nurs! Gusto ko hong makita ang anak ko. Kelangan ako ng anak ko Nurs, please!! Umiiyak na sabi ni Aling Rina. Pasensiya na po pero hindi kayo pwedeng pumasok ani ng isang nurse. Subalit ako ang Ina niya maam. Pahintulutan niyo naman ako, gusting kong makita ang anak ko!. Nire-revive pa po namin ang inyong anak hindi pa kayo pwedeng pumasok, sige po!. Hindi tumigil si Aling Rina sa pag-iyak at pag-aalala. Nanalangin siya na sanay iligtas siya ng Panginoon. Niyakap na lamang niya ang biniling laruan para sa anak. Pagkaraan ng dalawampung minuto na paghihintay, lumabas na ang doktor na tumingin kay Claire.

Dok, kamusta po ang kalagayan ng anak ko?okay na po ba siya? Maari po ba akong pumasok? Pasensiya na Misis. Ginawa na namin ang aming makakaya. Wala na ho ang anak niyo. Dok! Nagsisinungaling lang kayo. Hindi patay ang anak ko!..Claire! Claire, nandito na ako anak. (Pumasok sa loob si Aling Rina). Anak, Claire nandito na ang laruan mo oh! Nakabili na ako anak. Hindi ka na maglalaro ng mga sira-sirang laruan. Anak gumising ka naman oh, andito na ang Nanay. Wag mo naman akong iwan anak. Kailangan kita! Tumigil ang mundo ni Aling Rina sa nangyari sa anak. Umikot ang mahahabang daliri ng mga anino sa silid. Bumagsak si Aling Rina mula sa kinatatayuan ayaw man niyang tanggapin ang kapalaran ng kanyang anak, alam niya na binabantayan siya palagi. Hindi na nasilip ni Claire ang bukas.

You might also like