Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pahalagahan Si Inang Kalikasan Princess Sarah F.

Pangilinan

Sa aking minamahal na mga tagapakinig, isang magandang araw sa inyong lahat! Tunay ngang kay ganda ng araw lalu nat pag gising moy sariwang hangin ang nalalanghap. Ngunit sa panahon ngayon, usok o maruming hangin na ang ating nalalanghap at itoy sanhi ng polusyon. Aking mga kababayan, binigyan tayo ng Diyos ng karapatang mamahala sa Kalikasan upang pangalagaan at hindi abusuhin at sirain. Kung tutuusin hindi tayo mabubuhay sa mundo kung wala ito. Sadyang napakahalaga nito sa buhay nating mga tao at pati na rin sa mga hayop sapagkat dito tayo kumukuha ng hangin, tubig, at pagkain. Paano na lamang kung tuluyan na itong nabura sa mundo? Paano na mabubuhay ang mga tao at hayop? Atin din tandaan na itoy hiram lamang sapagkat ito ay pagmamay-ari ng Diyos. Kayat dapat lang nating alagaan at pahalagahan ang kalikasan at isa pay hindi lang mga taot hayop ang minamahal sa mundong ito, pati na rin ang kalikasan. Mga kababayan, huwag na nating hintayin pang si Inang kalikasan ang magpaalala sa atin na dapat natin siyang bigyang halaga at huwag na rin natin hintayin pa na mawala siya ng tuluyan at magsisi tayo bago kumilos. Ngayon pa lamang, gumawa na tayo ng hakbang upang mapangalagaan at mapanatili ang kaayusan ng kalikasan. Sa simpleng pagtatapon ng basura sa tamang tapunan o kaya naman sa pagsesegregeyt ng basura ay isa nang napakalaking bagay. Mga minamahal na tagapakinig muli ko po kayong hinihikayat na maki-isa sa pangangalaga kay Inang Kalikasan. Maraming Salamat po sa inyong pakikinig at Magandang araw po muli sa inyong lahat.

You might also like