Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Uri ng Tulang Tagalog

1. Tulang Damdamin o Liriko. Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan. Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:

a. Awit Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. b. Soneto Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c. Oda Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. d. Elehiya Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kayay tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na Isang Punong Kahoy. e. Dalit Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

2. Tulang Pasalaysay. Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento.

a. Epiko o Tulang Bayani Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na Biag ni Lam-ang. b. Korido Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay Ibong Adarna. c. Awit Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng

malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang Florante at Laura.

3. Tulang Pandulaan. Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kayay naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.

4. Tulang Patnigan. Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.

a. Balagtasan Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco Balagtas Baltazar. b. Karagatan Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na libangang itinatanghal na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

You might also like