Professional Documents
Culture Documents
Lying Best Ourselves (Shirlengtearjerky)
Lying Best Ourselves (Shirlengtearjerky)
A Short Story by
Shirlengtearjerky
Copyright 2012 by Shirlengtearjerky Stories
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law. Ang magreproduce o magpost nito sa ibang site without my permission, tutubuan ng malaking pigsa sa ANO. (I am darn serious.)
Ano pa nga bang sasabihin nya? Para mas sakto, saan sya magsisimula sa sasabihin nya?
Yumuko sya, tumitig sa sapatos nyang kulay blue at orange, wari'y naghahanap ng sagot sa bawat tahi ng kanyang sapatos. Ano bang dapat sabihin nya? Ilang minuto na lang at.. at...
wala na.
Wala pa syang kamalay-malay sa mundo. Simpleng bata, puro laro ang inaatupag.
Anong kamalay-malay ng isang Grade 2 student sa mga seryosong bagay gaya ng buhay, death penalty at lalo na ang magulong mundo ng pag-ibig?
Tandang-tanda pa nya ang araw na yon. Petsa? Sinong makakaalala ng exact date ng pangyayaring yon? Wala syang pakialam sa petsa. Ang natatandaan lang nya ay kung gaano kainit ang classroom, ang masangsang na amoy ng kanyang kaklase at.. at..
Oo, crush nya ang batang nag-aabot ng test papers. Yung iba rin naman nyang kaklaseng lalaki ay ganun din. Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa cute na batang 'to? Talented. Maganda.
Pilyo syang bata dati. Kahit mahaba ang pinapakopya sa kanila ng titser nila sa blackboard, hindi nya muna ito pinansin. Tinitigan lang muna nya ang babae. Ilang minuto pa nang.. makaramdam ito.
Siguro sadyang mapang-asar ang tadhana. Sa mga sumunod na taon ay magkaklase pa rin sila.
May naririnig syang kuro-kuro, kesyo may gusto raw sa kanya ang babaeng yon. Kesyo kaya lang ito nakikipagkaibigan sa kanya ay para malaman kung may gusto rin sya sa kanya.
Kalokohan.
Elementary? Gusto? Di angkop para sa isang elementary student ang magkagusto! Para sa kanya, pang-matanda lang ang lebel ng salitang gusto. Kasama nito ang mga salitang "derivatives", "term papers" at "hell week", na walang kwenta para sa hamak na Grade 5 student tulad nila.
Pero naging magkaibigan sila. Para bang hindi nangyari ang titigan nila nung Grade 2, na hindi nangyari ang kung anumang chismis na kumalat sa apat na sulok ng kanilang classroom.
Barkada.
Nagulat na lang sya isang araw na lumayo ang loob ng babae sa kanya.
Hindi naman nya ito masisi. Alam nyang nasa point sila ng kanilang buhay na hinahanap ang kanilang sarili. Unting-unti nagbago ang pakitungo ng babae sa mga tao sa paligid nya, pagbabagong hindi nya nagustuhan.
Minsan habang bumibili sya ng ice scramble sa labas ng school ay napapaisip sya, eto na ba ang batang babaeng crush nya nung Grade 2? Nagbago na ba sya?
'Napabarkada yan sa maling tao,' narinig nyang sabi ng ibang kaibigan nya habang sila'y
naglolocker.
Gusto nyang ipagtanggol ang kaibigan, sabihin sa matabil na dilang yon na wala syang karapatang husgahan ang kaibigan nya. Kaso ni isang salita'y hindi nya masabi. Dahil kahit sya'y hinusgahan ang kanyang kaibigan.
Nagdadalawang-isip sya sa kung anong dapat nyang gawin. Lalapitan ba nya ito at sasabihing 'Okay lang yan! Nandito pa naman ako eh!' o pagagalitan ito, sasabihan ng "Tanga ka kasi! Pinagpalit mo kami para dyan!"
Uwian nang nagkatabi sila sa pagbili ng Pepsi sa labas ng school. Halata sa babae na naiilang ito na nandun sya. Baka siguro natatakot na mapagalitan o maparinggan.
'Ate,' sabi nya sa tindera. 'Dito na ho yung dalawang Pepsi.' Inabutan nya ito ng P50.
Natameme ang babae sa ginawa nya. Pinagpipilitan nito na tanggapin nya ang P10 na sana'y ipambabayad nito sa tindera.
'Bayad ko dun sa kahapon,' medyong nahihiya pang sabi nito. 'Para di ka na makatanggi.'
'Pwede ko naman 'tong itapon e.' Hindi natinag ang babae. 'Okay ka na?' Tumango na lamang ito. Hinigit nya ang upuan sa may kanan nya. 'Upo ka. Matagal ka nang hindi nagkukwento sakin.
Dito mas lumawak pa ang kanilang barkada, halos buong klase ay masasabing natuturingan na parang magkakapatid
Tulad ng mga magkakapatid, hindi maiwasan na magkaron ng away, na madali namang naayos.
Wala silang immunity mula sa mga away na ganito. Oo, magkaibigan sila, pero mapapansin
mong malaki ang pagkakaiba ng kanilang ugali. Sya, madaling uminit ang ulo, at moody. Madaldal at masiyahin naman ang babae.
Ganun pala ang feeling ng may isang taong importante sayo na unti-unting lumalayo sa'yo. Desperado ka na para makuha ulit ang loob nya, sa kahit anong paraan.
Nang patawarin sya ng babae, may parte sa puso nya na sumuko na sa pagkakaibigang 'yon.
Naglalakad sila papalabas ng school, nagkukwentuhan nang masabi sa kanya ng babae ito.
May.. crush sa kanya ang babae? Di nga? Parehas lang pala sila ng nararamdaman nun!
'Ang cute cute mo kasi nung Grade 2! Para kang teddy bear!' natawa pa sya nang maalala ang itsura nya dati. 'Pero.. kaibigan kita eh! Bawal ang gusto-gusto!'
Kung sinabi rin kaya nya sa babae nung Grade 2 na crush nya ito, ano kayang mangyayari?
Baliw, sabi nya sa sarili. Ano nang kamalayan ng isang Grade 2 student sa pag-ibig? Mas enjoy pa ngang kumain ng paste kesa magpakabaliw sa pag-ibig na yan.
Oo,
mahal
Ngunit meron pa rin kaunting espasyo sa mga puso nila ang nakalaan para sa isa't isa.
Bigla syang napatingin sa sarili nyang bestfriend, baka kasi narinig nito ang sinabi ng babae. Mahirap na.
'B-bakit mo naman ako naging bestfriend? Eh nandyan naman yung iba mong girl friends ah! Don't tell me isa ako sa kanila?'
'Baliw! Hindi sa ganon.. Iba kasi eh. May mga bagay akong sinasabi sa'yo na hindi ko sinasabi sa kanila. Na mas kumportable akong sabihin sa'yo kasi alam kong parehas tayo ng takbo ng isip.'
Bestfriend.
Minsan may nagtanong sa kanya, 'Since Grade 2 pa kayo magkasama ah. Hindi ba kayo
Oo nga, since Grade 2 pa sila magkasama. Ang iba siguro magsasawa sa ganung set-up, kasi college, time to meet new people.
Sa buhay natin, may makikilala tayong mga bagong tao. Hindi naman maiiwasan yon eh, parte yon ng pakikibagay natin sa pagbabago ng paligid.
Pero may iilang tao, na kahit gaano pang karaming tao ang makilala mo, makasalamuha mo, sila pa rin yung hahanapin mo. Kumbaga hindi napapalitan ng ilang bagong kaibigan ang isang tried and tested na kaibigan.
Para sa kanya, isa na ang babae na yon sa mga tried and tested nyang kaibigan.
Ilang beses nyang tinanong kung bakit sya umiiyak, kung anong nangyari.
Alam nyang maraming problema ang kaibigan. Nandun sya palagi sa tabi nito sa oras na kailangan nito ng tulong.
Ayaw sumagot ng babae. Iyak lang ito nang iyak sa unan nya.
Nagsinungaling sya nung tinanong ng babae kung okay lang sya after nitong sabihin ang balitang yon.
Nagsinungaling sya nung tinanong ng ilan nyang kaibigan kung okay lang sya sa pag-alis ng matalik nyang kaibigan.
Nagsinungaling sya sa kanyang farewell speech para sa kaibigan. Dapat padalhan mo ako ng cherry blossoms ah! Yung hindi lanta!' biro pa nito.
Nagsinungaling sya isang araw bago umalis ang babae nang yayain sya nitong tumambay. 'May paper pa kasi akong deadline eh! Sorry! Babawi na lang ako bukas sa airport! I won't miss it!'
Nagsinungaling sya sa kanyang sarili, na tanggap nya ang pag-alis ng kaibigan. Nagsinungaling sya na okay lang ito kahit hindi. Nagsinungaling sya na kakayanin nya kahit wala ito sa tabi nya.
Halos lahat ng mga kaibigan nila, mapa-high school at college, ay nandun sa airport.
Pinipigil ng iba ang umiyak, request kasi ng kaibigan na walang iiyak at walang malulungkot.
Sya naman, todo ngiti. Ganun naman talaga kasi sya, ngumingiti na lang kesa magpakita ng kalungkutan. Kahit fake lang ang ngiting yon.
Sya ang pangalawa sa huli na nilapitan ng babae. Niyakap sya nito ng mahigpit.
'Control your anger ah? Message ka lang sa FB or magtweet ka lang kung may problema ka. Kaya nga may ganun eh!' bulong nya sa kaibigan.
'Pero iba pa rin pag kausap ka sa personal.' Malapit nang maiyak ang babae.
'Sus! May Skype pa! Ano ka ba ikaw tong nagsasabing wag malungkot eh!'
Ano pa nga bang sasabihin nya? Para mas sakto, saan sya magsisimula sa sasabihin nya?
Gusto nyang simulan ang gusto nyang sabihin mula sa araw nung Grade 2 sila, nung nagkatitigan sila. Sundan pa ng mga araw kung san naawa sya sa pagbabago nito, sa araw na nagkaayos at nagkainisan sila. Ang mga masasaya, malulungkot at kung anu-ano pang alaala.
Yumuko sya, tumitig sa sapatos nyang kulay blue at orange, wari'y naghahanap ng sagot sa bawat tahi ng kanyang sapatos. Ano bang dapat sabihin nya? Ilang minuto na lang at.. at... wala na.
For the last crucial minute, we decide to lie just to hide the truth.
-Fin-