Titser

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Titser

(Kabanata 1) Nobelang Tagalog Ni Liwayway A. Arceo Mga Pangunahing Tauhan: AMELITA. Pinili ang pagiging guro kaysa sa kagustuhan ng ina na kumuha ng kursong de titulo. ALING ROSA. Ang ina ni Amelita na tutol sa pagguguro nito MANG AMBO. Ang ama ni Amelita na supportado ang naisin ng anak. Tagapagsalaysay: Ang paninindigan ay mahalaga sa buhay ng tao. Ipaglaban ang pinaniniwalaan anuman ang maging bunga nito. Amelita: Ala ata ang tatang? Aling Rosa: Aba, malay ko! Aling Rosa: Talagang pinakagaga sa lahat ng anak ko ang isang to oo!! Maari naming kumuha ng kahit anong mabuting karera nagpilit na maging titser! Ngayon. Ano? Alila ng buong nayon! Tagapagsalaysay: Sa pagkakataong iyon ay bumalik sa gunita ni Aling Rosa ang mga natupad na pangarap sa pagpapalaki sa kanyang mga anak. (pumasok sa salas si Mang Ambo) Mang Ambo: Oy, dumating na ba ang anak mo? Aling Rosa: Oo, nariyan na sa kwarto niya. Mang Ambo: O, anong nangyarit ganyan na naman ang mukha mo? Hindi raw ba siya sasama? Aling Rosa: Ewan ko Hindi ko pa naman sinasabi! Mang Ambo: Ganoon naman pala e, anot parang bigung-bigo ka na? Aling Rosa: Naku, e Makita ko lang ang ayos ng anak mong yan, pinagsisiklaban na ko ng galit!!! Mang Ambo: Bakit naman?! Aling Rosa: Naku, Ambo huwag ka nang magmaang-maangan! Hindi ikaw nga itong laging nakapupunang nangangayayat na sa pagtuturo ang anak mong yan? Paano laging pagod na pagod! Mang Ambo: Sa tingin koy nasisiyahan naman sa pagtuturo ang batang yan. A bayaan mo na lang! Pumayag ka na rin lang na yan ang pag-aralan niya Aling Rosa: Bakit nga hindi ako papaya, eh, sa nakita kong kahit patayin koy ang gusto rin niya ang susundin! Mang Ambo: Bayaan mo na talagang ganyan ang bunso! Aling Rosa: Bunso! Kung hindi ko lang inaalalang masisira ang linya ng ating pamilya sa pagkakaroon ng isang anak na de titulo . . . kalian ako pumayag?! Tagapagsalaysay: Hindi kumibo si Mang Ambo. Hindi nito masasabing mali ang asawa. Nakita nito ang katuwiran niya sa pagpipilit na makatapos na makatapos ang mga anak sa pag-aaral at makakuha ng mga karerang tinitingala. Hindi sila mayaman, ngunit sadyang hinahangaan sila ng buong nayon sa ginawang pagpapaaral sa mga anak. Halos nahuhulaan na ni Aling Rosa kung ano ang nasa isipan ni Mang Ambo. Aling Rosa: Ayaw ka lang maniwala sa kin noong una at ika moy mahihirapan tao . . . o, anong nagyari? Kung hindi natin iginapang si Norberto at naging inhinyero . . . papatusin ba ni Marina? Siyempre pang isang masalapi ring tulad

niya ang kukunin ni Marina. O kaya, isang propesor din sa musika, paris niya. Pero hindi e. Naibigan niya si Norberto dahil may sariling dunong at titulo. At nakatulong pa sa pagpapaaral sa mga sumunod sa kanya. O, ano . . . hindi ba? Mang Ambo: Ang itinatanong ko lang naman, e, kung napag-usapan na ninyo ni Amelita. Sasama raw ba siya o hindi? Aling Rosa: Pinag-initan na nga ako ng ulo nag makita ko ang hitsura ng anak mo! Mang Ambo: Bakit nga?! Aling Rosa: Alam ko na kasi ang isasagot, pihong sasabihin niyan ay pagod siya sa maghapong pagtuturo! Mang Ambo: Ikaw naman oo! Hindi mo pa pala sinasabi e . . . gumagawa ka na ng hula kung anong isasagot. Tawagin mo nga! Aba, kung hindi siya makakasama kay Osmundo, masabi na agad. Mahirap ng maghintay sa wala yong tao! Aling Rosa: Sus, bakit naiba salita mo ngayon? Datiy ikaw tong nagtatanggol sa anak mo. Sa kin ka pa nagagalit at ika moy lagi ko na lang pinipilit ang anak mo! Mang Ambo: Alam mo, oy . . . inaabot na rin ako ng kahihiyan kay Osmundo! Kung pakiharapan moy parang may pag-asa yong tao. E, itong pinag-uukulan ng pagpapagod, e, hindi natin matiyak ang kalooban! (lalabas si Amelita sa kwarto) Amelita: Aba, narito na p ala kayo, Tatang Mang Ambo: May sasabihin daw ang Inang mo . . . Amelita: Ano yon Inang Aling Rosa: Kinukumbida ka ni Osmundo . . . may benepisyo sa kapitolyo. Dadaan daw ditto ngayon . . . Amelita: Ang dami kong trabaho ngayon e Aling Rosa: Aba! Nakasagot na ko. Mag ayus-ayos kana! Amelita: Pero Inang . . . Aling Rosa: Amelita! Bukod tangi ka sa lahat ng anak ko, ha? Walang hiya ka! Ikaw pang bunso . . . ikaw pang natutong sumuway sa lahat ng gusto ko!!! Aling Rosa: Hindi bat sa simula pa lang, ayoko niyang kinuha mong karera? Ayoko, dahil magiging alangan ka nga sa mga kapatid mo! Lahat sila may titulo. May inhinyero, doctor, parmasyutika at lahat sila maginhawa ang buhay. May sariling bahay at kotse. E, ikaw ano? Aling Rosa: Bayaan mo nga ako! Bakit, ito bang ginagawa ko, e, para sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kanya? Ayan . . . hindi ako sinunod ng anak mong yan, kayat siya lang ang hirap na hirap sa trabaho! Siya ang halos walang kinikita dahil abonadong lagi sa klase. Trabahong-alipin ang ginagawa! Amelita: Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo, Inang! Aling Rosa: Sasabihin mo nga bang nasisiyahan? Talagang hindi ka makapagreklamo dahil ikaw ang pumili ng karerang yan. Pero may paraan pa naman para makalayo ka sa ganyang buhay . . . Kung mapapangasawa mo si Osmundo . . . Aling Rosa: Bakit hindi ba totoo ang sinasabi ko? Sa laki ba naman ng kayamanan ni Osmundo . . . sa lawak ng mga lupain at sakahan, kakailanganin mo pa ba ang magturo? Aling Rosa: Matagal nang nakikiusap sa kin si Osmundo at palagay ko naman, napapanahon na para sumagot ka! Amelita: Pero, Inang . . . Hindi ko maaaring sundin ang nais ninyo. Aling Rosa: Alin ang hindi maaari? Lahat ng gusto koy nasuway mo na, Amelita . . . pero ang isang itoy hindi mo maaaring baliin!

Amelita: Inang, kailangan malaman na ni Osmundo ngayon na . . . hindi maaari . . . Aling Rosa: Bakit hindi maaari? Bakit?!

You might also like