Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Aking Bandila

ni Cirio H. Panganiban
(Sabayang Pagbigkas) Palibhasa'y Mutyang anak ng Liwanag, Ang Ina kong Lupa'y tampulan ng dagat. Sa Dulong Silanga'y pulo ng pangarap, Binasag ng alon kaya sumambulat. Subalit gayon man, sa Kapuluan ko'y Diyos ang may hawak, Buo ang damdamin, iisa ang diwa't isa ang Watawat. Ang aking Bandila ay may tatlong kulay; May kulay ng dugo, pagkat katapangan; May kulay ng langit, pagkat kabanalan; May kulay ng bulak, pagkat kalinisan. Subalit ang lalong maningning na hiyas na kanyang dampulay Ay magkakapatid na tatlong Bituin at ang isang Araw. Ang bandilang ito'y nilamay sa dusa. Napigta sa luha ng maraming ina. Saka nang mayari, kamay ni Ibarra Ang sa himagsikan ay siyang nagdala. Sinundan ni Elyas, at ang buong baya'y nuha ng sandata At sila'y nagbangon ng unang paglaya at pagkakaisa. Mahinang sandata't marupok na bisig Dahil sa Bandila'y nakapananaig. Ang isang bayani, o isang panitik, Dahil sa Bandila'y may tula, o bagwis; Makata't bayani'y aawit ng Laya, hahanap ng langit. Kung Langit ay wala, Tabak na ang lunas sa dusa't hinagpis! Nang minsang ibawal ang aking Bandila Siya'y hinagkan kong nanatak ang luha, Wika ko sa akin: Ang naglahong tala, Lalo pang maningning pagsilay ng lupa Ngayong siya'y muling iladlad sa tagdan at maging malaya, Sandata't pag-ibig ang kanyang tanggulang hindi masisira. Sa bayan at nayon, sa bundok at parang, Sa himpapawirin at sa karagatan, Ang aking Bandila ay iwawagayway. Sa tuwing umaga'y hahagkan ng Araw, At sa aking kuta siya ay hindi na muling maaagaw, Pagkat magtatanggol pati na ang aking tatanod na bangkay!

Ang Bato Ni Jose Corazon de Jesus


I. Tapakan ng tao, sa gitna ng daan; Kung matisad moy iila-ilandang Ngunit pagkatapos, pag ikay namatay, Bato ang tatapak sa bangkay mo naman II. Batong tuntungan mo sa pagkadakila, Batong tungtungan ko sa pamamayapa; Talagang ganito sa lapad ng lupa Ay hali-halili lamang ang kawawa III. Balot ng putik, marumit maitim Tinapyas at, aba! Brilyanteng maningning! Sa putik din pala ay may bituin din Na hinahangaan ng matang titingin IV. Maralitang taoy batong itinatapon, Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy; Nag-aral at, aba! Noong makaahon, Sa mahirap pala naron ang marunong V. Ang batong malakiy kay daling mabungkal, Ang batong brilyantey hirap matagpuan, Ubod laking tipak, mura nang matimbang. Ga-mata ng isday pagkamahal-mahal. VI. Talagang ganito, madalas mamalas Sa alimasag man ang malakiy payat; May malaking kahoy sy sukal sa gubat, May mumunting damo, ang ugat ay lunas. VII. Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba! Batong nasa agos, makinis, maganda, Batong nasa gilid, bahay ng talaba, Sadlakan ng dumi at nilulumot pa. VIII. O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos, Habang tumatanday lalong nilulumot. Kapag agos ng palad, ang takot sa agos. Malayong matutong lumangoy sa ilog IX. Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang Nang makaluto ka ng kanin sa kalan Mapurol mang gulok at kampit na batingaw, Mapapatalim din ng batong hasaan. X. Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya, Ang talim ng isip, tabak ang kapara; Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa, Bukas-makalaway magiging pantas ka. XI. Kapag, nagkapingki bato mang malamig, May talsk na apoy na sumasagitsit; Ang noo ng tao, kapag nagkiskis, Apoy ng katwiran ang tumitilamsik! XII. At saka ang bato ay may katarungan, Taong nilulunod na bato ang pataw, Kung taong masamay di na lumulutang, Ngunit kung dakilay pumapaibabaw

XIII. Bato ang korona ng hari sa trono Bato ang sabsaban na duyan niCristo Bato ang lapida sa hukay ng tao Itong mundo pala'y isang dakot na bato

You might also like