Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

PAGSULAT

Balangkas ng Aralin
Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat Kahalagahan ng Pagsulat sa Sosyo-Kognitibong Pananaw Mga Uri ng Sulatin Mga Layunin sa Pagsulat Pagsulat Bilang MultiDimensyunal na Proseso Mga Uri ng Pagsulat
Copyright 2008 PresentationFx.com | Redistribution Prohibited | This text section may be deleted for presentation.

Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat


Ang Pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan, ang bunga ng interaksyong proseso ng mga mag-aaral at produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto. (Lalunio, 1985)

Copyright 2008 PresentationFx.com | Redistribution Prohibited | This text section may be deleted for presentation.

Walang misteryong taglay ang mabuting panulat, ito ay kasanayang natututuhan. (Gonzales, 2005) Ang pagsulat ay isang kontinwum (continuum) ng mga gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat sa isang banda at nang mas kompleks na gawain ng paglikha sa kabilang dulo. (Badayos, 2008) Ang pagsulat ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan (skillgetting) hanggang sa ang mga kasanayang ito ay aktuwal na magagamit (skill-using)

Kahalagahan ng Pagsulat sa Sosyo-Kognitibong Pananaw


Nagsisilbing tagapag-ingat ng mga mayayamang kaalaman ng tao na nais ipamana sa mga susunod na salinlahi. Nagmumulat ito ng kamalayan sa mayamang kultura at tradisyon ng isang bansa.

Diskurso: Pasalita (sosyal) vs. Pasulat (mag-isa)


Salik 1: Sosyolohikal Pasalita: may interaksyon dahil sa awdyens : may kagyat na fidbak (berbal o di-berbal) Pasulat: ginagawa nang nagiisa : manunulat= tagabasa

Salik2: Sikolohikal Pasalita: paggamit ng paralinguistic at extra linguistic features : nasa anyong tuloy-tuloy (linear) Pagsulat: kailangang panindigan kung ano ang naisulat

Salik 3: Linggwistik Pasalita: pwedeng mag-shortcut : pwedeng baguhin at ulitin ayon sa reaksyon ng tagapakinig : ephermal Sir pardon!

Pasulat: dapat malinaw na malinaw ang paglalahad : Bawal magmadali! Sumunod sa istruktura.

Salik na Pangkaisipan Pasalita: madaling matamo : natutuhan sa isang prosesong natural at walang hirap (egobuilding : madali ang lahat dahil sa inner speech

Pasulat: sa paaralan; pormal na pagtuturo : hindi madali ang pagbubuo ng isusulat : may pagka-egodestructive lalo na kung L2 ang wika

Mga Uri ng Sulatin


Personal na Sulatin - pansarili; walang tiyak na balangkas; pinakagamitin Transaksyunal na Sulatin - pormal, maayos ang pagkabuo at binibigyang-pokus ang impormasyon at layunin ng pagsulat Malikhaing Sulatin - masining na paglalahad ng naiisip o nadarama; binibigyangpansin ang wikang ginamit

Ibat Ibang Uri ng Sulatin Ayon sa Anyo


Pasalaysay (Narration) - pagpapahayag na naglalayong magpahayag nang sunodsunod ng isang pangyayari, may tauhan at may tagpuan.

Palarawan (Descriptive) - pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto ng mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.

Panghihikayat (Persuasive) - pagpapahayag na naglalayong makahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat

Eksposisyon (Exposition) - pagpapahayag na may tunguhing ipaliwanag ang pangyayari, opinyon, kabatiran at mga kaisipan
Pangangatuwiran (Argumentation) - pagpapahayag ng isang kaisipan o kuro-kuro na naglalayong mapaniwala ang kausap o bumabasa sa opinyon ng sumusulat

Pagsulat bilang MultiDimensyunal na Proseso


Panimula - hindi gawaing biro at simpleng gawain ang pagsulat - itoy mabagal na gawain - walang isang tiyak na sistema o proseso ng pagsulat - kailangan ng determinasyon, at malakas na pagnanais para makasulat nang maayos

Direksyon ng Pagsulat
1. Pag-aasinta - pag-alam kaagad ng paksang nais tukuyin. 2. Pagtitipon - pagsasama-sama ng mga ideyang nakalap ng isang manunulat

Direksyon ng Pagsulat
3. Paghuhugis - pagbabalangkas ng mga nakalap na impormasyon 4. Pagrerebisa - muli at muling pagsusulat

Mga Uri ng Pagsulat


1. Akademikong Pagsulat - pagsulat sa ibat ibang disiplina - sundin ang padron (format) na ibinigay ng inyong propesor

Mga Uri ng Pagsulat


2. Teknikal na Pagsulat - isang uri ng komunikasyon sa anumang larangan na ang pangunahing gampanin ay makalikha ng isang tiyak at partikular na impormasyon sa tiyak ding layunin sa partikular na mambabasa o grupo ng mga mambabasa.

Mga Uri ng Pagsulat


- ito ay dapat naaayon sa layunin, malinaw, tumpak, maikli at di emosyunal na paglalahad ng mga datos.

Mga Uri ng Pagsulat


Katangian ng Teknikal na Pagsulat (Mills at Walter, 1981) - eksposisyon tungkol sa mga siyentipikong disiplina - may katangiang pormal at tiyak na elementong gaya ng mga siyentipiko at teknikal na bokabularyo

Mga Uri ng Pagsulat


- pokus sa objectivity upang maiwasan ang paghalo ng emosyon sa purong impormasyon o isyu - simple at malinaw ang mga datos (data) - may mga estadistika, makatotohanang datos (data)

Mga Uri ng Pagsulat


- payak, kongkreto at karaniwang wika ang gamit

Mga Uri ng Pagsulat


3. Jornalistik na Pagsulat may dalawang uri a. Pang-araw-araw na karanasan (repleksyon, pansariling gawain, mga naiisip o nadarama; madalas ipagkamali sa isang diary)

Mga Uri ng Pagsulat


3. Jornalistik na Pagsulat may dalawang uri b. gamit sa pamahayagan (may layuning mag-print ng peryodiko; mas malawak ang sakop; walang isyung personal at emosyunal na sangkap ng mismong manunulat)

Halimbawa:

Sana gud writer ako. Pangarap ko kasing makilala sa buong Pilipinas gaya ng matatalino nating manunulat na sina Nick Joaquin, Teddy Benigno, Jun Cruz Reyes, F. Sionil Jose, Amado V. Hernandez, Genoveva Matute, Lualhati Bautista at kung sino-sino pa. Ang sarap siguro n pakiramdam na habambuhay na binabasa at tinatalakay ang iyong mga ideya. Sina Rizal at Bonifacio nga hingi na ngayon buhay ay buhay pa sa ating mga gunita eh. Legacy ika nga. Legacy to live your life through the ideas of your writings.

Mga Uri ng Pagsulat


3. Jornalistik na Pagsulat may dalawang uri c. Journal article komprehensibong pagsulat tungkol sa isang paksa na madalas ay siyentipiko at teknikal ang pagtalakay; napapanahon ang pagtalakay

Mga Uri ng Pagsulat


4. Reperensyal na Pagsulat tumutukoy sa mga sulating bunga ng mga teknikal na pagaaral, mahabang panahon ng pananaliksik at resulta ng mga eksperimentong ulat. (Hal. Diksyunaryo, Tesis, Disertasyon, at iba pang uri ng siyentipiko at akademikong pag-aaral)

Mga Uri ng Pagsulat


5. Liham-Pangangalakalginagamit bilang pantransaksyon o sa pakikipag-ugnayan ng mga taong nasa loob ng isang organisasyon; mahalagang dokumento ng kompanya

Mga Uri ng Pagsulat


Layunin ng LihamPangangalakal: Mapanatili ang kagalingan sa pakikitungo sa mga kliyente o kostumer ng kompanya.

Mga Uri ng LihamPangangalakal


1. Proposal-sinusulat upang magbigay ng isang panukala o mungkahi para sa serbisyo, produkto o gawain. Ito ay isang pag-anyaya na tanggapin ang bagay, serbisyo o gawaing inaalok.

Mga Uri ng LihamPangangalakal


2. Liham na Humihingi ng Pahintulot-ginagawa ang liham na ito upang humingi ng impormasyon, serbisyo o produkto. (Ano ang kailangan? Bakit ito kailangan? Sino ang may kailangan? Paano ito gagamitin?)

Mga Uri ng LihamPangangalakal


3. Liham-Transmital/Endorsmentang liham na ito ay nagsasalin o nagpaparating ng impormasyon tungkol sa isang proyekto, gawain o transaksyon sa pagitan ng dalawang kompanya o tanggapan.

Mga Uri ng LihamPangangalakal


3. Memorandum-isinusulat para sa isang kasamahan o tanggapan na nagsasaad ng problema, proposal sa gagawaing aksyon sa problema, nagsasaad ng proseso o hakbang na gagawin at nagsasaad pa rin ng resulta ng imbestigasyon.

You might also like