Professional Documents
Culture Documents
PANGUNGUSAP
PANGUNGUSAP
ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
1. Naglalaro si Crisanto ng ahedres. ( gumanap ng kilos ) 2. Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda ( pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa ) 3. Si Melody ay kumakanta sa liwasan ngayon.
Panaguri
Ang Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno. Ito ay maaaring: panaguring pangngalan panaguring panghalip panaguring pang-uri panaguring pandiwa panaguring pang-abay panaguring pawatas
1) Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas. ( pangngalan ) 2) Sila ang aawit sa misa. ( panghalip ) 3) Malulusog ang anak niyang kambal. ( pang-uri ) Naglalaba ang kanyang ina. ( pandiwa ) 4) Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat. ( pangabay ) Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya. ( pawatas)
Payak
Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa. Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.
Payak na Simuno at Payak na Panaguri Halimbawa: Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Tambalang Simuno at Payak na Panaguri Halimbawa: Si Ding at Dang ay matalino sa matematika. Payak na Simuno at Tambalang Panaguri Halimbawa: Si Toto ay matulungin at madasalin. Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri Halimbawa: Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa. Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo Halimbawa: Umuulan! Sunog!
Tambalan Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;). o Halimbawa: Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang ang karamihan ay gumagawa.
Hugnayan Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa. o Halimbawa: Ang manggagawang ginantimpalaan dahil sa kanyang kasipagan sa pagtatrabaho sa kompanya ay nanay ni Randy.
Langkapan Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa. o Halimbawa: Tayong mga magkakagrupo ay kailangang magtulungan para mabilis nating matapos ang ating gawain dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating magtulungan upang tumatag ang ekonomiya.
Karaniwang Ayos Ang panaguri ay nauuna sa simuno. Halimbawa: Mabilis magsampay ng damit si Nena. Di-karaniwang Ayos Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng simuno sa pangungusap. Halimbawa: Si Nena ay mabilis na nagsampay ng damit.
Gumamit ng pang-uri bilang panuring Halimbawa: Nag-aral nang mabuti sa Matematika ang batang si Engelbert. Gumamit ng pang-abay bilang panuring Halimbawa: Nag-aral nang mabuti sa Matematika si Engelbert para sa darating na kompetisyon .
1) Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.Ang mga kabataan ngayon ay mahilig magbulakbol.
2)Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pagaaklas
Pautos
Ito ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.) o Halimbawa: Dalhan mo ako ng pasalubong. Buksan mo ang mga bintana.
Anyo ng Pautos Pautos na Pananggi Pinangungunahan ng salitang "huwag". o Halimbawa: Huwag kang lalabas ng bahay. Pautos na Panag-ayon Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas. o Halimbawa: Ipaluto mo si Marissa ng tinola
Patanong
Ito ay nagsasaad ng isang katanungan. Anyo ng Patanong Patanong na masasagot ng OO o Hindi o Halimbawa: Kumain ka na ba? Pangungusap na Patanggi ang Tanong o Halimbawa: Hindi ka ba papasok?Hindi ka ba kakain dito?
salitang: ano, alin, sino, saan at iba pa. o Halimbawa: Ano ang iyong kinain kanina?Alin ang pipiliin mo? Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong o Halimbawa: Siya ba ay pupunta rin?Tayo ba ay aalis na? Tanong na may Karugtong o Pabuntot o Halimbawa: Kumain ka na, hindi ba?Dumaan ka na dito, hindi ba?
Pakiusap
Panamdam
nakaw!
Modal Nagpapahayag ng kahilingan o pagnanasa o pagnanais. Halimbawa: Nais ko sanang malibot ang buong mundo.
Eksistensyal Ito ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala. Halimbawa: May tao sa loob. Mayroong ganyan doon.
Temporal
Penomenal
Pormulasyong Panlipunan