Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

MGA KATANGIAN NG BANGANG MANUNGGUL

Isang artefact ang natagpuan sa kweba ng Manunggul, sa Lipuun Point, munisipyo ng Quezon sa Palawan at tinatayang ginawa noong humigit kumulang 2,000 taong nakalipas. Ito ang tinatawag na bangang Manunggul at sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng Pambansang Museo ng Pilipinas.Tingnan ang mapa sa susunod na pahina at ang mga larawan ng banga.Pansining mabuti ang mga katangian ng banga.

LOKASYON NG KWEBA NG MANUNGGUL, LIPUUN POINT, QUEZON, PALAWAN

DISENYO NG BANGANG MANUNGGUL

Sa kanyang disenyo at pagkakagawa, itinuturing ang bangang Manunggul na isa sa pinakamaganda at pinakamahusay na banga sa kanyang panahon sa buong Timog Silangang Asya.

Ilarawan ang inyong napansin, gamit ang gabay sa ibaba.


1. 2.

3.
4. 5.

6.

7.

Buo ba ang banga? Ano ang hugis nito? May butas ba sa katawan ng banga? Ano ang itsura ng takip? Ano ang disenyo sa katawan ng banga? Ilan ang nakasakay sa bangka? Ano ang ayos ng mga nakasakay? Ano ang masasabi mo tungkol sa kakayahan ng mga sinaunang Pilipino?

Ibahago mo sa klase ang iyong mga sagot.

TAKDANG - ARALIN

Upang maunawaan ang sinasagisag ng bangang Manunggul at ang gamit nito, basahin ang sipi sa susunod na pahina bilang takdang-aralin. Ito ay mula sa Customs of the Tagalogs, ang salaysay ni Fr. Juan de Plasencia, isang paring Pransiskano na nanirahan sa Katagalugan mula noong 1578 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1590 sa Liliw, Laguna. Sa salaysay na ito, itinala ni Fr. Plasencia ang maraming mga sinaunang paniniwala at kaugalian ng mga Pilipino.

The manner of burying the dead was as follows: The deceased was buried beside the house, and if he were a chief, he was placed beneath a little house or porch which they constructed for this purpose. Before interring him, they mourned him for four days, and afterward laid him on a boat which served as a coffin or bier, placing him beneath the porch .

Fr. Juan de Plasencia, OSF, Customs of the Tagalogs, Blair and Robertson (eds.), The Philippine Islands 7: 194.

Glosari Bier kabaong o ataul Deceased ang namatay Inter ilibing Mourn magluksa Porch balkon

Suriin ang sipi at sagutin ang sumusunod bilang takdang aralin.


A.
1.

2. 3.

4.

MAY AKDA Kailan isinulat ang dokumento? Sino ang sumulat? Paano niya kaya ito nalaman? Bakit kaya siya interesado sa paraan ng paglilibing?

B. NILALAMAN 1. Saan inililibing ang bangkay? 2. Kaagad bang inililibing ang isang namatay na tao? 3. Saan inilagay ang bangkay upang ilibing?

SANGGUNIAN
Learners Module, Quarter 1, Module 1-2, pp. 16 19 http://philippinemuseum.org http://philippinemuseum.ueuo.com/nm_mu suem/nmbranch/tabon/html http://docgelo.wordpress.com http://balangay.multiply.com

DOWNLOAD LINK

http://www.slideshare.net/jaredram55

MARAMING SALAMAT PO!

Inihanda ni: JARED RAM A. JUEZAN Teacher I, Araling Panlipunan 7 June 20, 2012

You might also like