Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 55

REHIYON IX

Ang rehiyon nasa katimugan ng Pilipinas ay ang


Rehiyon IX. Ito ay napapaligiran ng mga dagat. Ang
Dagat Sulu sa Hilaga, Dagat Celebes sa Timog at sa
Silangan ay ang mga lalawigan ng Misamis Occidental
at Lanao del Norte.

Ang Zamboanga del Norte, Zamboanga Del Sur,
Zamboanga Sibugay at Basilan, ang bumubuo ng
rehiyong ito. May apat itong lalawigan: Dapitan, Dipolog,
Pagadian, at Zamboanga. Ang sukat ng buong rehiyon
ay humigit kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat.



Ang rehiyon na ito ay mabundok. Sa
Zamboanga del Norte matatagpuan ang
pinakamataas na bundok Dabiah.

Bihirang dalawin ng ulan ang rehiyon na
ito lalo na ang bahaging Hilaga ng
Zamboanga. Nagsisimula ang tag-ulan sa
buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre.
Ang Zamboanga del Norte ay may
mahalumigmig na klima.


Matataas ang kinikita sa pagsasaka dahil sa
kalakhan ng rehiyon subalit mababa ang
establisyementi. Pangunahing hanapbuhay ng
mga tao rito ang pangingisda lalo na sa
Basilan. Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga
del Norte naman ay pagsasaka,
paghahayupan, at kaunting pangingisda.
Hanapbuhay rin dito ang panghuhuli ng mga
pawikan o pagong at ang pangongolekta ng
mga itlog nito.


Sa mga nakalipas sa panahon dahil sa
maraming suplay ng pangkagubatan produkto,
nakilala ang rehiyon bilang angkatan ng mga
kahoy. Sa kasalukuyan, ang mga troso na mula
pa noong unang panahon ay nanggagaling na
sa matandang kagubatan ay unti-unti nang
nawawala.
Ang lungsod ng Zamboanga ang sentro ng
kalakalan ng rehiyon.
Ang Baisilan ang itinuturing na may
pinakamaraming produksyon ng goma sa buong
mundo ng Pilipinas at ang Zamboanga del Sur
naman ay kinikilala sa pagtotroso.

Kung sining ang pag-uusapan , ang
Rehiyon IX ay may mga natatanging
sayaw tulad ng Sua-Sua, isang sayaw sa
pag-iisang dibdib; ang Singkil sa sayaw ng
isang Prinsesa na pinapayungan habang
madamdaming humahakbang sa apat na
kawayan. Halos katulad ito ng tinikling.

Ang Koparangkamanis naman ay
sayaw panghukuman.

ZAMBOANGA
Ang Zamboanga na tinaguriang
Zambangan, na lalong kilala sa tawag na
Lupain ng mga Bulaklak ay matatagpuan sa
katimugan bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Ang lupain may sukat na humigit kumulang sa
1,414.7 kilometrong parisukat at noong 1990
ay may populasyong 2,221,382 katao at
itinanghal na primera klaseng
lungsod.



Noong ika-6 ng Hulyo, 1952, ang lupain
ng mga Bulaklak ay nahati sa dalawang
probinsiya- Zamboanga del Norte at
Zamboanga del Sur. Ang Zamboanga del
Norte ay nas Hilagang-Kanluran ng
Zamboanga Peninsula.

Ang nakapaligid dito ay ang Dagat Sulu
sa Hilaga, Zamboanga del Sur sa Timog
at Misamis Occidental sa Silangan.
ZAMBOANGA DEL NORTE
Ang Zamboanga del Norte ay may
dalawang siyudad, dalawamput apat na
munisipalidad sa hinati sa limang daan at
walumput pitong barangay. Dipolog ang
kabisera ng probinsiya. Ito ay may kabuuang
sukat nag humigit kumulang sa 607,519
ektarya o 6,075.19 kilometrong parisukat.
(Almanc 430).
Nagsimula ang tag-ulan sa lugar sa ito sa
buwan ng Mayo hangang Disyembre. May
katamtamang temperatura na 27.7celcius at
ang walumput tatlong bahagdan nito ay
mahalumigmig.
.

Ang Zamboanga del Norte ay mayaman
sa mga yamang mineral na kadalasang
non-metalic. Ito ay ang mga durog na
bato, asbestos, buhangin, graba at iba pa.
Apatnapung porsiyento ng kabuaang
lupain ng Zamboanga ay pasyalan,
tatlumput walong porsyento at taniman ng
ibaibang pananim at ginagamit a
pastulan.


Ang industriya ng pagtitinda ang mga
pinakamalaking dami ng establisimyento sa
buong probinsiya. Sumunod dito ay ang
transportasyon, komunikasyon at pag-iimbak.

May magaganda tanawin ang Zamboanga
del Norte ang aplaya o tabing dagat tulad ng
Sinipang Bay. May mga mahihiwagang
kwebang matatagpuan sa Manuban,
Katipunan, Roxas at Labason.


Isa sa mga mahalaga at makasaysayang
lugar sa probinsiya ng Zamboanga del
Norte ay ang Dapitan Shrine kung saan si
Dr. Jose Rizal ay napatapon bago siya
pinatay.

Mayroon ding dalawamput anim na
hotel ang Zamboanga del Norte na
maaring panuluyan ng mga nais na
bumisita at magbakasyon dito.

ZAMBOANGA DEL SUR
Ang Zamboanga del Sur at galing sa salitang
Malay na ang ibig sabihin ay paso o lagayan ng
bulaklak. Naitatag ito sa bisa ng RA Blg.711 noong
Sept.17, 1952
Matatagpuan ito sa hilagang kanluran ng
Mindanao. Nakapaligid dito ang Zamboanga de
Norte sa Hilaga, Lanao del Norte sa Silangan, Dagat
Mindanao sa Timog at sa Sulu sa Kanluran. Ang
Hilagang parte ng probinsiyang ito ay matatarik na
may kaunting patag habang ang mga babayin nito ay
ay may bundok na nakapalibot sa buong isla.

Mayroon itong dalawang siyudad, apatnapung
munisipalidad na nahati sa 1,107 na mga
baranggay.
Ang tag-ulan sa probinsiya ito ay nagsisimula
sa buwan ng Hunyo hangang Nobyembre. Mula
Disyembre hanggang Mayo nakararanas ang
Zamboanga del Sur ng kaunting pag-ulan,
pagkulog, at pagkidlat.
Umaabot ang temparatura sa 27 celcius at
dalawamput dalawang porsyento nito ay
mahalumigmig. Karaniwang pakanluran ang
hangin sa bilis na pitong kilometro bawat oras.

Umaabot ang temparatura sa 27 celcius at
dalawamput dalawang porsyento nito ay
mahalumigmig. Karaniwang pakanluran ang
hangin sa bilis na pitong kilometro bawat oras.
Sa kabuuang laki ang lupain ng Zamboanga
del Sur, ang tatlumput limang porsyento nito ay
kagubatan na pinagkukunan ng troso at ang iba
o tatlumput dalawang prosyento naman ang
ginagawang palaisdaan. Tatlumput tatlong
prosyento ang pinatataniman ng ibat ibang
panamin at anim na porsyento ang pastulan.
Mayroon ding produksyon ng mineral
ang lugar na ito. Karamihan ay metallic
tulad ng aluminum, ginto, tanso, tingga,
nickel, chromite, pyrite, hematitie, at Zinc.
Ang mga non-metallic naman ay uling,
asin, lupa, buhanging, graba, asbestos,
marmol, silica, at iba pa.
Ang Zamboanga del Sur, bilang lupain
ng mga bulaklak ay may pinakamaraming
uri ng bulaklak.

May magagandang tanawin
dito tulad ng Panonanca Park, ang
tatlong daang taong Fort Pilar na kung
saa naroon ang grotto ng Lady of
Pilar; ang Sta. Cruz na isang islang
may islang may magagandang
baybay-dagat at makukulay na mga
korales at ang Barter Trade Market na
bilihan ng mga gamit na pang-Muslim.



Zamboanga Sibugay

Matatagpuan sa rehiyon ng Tangway ng
Zamboanga sa Mindanao ang Zamboanga
Sibugay.
Ipil ang kabisera nito. Nasa hilaga ng
Zamboanga Sibugay ang Zamboanga del
Norte, ang Zamboanga del Sur sa silangan, at
ang Lungsod ng Zamboanga sa timog-kanluran.
Ang Zamboanga Sibugay ay ganap na naging
lalawigan sa bisa ng Batas Republika Bilang
8973 noong 22 Pebrero 2001.
binubuo ng 16 munisipalidad ang Zamboanga
Sibugay.

BASILAN
Ang Basilan ay matatagpuan sa katimugang
bahagi ng Zamboanga del Sur. Dati itong bahagi ng
Zamboanga del Sur subalit nagng lumaon itoy
inihiwalaysa pamamagitan ng Presidential Decree
Blg.356 noong Disyembre 27, 1973.
Itoy napaliligiran ng karagatan Basilan Straight
sa Silangan, Golpo ng Moro sa kanlurang bahagi at
ang Dagat ng Sulu sa Hilaga. Gaya ng mga naunang
probinsiya, ito rin ay bulubundunkin.
Pinakamaliit ito sa mga kasamaang lalawigan
bumubuo ng Rehiyon IX. Binubuo lamang ito ng
tatlong munisipalidad : Isabela, na siyang kabisera,
Lamitan at Maluso.(Almanac 4302).


Batay sa pinakahuling ulat, ito ay may
populasyon 295,565. Pinaninirahan ito ng
mga taong tinatawag na Cebuano at
Chavacano na gumagamit ng mga wikang
Cebuano ant Chavacano.

Pagsasaka at pangingisda ang
pangungahing ikinabubuhay ng mga tao
rito.

Ang klima rito ay katamtaman at hindi
dalawin ng bagyo.

MGA ALAMAT
In waktu kamaasan pa, in manga tau ha dunya nginuinu
bang mainaguulan. Dum adlaw tiyali nila sa way
makabya. Sara hambuk adlaw , nakabuti in suysuy pa
Tauhan.

Laung sin tau,Jabrail, kari kaw kunu. Baytai in sanga
manusya na hangkan magulan sabab namamagyu in
mga biraddali.

Ni miyadu na in Jabarail ampa madtu biyaytaan in manga
tau in kahalan sin pagulan ha awan atawn langit sabab in
sanga biraddali sin tuhan namamagyuha surga. Pagubugs
sin pagbyataminuwi na in Jabarail pa surga.
ANGHEL SA KALANGITAN
Nooong unang panahon ang mga tao sa mundo
ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang
gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang
makapagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang
katanungan ay umabot sa Diyos.
Sabin ng Bathala. Gabriyel, magtungo k sa mundo at
sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga
angel ay naliligo.
Dahil dito pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga tao
at sinabi sa mga tao na umuulan dahil naliligo ag mga
angel. At pagkatapos noon ay bumalik na si Gabriel sa
langit.
IN DUWA BUD
In waktu sin kamaasan, awn duwa bagu ,matiyaun.
Mabayan sila timibaw pa maas nila ha Sambuangan.
Namaid na sila ha ina iba ama sin babai in tumulak sila ,
namus na sila sakayan sin ama sin babai. Piyadayaw sin
sakayan niya. Salta siyulayan niya kalampakan sin
sakayan, liyuwan niya subay sila tumulak sin adlaw
jumaat. Sin adlaw Jumaat subusub, timulak. Sin ha laud na
sila, awn na hangin ampa sila naglataran tudju pa laud sin
lupa sug, sampy sila nakaabut pa daig sin pulampiningan
ha pu sin Basilan. Pagabut hangka pitu dimatung na sila
pa Sambungan. Ampa sila nanaug, miyanaw na sila pa
bay sin ama niya. In nakasakat sa sial pa taas bay, siyum
nila in lima sin ina iban ama sin usug. Ampa nagbalik in
usug pa sakayan. Kiyawaniya in lutu nila, diya niya pa
bay. Landu makug ina iban ama sin usug ina ka asawa in
anak nila usg pa marayawa dagbus iban marayaw addat.


Pagga tahun na in makalabay, namaid daisad in
babai ha manga ugangan nila, apmasila
nasasaddiya in sila tumulak da ha adlaw Juamaat
timulak na sila tudju pa Lupa sug Landu malanu in
dagat Slai lana iban uway tuud kaalunalan.
Tinatagad sila hangin. Bukun malugay timumbuk na
in hangin utarasa sadja nagpatuud tudju pa liyu sin
puBasilan. Sin malaum dum na, napintad na ni
hangin. Timigidlum na in hula ampa naghunus.
Yaun sila ha gi tung tawid: di na sila makauntas
atawa makatapuk pa taykud sin pu basilan.Bukun
malugay dimatung na in hangin makusog
inpagbabasahun na hunas na. Di nila na
kaugpangan sa sadja nagpaanud sampay sila
kiyugan sin dakula alun panjang. Magtuy sila
iyanud. Namintaminta na sila, bang sila maabut na
malunod ampa sila patay.


Oh tuban ku, laung sin usug, duli tuud
aky\ti bang maabut na matay bang mayan
kami mahinang duwa bud.
Pagga sila simanga na pa tauhan iban nabi;
pagubus nila sadja namissaraampa sila
naggulgul. Sukun malugay dimatung sa
kanila in duwa alun dakula ampa nakalaruk
sila pa laud. Suay na sila kaguwa. Bukunan
malugay gimuwa nain duwa bud a laud ha
gi ting sin tawid, ampa di masagda sin
manga tau sa laud bang kita tudju pa
Sambuangan atawa pa Lupa sug. Tila
silaun kita. Amu ini in katakata sin duwa
Bud atawa siway Bullud.


ANG DALAWANG BUNBOK
Noong unang panahon, may isang
mag-asawang bagong kasal lamang.
Gustong-gusto nilang bisitahin ang mga
magulang sa Zamboanga. Isang araw,
nagpaalam sila sa mga magulang ng
babae na pupunta sila sa Zamboanga.
Nang sila ay payagan, hiniram nila ang
vinta at layag ng ama ng babae. Inayos
ng lalaki ang vinta at layag. Sinibukan
niya ang layag na ito at maayos naman..
Pagkatapos nila sa paghahanda ng vinta,
pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag
isang araw ng Biyernes. Umaga pa lamamg ng
araw ay nagsimula na silang maglayag.
Habang sila ay naglalayag naitulak ng malakas
ng hangin ang kanilang vinta patungo sa
karagatang ng Sulu hangang marating nila ang
Lampinigan sa Basilan. Pagkatapos ng isang
lingo ay narating din nila ang Zambaoanga,
nagtungo sila sa bahay ng magulang ng lalaki .
Masaya ang mga magulang ng lalaki at ang
kanilang anak ay nakapangasawa ng mabait at
magandang babae.
Isang araw, pagkalipas ng isang taon,
nagpaalam ana nag babae sa kanyang
biyenan. Araw din ng Biyernes ng sila ay
umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik
at walang makitang alon. Naghintay sila na
umihip ang hangin. At nagsimula nga umihip
ang hanging amihan. At nang hatinggabi na,
ang ihip ng hangin ay nagbago at ang
kapaligiran ay dumilim bigla, nagkaroon ng
bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila
nasa gitna ng karagatan. Hindi nila mapigil
ang kanilang vinta sa lakas ng hagin.

Habang hinahampas ang kanilang bangka ng
mga alon, sila ay nagdarasal na lamang sa Diyos.
O Diyos ko pagpalain mo po kami. At kung kami
po ay mamamatay, sana po ang katawan namin
ay maging dalawang kabundukan, sabi ng lalaki.
Pagkatapos nilang magdasal sa Diyos at sa
propeta nilang si Mohammed, nagyakapan silang
dalawa. Pagkalipas ng isang sandali tinamaan sila
ng malakas na alon at sila ay tumilapon sa dagat.
Hindi na sila nakita. Pagkatapos ng bagyo ay
lumitaw ang dalawang bundok sa gitna ng
karagatan. Ito ang pinagmulan ng dalawang
kabundukan na nakatayo sa karatagan sa pagitan
ng Zamboanga at Jolo.


ANG MGA BUGTONG NG REHIYON IX

Ang bugtong ayon kay Charles Francis Potter ay
isang mahalang metapora, at ito ay resulta ng
pangunahing prosesong metal ng pagsasama
sama, at ito ay pagkakahawig, at persepsiyong
pakakapareho at pagkakaiba. Ang bugtong ay
isang paligsahan ng kaalaman at isang paraan
upang madebelop ang talas ng pag-iisip at
obserbasyon. Para naman kay Allan Dendes at
Robert Georges, ang bugtong ay isang
tradisyonal na ekpresyon na naglalaman ng isa
o mahigit pang elementong naglalarawan, pares
na ang isa ay tutol na nangangailangan ng
kasagutan na maaaring hulaan.

Ang bugtong ay isa sa pinakaunang porma ng pag-
iisip. Ang mga primitibong tao ang nagsimula ng
bugtong. Subalit noon ito ay kinikilalang isang
sagrado at pinaniniwalaang nagtataglay ng
kapangyarihan.

Ang bugtong ay isang berbal na laro o isang
paligsahan sa talas ng kaisipan na naging popular
na libangan. Ang pagbubugtungan sa Jolo ay
ginagawa kung may kasalan, sa gabing Ramadan,
sa pagdaraos ng mga kaarawan at araw ng
kamatayan o kahit kaylan basta may pagsasalu-
salo ang mga grupo ng mga tao o kabataan.
Ginagawa rin ito upang turuan ng mga matatanda
ang mga kabataan na magkaroon ng talas ng isip.


Ang tawag ng mga Tausug sa bugtong ay
tigumtigum o tukodtukod( mula sa salitang
tukod na ang ibig sabihin ay hulaan). May
dalawang uri ng bugtong ng Tausug: ang isa
ay ang tinatanong sa isang kaswal na pag-
uusap at ang ikalawa ay inaawit sa isang
okasyon. Subalit sa parehong kaso, ang taong
pinagtatanungan o taong kinakausap ay
kinakailangang magbigay ng kasagutan.
Subalit ang mang-aawit na siyang umaawit
nang bugtong ang siyang magbibigay ng
kasagutan pagkatapos manghula ng mga
manonood.


Ang bugtungan ay kadalasang ginagawa ng dalawa
o higit pang tao. Ang mga kalahok ay nagtatanong
ng bugtong isa isa sa isang grupo na siya nilang
kalaban. O kaya naman, ang bugtong ay
pinasasagutan sa mga bata at ang lahat ay
maghahamon na sagutin ang bugtong. Kung kanino
mang bugtong ang hindi masagot na siyang
tatanghaling panalo. Sa proseso ng panghuhula,
ang kalaban ay binibigyang ng maraming
pagkakaton na mahulaan ito. At kung ang lahat ng
kanyang kasagutan ay mali, ang nagpapahula ay
magtatanong kung siya ay suko na, ibibigay na ng
nagpapahula ang kasagutan sa bugtong. Ang
nagpapahula ay kadalasang nagtatanung ng:
magapu na ang buwaya? o sirit na? at ang
kalaban ay sasagot ng: uno kunu? o Ano iyon?.
At ibibigay na nagbubugtong ang kasagutan.


Narito ang halimbawa ng mga bugtong na kung tawagin ng mga
taga-Rehiyon IX ay tigumtigum o tukodtokod
Kahuykahuy baubid Isang pirasong kahoy na maliit
Kahuy batang baibid Na halaman na mayroong
maliit na sanga
Dimagtubu ha biid Hindi tumutubo sa burol
Subya ha gitung tawid Subalit sa gitna ng dagat
Karbahal Itim na koral

Tubig ha liyung-liyung Tubig sa loob ng butas, walang
dahon ang Dikapakpakan dahon Pwedeng mahulog dito
Butung Niyog

Batu giyanteng ku Nagsabit ako g bato
Tubig in nakawa ku subalit nakakuha ako ng tubig
Butung Niyog

In diyaak yattu pa Ang taong pinapunta ay nandun
In kawaun yari na Pero nag bagay ay dumating na]
Butung Niyog


Tiyanum buya ipun Ito ay tinanim para ngipin,
pero ito ay Nagbunga ng malaking
Nagbunga biya buktun Niyog
Butung


Ista ista ha lupa Ito ay isang maliit na isda sa
Walna gaddung iban pula mundo. Ito ay berde at pula.
Sisik niya kakitaan Ang kaliskis nito ay makikita
Langka sa loob ng katawan nito
Langka

Jambangan hi sinyura Ang halamanan ng ng
Diringding senyora, Ang dingding nito
palda ay palda.






Nagdahun nagkampilan Ang dahon nito ay
Nagbunga iyukkian katulad ng kampilan
Lara Namumunga ng kurbang
prutas
Paminta

Awn tau Mayroon tao na
Taga mata, way u maraming mata
Kungkung in siku Pero walang tao
Katilibut si baran Nababaliko ang siko
Taga mata ang katawan nito ay puno
ng mata

Nagbunga manikmanik Namunga ito ng maliit na buto
Sid adlaw alban tuwing miyerkules
Pisang Pinya

Tubig ha lahi lahi Tubig sa maliit na kawayang
pwedeng isalin Pero ang tubig ay hindi
tuwangun di matuwang pwedeng isalin lalagyan
gamay Halamang Dagat

Kahuy dangawdangaw Maliit na punong isang dipa
Kukuhan iban bukuhan Na mayroong maraming buhol
Sumulig lahi hangpu Tutubo hangang sampung dipa
dangaw, iban at sa sanga nito ay puno ng
jambuhan in tuku guhit guhit
Tubo Tubo

Sumpingha taasa kahuy Bulaklak sa tuktok ng puno
Nahulog magtuy mabilis na mahulog
Duyan Durian


Isakalang iklugon Matigas na tinapay na
J in pamugaran maraming itlog
J ang pugad nito

Ha lawn pa sin ina Habang sa sinapunpunan ng
Asal na piyupusa ina, ito ay napisa na


Ha lawn pa sin iklug Habang ang itlog ay nasa loob
Asal na taga iklug Mayroon na itong buntot
Bawang Bawang

KWENTO BAYAN mula sa Zamboanga
MANIK BUANGSI

Noon ay may isang sultan na may pitong anak na
dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang
kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan
Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya.
Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa
kanyang panaginip ay nakita na niya ang lalaki na
kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si
Manik Buangsi ay hindi isang pangkaranwang tao. Siya
ang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng
mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan
Putli.
Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik
Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat
kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na
bumaba isi Manik Buangsi sa lupa.

Si manik Buangsi ay nag-anyong isang ginuntuang
bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babae na
pulubi. Nag bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay
ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya. Itanim mo ito
sa hardin, ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli. Ang bungang
nito ay siyang iyong kapalaran!.
Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at
nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at
pinakamgandang bunga at iyo ay dinala niya sa loob ng
kanyang silid.
Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa
gabi, nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang
liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin
ang mukha isang magandang dayang-dayang. Saka lamang
siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang
manok. Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si Manik
Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw.
Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. Kung gayon, isa
kang katotohanan! bulalas ni Tuan Putli.


Ngumiti si Manik Buangsi. oo Wika niya. At narito ako upang
pakasalan ka!.
Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa
piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa
kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan
Putli at Manik Buangsi.
Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa
kabilang dako, naninibugho ang mga kapatid ni Tuan Putli sa
kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng
tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.
Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo, sabi ng isa kay Tuan
Putli.
Maaring isa lamang siyang masamang espirito!
Maganda siyang lalaki, wika pa ng isa pa. sigurado mo bang
ikaw lang ang babaeng minamahal niya?
Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa
buhay niya, sabi sa kanya ng isa pa, Paluluhain ka niya
balang araw!


Dahil sa patuloy sa paninira ng kanyang mga kapatid
ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging
selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang
inaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang
panahong napuno na si Manik Buangsi. Ipinasiya niyang
bumalik na sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang
taglay niya ay biglang isang lumabas ang isang mabikas
na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si Tuan Putli at
nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag
naman si Manik Buangsi.
Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng
makapal sa alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa
paligid ay nagmistulang kris, ngunit buong tapang na
sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa
dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa
ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay
maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.


Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang
ng asawa. hindi ako magdidilat ng mata,
pangako niya. pipikit ako!.
Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay,
sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsay,
biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang
tinatawag nito. Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan
Putli! daing ng tinig. Ang tinig na iyon at tulad
ng kanyang yumaong ina!
Bigla nitong iminulat ang mga mata at tumingin
sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw
ito at nahulog sa kailaliman.
Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na
nakarating sa kaharian, ngunit malungkot ito sa
pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.


AWITING BAYAN
INAKU DURINGDING
(Awiting Bayan mula sa Zamboanga)
Inaku duringding
Umaga na yata
Nagtitilaukan na
Ang manok sa lupa.
Kayat ang sabi ko
Sa matandat bata
Matulog n ngayon
Bukas ay gawa.
DORI-DORI SINGKIL

Dori-Dori Singkil
Mang Manuel Dagil
Mang Iskong Kolikoy
At mang Juan Bambo.

MGA MANUNULAT NG
REHIYON IX
Tulad ng ibangmga rehiyon, mayroon ding mga kilalang manunulat
ang Rehiyon IX. Ilan sa kanilang ang mga sumusunod.

Descallar, Antonio

Isinilang si Antonio Descallar sa Sindangan
Zambaoanga noong Hunyo 15, 1952. Nag-aral sa isang
pampublikong paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral
sa Misamis Occidental Institute at sa College of Law sa
AU. Nagwagi siya ng unang gamtimpala sa timpalak ng
pagsulat ng tula na ginaganap noong 1949.
Kauna-unahang niyang tula na napalimbag sa isang
pambansang magasin ay ang Now Before the
Conqueror.

Enrique, Antonio


Siya ay sumulat ng mga maikling kuwento
tungkol sa mga Kristiyano at mga Muslim
sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha
niya sa buhay, tungkol sa probinsiya, bayan
at mga baryong kanyang tinitirhan at
binibisita at tungkol sa mga obserbasyon at
mga karanasan. Ang kanyang matingkad
na pananaw sa mga tao at lugar sa
simpleng salita, ang kanyang istilo na
madaling maintindhan ng mga katangian
kinagigiliwan ng kanyang mambabasa.


Lumabas sa mga pambansang limbagan
ang kanyang tatlumpung maikling kuwento at
ang isang akda na isinalin niya sa ibang wika
ay lumabas sa Korean Magazine Playmate.

Tumangap siya ng dalawang gamtimpala sa
Palanca sa kanyang maikling kuwento sa
Ingles, ikatlo noong 1969, una noong 1973.
Pinalimbag ng Writers Association of
Dumaguete City ang kanyang unang aklat
ang Spot On Their Wings.



Enrique, Ignacio Alvarez


Ipinanagnak sa Zamboanga City kung saan
din niya tinapos ang kanyang pre-college
education. Pumunta sa AU, kung saan niya
natapos ang AB degree(1951)at5 matapos
iyon ay nag-aral siya sa University of IOWA.
Bilang iskolar narating niya ang University of
Madrid. Pinagkalooban siya ng salapi ng
pamilya Zobel de Ayala. Mula noong
sinimulan niyang sulatin ang kanyang
nobelang The House Juan na hindi
naipalimbag.

Noong 1956, sinimulan niyang sulatin ang kanyang
kauna-unahang nobela, The Devil Flower. Sa Yaddo
Foundation, Saragota, Srings, New York ay
ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa nobela sa isang
Writers Workshop sa State University of IOWA. At
natapos niya iyon sa isang six- month fellowship sa
Huntington Hartfort Foundation. Dalawa sa kanyang
maiikling kuwento ay nagwagwag sa Philippine Free
Press Short Story Contest. Death of a House,
ikalawang gantimpala, 1951 at The Doll, ikatlong
gantimpala. Noong Pebrero 20,1971 ay ipinalabas sa
UE sa Auditurium ang dulang As Between Two Mirrors
na kanyang isinulat at hinango sa kanyang nobela. Ang
ibang pang aklat niya na naipalimbag ay ang Three
Philippine Epic, Plays at House of Images (1953), at
ang The White House of Alia at Other Stories (1985).
Acas, Olivia

Baguhan pa lamangsiya sa larangan
ng pagsusulat ng tula ngunit ang kanyang
mga naisulat ay naipalimbag na sa
palimbagan.

Jubair, Ibrahim A.

Siya ang kauna-unahang fictionist sa
Zamboanga na ginamtimplaan ng
Presidential Certificate of Merit in
Literature for Teaching the Filipino- Muslim
sa kanyang panahon. Bukod sa pagiging
manunulat ng tula at mamahayag, si Jbair
ay isag kolumnista sa isang pahayag sa
Zamboanga City at editor ng Cresent
Review. Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag
hindi lang ng Free Press Pacific Quarterly
(South Korea) at ng The Times of Ceylon.

Villa, Gonzalo


Isang manunulat ng maikling kuwento at
mananalaysay, ipinanganak sa Zamboanga
City ng isang pamilyang may kaya sa buhay.
Naging interesado sa pagsulat ng mga tula at
maikling kuwento nang siyay nasa high
school pa lang. Naging news editor siya ng
Atenean, isang pampaaralang pahayagan na
siyang pinaglathaan ng ilang mga akda niya.
Una niyang kuwento ang When Death
Struck.

Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa
pagsulat ng sanaysay noong 1946, itoy
pinamagatan niyang The Role of America in the
Rehabilitation of the Philippines.

Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng
gantimpala ay ang Footnote of America at
pinalitan niya ng Death of Illusion, Barrio
Miracle, A voice in Rama.

Itinigil niya ang pagsusulat upang tapusin ang
kursong abogasiya subalit muling susulat kung
hinihingi muli ng pagkakataon

You might also like