Florante at Laura Intro

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

AWIT

Ang awit ay isang uri ng tulang


pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na
taludtod ang bawat saknong, na ang bawat
taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at
ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.
Karaniwang paksa ng awit ang
pakikipagsapalaran ng bayani, ngunit ang
iba'y tumatalakay din sa mga alamat at
relihiyosong tula.
1. Mabilis ang bigkas
2. may walong
pantig at binibigkas
sa kumpas ng
martsa allegro
3. ikinawiwili ng
mga mambabasa ay
ang kuwento o
kasaysayang
napapaloob dito
1. may kabagalan
2. may
labindalawang
pantig at inaawit
na mabagal
3. Ang ikinaganda
ng awit ay sa
mga aral na
ipinahihiwatig
KORIDO vs. AWIT
Kaligirang Pangkasaysayan
Ang Florante at Laura ni Francisco Baltazar (na
kilala rin bilang Balagtas) ay isang obra-maestra
sa panitikang Filipino. Daglat lamang ang
katawagangFlorante at Laura sapagkat binigyan
ito ng aktuwal at buong pamagat na:
Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa
Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang cuadro
historico o pinturang nagsasabi sa mga nangyari
nang unang panahon sa imperyo ng Gresya, at
tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog
Kaligirang Pangkasaysayan
Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian),
nalimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura
noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco
Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag
naman ang Kung Sino ang Kumatha ng Florante
ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo
Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni
Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-
anak ng huli.
Kaligirang Pangkasaysayan
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at
Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit
natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat
kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19
dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda
ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel
(papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na
yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at
mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa.
Kaligirang Pangkasaysayan
Natatanging ang Aklatang Newberry ng
Chicago, Estados Unidos lamang ang
nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong
1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na
Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga
kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H.
Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad
ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong
1875.
Kaligirang Pangkasaysayan
Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870
sa ganitong paraan ng pagbabaybay:
PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT
LAURA, SA CAHARIANG ALBANIA.QUINUHA SA
MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG
NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG
UNANG PANAHON SA IMPERIO NANG GRECIA.at
tinula nang isang matouain sa versong tagalog.
Kaligirang Pangkasaysayan
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang
madilim na gubat ng Quezonaria, at ang
nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang
nakikinig naman ang muslim na si Aladdin. Batay
ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong
si Florante mula sa sariling karanasan at kasawian
ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli
dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni
Selya)
Kaligirang Pangkasaysayan
at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion
Rivera o MAR - ay napakasal kay Mariano Kapule
o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig.
Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa
piitan.
Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang
mabuting anak ni Duke Briseo
Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng
Albanya; iniibig ni Florante
Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng
Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay
Florante
Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng
kanyang amang si Sultan Ali-Adab
Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura
Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin
Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng
Krotona
Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring
Linceo
Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na
mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante
Konde Sileno - ama ni Adolfo

Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa
kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa
isang buwitre
Menandro - matalik na kaibigan ni Florante,
pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula
kay Adolfo.
Antenor - guro ni Florante sa Atenas
Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa
pagpaslang kay Laura
Heneral Osmalik - heneral ng Persya na
lumaban sa Crotona
Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya
Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persya,
nagbantay kay Flerida.
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang
madilim na kagubatan. Nakatali si Florante,
isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang
puno ng Higera, habang namimighati sa
pagkawala ng kaniyang amang si Duke
Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip
na mapasakamay ng kaaway niyang si Konde
Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura.
Anak si Konde Adolfo ni Konde Sileno.
Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa
kagubatan, ang mga pagtangis
ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na
naantig ng mga pananalita ni Florante. Dalawang
mga gutom na leon ang biglang umatake
kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata.
Nawalan ng malay tao si Florante. Nagpasya
si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa
manumbalik ang lakas nito.
Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya
noong una nang mapagmasdan ang morong
si Aladin. Hindi siya makapaniwalang ang isang
kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging
tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang
ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang
pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya
nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang
buhay.
Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang
mga magulang - na sina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa
ilalim ng kilalang guro na si Antenor. Sa Atenas
niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan
ni Florante. Si Adolfo ang pinakamatalinong mag-
aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit
makaraan lamang ang anim na taon, nalampasan
na ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at
katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at
pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa
ni Adolfo.
Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan,
pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante. Sa
kabutihang palad, madaliang nakapamagitan
si Menandro, ang kaibigan ni Florante. Dahil sa
pagkaunsiyami ng balak, umuwi
si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang taon,
nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa
ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang
kaniyang inang si Prinsesa Floresca.
Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang
buwan bago nakabalik si Florante sa Albanya.
Sumama si Menandro kay Florante. Sa pagsapit nila
sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian
ng Crotona ang humiling ng pagtulong mula
kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban
sa mga Persyano. Wala kakayahang tumanggi
si Florante sapagkat lolo niya ang hari ng Crotona.
Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan
si Florante sa palasyo ng hari, kung saan nabighani
siya sa pagkakakita kay Laura, ang anak na babae
ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.


Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Crotona,
nakipagdigma si Florante laban sa heneral
ng Persya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali ng
may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa
pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa
Crotona si Florante ng limang buwan bago
nagbalik sa Albanya para makita si Laura. Nang
magbalik na nga sa Albanya, nagulat
si Florante nang mapagmasdan ang watawat ng
Persya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit
muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang
Persyano.
Nailigtas ni Florante sina Duke
Briseo, Adolfo,Haring Linceo at Laura mula sa
mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay
ni Emir si Laura. Itinalagang Tagapagtanggol
ng Albanya si Florante dahil sa kaniyang
naipakitang kagitingan at katapangan, isang
bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit
ni Adolfo.
Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang
ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa
puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan
ni Heneral Miramolin, isang kilalang
mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap
ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap
si Florante ng isang liham mula sa kaniyang
ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung
kayat naiwan sa pangangalaga niMenandro,
ang kaibigan ni Florante, ang hukbong
pinamumunuan.
Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis
si Florante ng 30,000 mga kawal na
sumusunod sa pag-uutos ni Adolfo.
Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa
piitan na lamang nalaman ni Florante ang
kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na
kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo.
Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa
isang puno ng Higera.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang
kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin
niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at
maging ang kagustuhan ng huling angkinin
ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito, ibig
siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang
panahon ng paglalakbay sa kagubatan,
binanggit ni Aladin na isa palang Persyano
ang katotohanan na katulad rin ng
kayFlorante ang kaniyang kapalaran.
Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama,
si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang
kaniyang mga alagad na naging sanhi ng
pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Inibig
ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin.
Ngunit dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida,
hiniling ng huli sa hari na huwag nang
pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay
palayasin na lamang mula sa kaharian.
Bilang kapalit, pumayag si Flerida na
magpakasal sa sultan.
Nagambala ang paglalahad
ni Aladin nang makarinig sila ng mga
tinig. Isang babae ang nagkukuwento
hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa
isang kaharian at sa kaniya sanang
pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang
kaniyang minamahal na kasintahan,
isang paghahanap na tumagal ng may
anim na taon.
Sinabi pa nito na habang nasa loob ng
kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak
ng paghingi ng tulong. Nang matagpuan
niya ang isang babae na inaalipusta ng
isang lalaking ibig gumahasa dito,
ginamit ng naglalahad na babae ang
kaniyang pana para paslangin ang
nagtangkang lalaki. Nagpakilala ang
babae bilang si Flerida.
Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida.
Nag-umpisa siyang maglahad ng
kaniyang kuwento. Nang malayo sa
piling niya ang kaniyang kasintahan,
naging kaayaaya at bantog si Konde
Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya,
kahit na pulos kasinungalingan naman
ang ginagawa nito. Nagtagumpay
si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata
ng mamamayan.
Naangkin at naupo sa trono ng Albanya
si Adolfo, kung kayat napilitang maging
reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa
ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang
kaibigan mula sa pagkabata ni Florante,
ang naging dahilan ng pagkalupig
ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay
si Laura bihag, patungo sa kagubatan.
Matapos ang paglalahad ni Laura,
nagsibalik sina Florante at Aladin sa
piling ng kanilang mga mahal sa buhay.
Nagbalik si Florante at Laura sa Albanya,
kung saan naging hari at reyna sila.
Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa
Persya, kung saan naging sultan
si Aladin sapagkat namatay na ang
kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa
at matiwasay ang dalawang kaharian.

You might also like