Lohikal at Mapanghikayat

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Lohikal at Mapanghikayat

na
Pagsulat

Lohikal at Ilohikal
Lohikal- ito ay nangangahulugang naaayon sa mga
risonableng inaasahan kaugnay ng mga ispesifik na
sitwasyon o kaganapan.
Halimbawa:
Terminong Lohikal na Kandidato
lohikal na hakbang o prosijur
lohikal na pagpipilian
Lohikal na Palaisip- isang taong taong ang pag-iisip ay
maayos at konsistent.
Ilohikal- ang isang aksyong hindi naaayon sa isang
sitwasyon o kaganapan.

Lohika at Pagsulat
Lohika- tumutukoy sa agham at sining ng tamang pagiisip.
Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang
pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat sa
mga mambabasa.
Sa larangang ito, madalas na may katwirang kailangang
pangatwiranan. Kung ang pangangatwiran ay hindi
lohikal, walang mambabasa ang maniniwala sa iyo.
Kaya sa akademikong pagsulat ay kailangan laging
maging lohikal upang maging kapwa mapanghikayat at
kapani-paniwala.

Mungkahi upang matiyak na magiging lohikal


ang iyong pagsulat:
a. Alamin ang paksa ng sulatin at magsaliksik
tungkol dito kung kinakailangan.
b. Alamin ang mga proposisyong kaugnay ng
paksa upang mapili ang mga argumentong
magagamit.
c. Alamin ang paraan ng pangangatwirang
angkop gamitin sa iyong mga argumento.
d. Mangalap ng mga datos na magpapatibay sa
iyong argumento.
e. Iwasan ang mga maling pangangatwiran.

Lohikal na Pangangatwiran
2 kategorya ng Pangangatwiran:

a. Pangatwirang Pabuod- ay nagsisimula sa maliit na


halimbawa o kayay sa mga partikular na bagay at
katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na
tuntunin, kaisipan o konsepto. Maaari itong magawa sa
pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi sa pangyayari,
pagtutulad at paggamit ng mga katibayan.

Halimbawa ng Pangangatwirang Buod:


Nakakakilabot ang mga ideya at teoryang ipinakita sa Da Vinci
Code. Halimbawa, inilarawan doon si Hesus bilang isang tao at hindi
Diyos na nagkarelasyon kay Maria Magdalena. Inilarawan din sa
nobela ang mga Opus Dei, isang ginagalang na kongregasyon sa
Katoliko, bilang isang mersenaryo at gahaman sa salapi. Ayon nga kay
Vice Mayor Danny Lacuna, ang pelikula raw at ang pinagbatayan
nitong nobela ay offensive to the established beliefs of the Roman
Catholic Church. Mapanganib din ang mga ideyang nakapaloob sa
mga mamamayan. Maaaring akalain ng marami na faktwal ang mga ito
bagamat si Dan Brown, ang may-akda ng nobela, mismo ay umaming
ang kanyang akda ay kumbinasyon ng facts and fiction. Ang
problema, where do we draw the line? Sa aklat man o pelikula, hindi
nililinaw kung alin ang faktwal at kung alin ang fiksyon. Sino ang
aasahan nating gagawa ng distinksyon? Ang mga karaniwang
mamamayan? Kaya nga, sa ngalan ng katotohanan at pagbibigayproteksiyon sa interes ng publiko, dapat lang na ipagbawal ang
distrbusyon ng aklat ng Da Vinci Code at ang pagpapalabas ng
pelikulang versyon nito.

b. Pasaklaw na pangangatwiran- ito ay nagsisimula sa


panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan
ng mga partikular na bagay na sumusuporta o
nagpapatotoo sa inilahad sa una.
Ang ganitong pangangatwiran ay gumagamit ng
Silohismo tulad ng mga sumusunod:
a.

Tiyakang Silohismo
Pangunahing Premis: Lahat ng Katoliko ay Kristiyano.
Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko.
Konklusyon:
Si Juan ay Kristiyano.

b. Kondisyunal na Silohismo
Pangunahing Premis: Kung si Juan ay isang mabuting
Kristiyano, siya ay pupunta sa
langit.
Pangalawang Premis: Si Juan ay isang mabuting
Kristiyano.
Konklusyon:
Si Juan ay pupunta sa langit.
c. Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano,
hindi ka makakarating sa langit.
Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang
Kristiyano. Makararating si
Pedro sa langit.
Konkusyon:
Makararating si Pedro sa langit.

d. May Pamiliang Silohismo


Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, si Joe ay
Kristiyano o Muslim.
Pangalawang Premis: Si Jose ay hindi Muslim
Konklusyon:
Si Jose ay Kristiyano.

XXXX MALING KONKLUSYON XXXX


Pangunahing Premis:
Pangalawang Premis:
Konklusyon:

Lahat ng lumalangoy ay isda.


Si Nena ay lumalangoy.
Si Nena ay isda.

Falasi ng Pangangatwiran
Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang
mga falasi ng pangangatwiran dahil nagpapahina ang
mga ito ng isang argumento. Narito ang mga
karaniwang falasi na madalas katisuran ng marami:

a.

Argumentum ad hominem pag-atake sa personal


na katauhan at hindi sa paksa o argumento.
Halimbawa:
Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Juan
sapagkat siyay isang binabae.

b. Argumentum ad baculum paggamit ng pwersa o


awtoridad.
Halimbawa:
Gawin na ninyo ang aking sinasabi. Ako yata ang
Pangulo at ako ang dapat masunod.

c. Argumentum ad misericordiam pagpapaawa o


paggamit ng awa sa pangangatwiran.
Halimbawa:
Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na magaaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila
ay lalagpak.

d. Argumentum ad ignorantiam nagpapalagay na hindi


totoo ang anumang hindi napapatunayan o kayay totoo
ang anumang hindi napasisinungalingan.
Halimbawa:
Ito ay isang ebidensiya at kailangan itong tanggapin
dahil wala namang tumututol dito.
e. Non Sequitur paggamit ng mga argumentong hindi
magkakaugnay o ng argumentong does not follow the
premise.
Halimbawa:
Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho
kaysa mga lalaki; kung gayon, sila ay may higit na
karapatang magreklamo sa trabaho.

f. Ignoratio elenchi pagpapatotoo sa isang konklusyong


hindi naman syang dapat patotohanan.
Halimbawa:
Hindi siya ang nanggahasa sa dalaga, sa katunayay
isa syang mabuting anak at mapatutunayan iyan ng
kanyang mga magulang,kapatid, kamag-anak at
kaibigan.
g. Maling Paglalahat pagbatay ng isang konklusyon sa
isa o ilang limitadong premis.

Halimbawa:
Mahirap mabuhay sa Maynila kung kayat
masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas.

h. Maling Analohiya paggamit ng hambingang sumasala


sa matinong konklusyon.
Halimbawa:
Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan,
kasiy mabenta naman ang kape kahit tag-init.

i.

Maling Saligan paggamit ng maling batayan na


humahantong sa maling konklusyon.

Halimbawa:
Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon,
si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya
ay nasa California.

j. Maling Awtoridad paggamit ng tao o sangguniang


walang kinalaman sa isang paksa.
Halimbawa:
Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating kailangan
ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.

k. Dilemma pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na


para bang wala nang iba pang alternativ.
Halimbawa:
Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o
kaya ay mamatay.

l. Mapanlinlang na tanong paggamit ng tanong na ano


man ang maging sagot ay maglalagay sa isang tao sa
kahiya-hiyang sitwasyon.
Halimbawa:
Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?

Mga Tanong:
1. Ipaliwanag kung ano ang Lohikal at magbigay
ng ilang mungkahi upang maging lohikal ang
pagsulat.
2. Ano ang dalawang katergorya ng ng lohikal na
pangangatwiran?
3. Magbanggit ng kahit isang Silohismo at
magbigay ng halimbawa nito.

You might also like