PAHAYAG, KAISIPAN, PANGYAYARI SA EL FILIBUSTERISMO
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa
isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw
saLos Baos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa
mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga
kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan.
Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana
nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.
Dayalogo
Simoun: Bakit ako pinabayaan ng Diyos?
Padre: Ikaw ang nagpabaya sa sarili mo. Sa mga nagawa mo,
walang Diyos sa puso mo.
S: Maaaring umamin ako sayo, pero hindi sa kanila. mamamatay
akong sikreto ang identidad ko.Asan na ang pag-ibig??
P: Kung nararapat lang ang mga ginagawa, at hindi tulad ng mga
ginawa mo, nanduon ang tunay na pag-ibig.
S: Bakit ganito lang ba magtatapos ang lahat?
P: Dahil ang mga ginawa mo ang siyang makakapagbigo sayo sa
huli.
S: Bakit umiiral ang kasamaan sa halip ng kabutihan?
P: Dahil ginusto mo.
S: Bakit pagatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, alipin parin
ako?
P: Mabuti ng putulin na iyan kung ang alipin ngayon ang siyang
mang-aalipin sa bukas.
S: Alam kong sa kabila ng lahat kukupkupin parin ako ng
Panginoon.
P: Nawa'y patawarin ka, dahil nawalay ka lang sa iyong landas.
"Sana ang mga alahas na ito ay pumunta na
sa ilalim ng dagat, di na kailanman mapakinabangan pa ng masasamang tao sa mundo. Kung maaari itong magamit para sa ikabubuti ng tao at ng lahat, ipagkaloob na ng Diyos ang mga ito sa nararapat. Pero kung puro kasamaan lang ang maidudulot nito ay lamunin na ang mga ito ng dagat"