Tungkol Sa Katamaran NG Mga Pilipino Ni Jose Rizal

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Tungkol sa

Katamaran ng
mga Pilipino

Ang sanaysay na itoy isinulat ni Rizal sa


ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat
niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala
sa mga Pilipino na silay mga tamad.
Ang upasalang itoy hindi niya tinutulan sa
kaniyang sanaysay sa halip ay inamin niya ang
pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga
kababayan.
Sinabi niyang may ibang Pilipinong tamad
ngunit hindi maaaring ilarawan ang isang
kabuuan sa isang pangkatangian.

Mga DAHILANG Tinukoy ni Rizal:


Walang magtangkang humanap ng kasagutan sa mga
kaguluhan, kung mayroon man ay masama ang nangyayari
(pinag-uuusig o pinaparusahan).
Ang bansa natin ay may mainit na Klima. Hindi mabuti ang
mahigpit na paggawa sa mga bayang mainit kumpara sa mga
bayang malalamig.
ANG 1 oras na paggawa sa ilalim ng araw AY
KATUMBAS NG 1 araw na paggawa sa katamtamang araw
Ang sikap at pagkukusa natin ay nawala nang dahil sa mga
Kastila. Bago sila dumating ay maginhawa ang ating buhay.
Nakikipagkalakalan tayo sa Tsina at ibang bansa, nagsasaka,

Ang pangangailangan natin noon ay hindi marami at hindi


tayo mapagpabaya di gaya ngayon.
Napabayaan ang lahat ng industriya at pati ang pagsasaka
dahil hindi nila maipagtanggol ang sarili laban sa kaguluhan
at pandarambong buhat sa Mindanao at Sulu. Hindi
pinahintulutan ng mga Kastila ang mga Pilipino na mag-ingat
ng baril at iba pang sandata.
Nakalimutan na ang pagsasaka, paghahabi at
pagmamanukan ng dahil sa sapilitang paggawa. Dahil sa
maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila ay
walang tigil ang paggawa ng barko.

Ang pamahalaan ay walang dulot na pampasigla upang


ang mga tao ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng
Kastila ang pakikipagkalakalan kayat humina ang
pagluwas ng mga produktong Pilipino. Ang industriya ay
di umunlad.
Ang Pilipinoy hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid
kung walang pahintulot sa pamahalaan.
Hindi makatanggap ng nararapat ng halaga ang mga
Pilipino sa kanilang produkto at kung minsan ay walang
bayad o kayay dinaraya sa pamamagitan ng mga maling
timbangan at takalan.

Lahat ng negosyoy sinasarili ng gobernador, sa halip na


pukawin ang mga Pilipino sa pagpapabaya ay makasarili sila
kayat sinusugpo nila ang mga kaagaw sa makikinabang sa
pangangalakal.
Kailanagn pa ng pagreregalo, pakikisama, panunuyo at ang
ganap na pagkawalang-bahala sa kalagayan ng Pilipino ang
nagpatay ng sigla sa paggawang kapaki-pakinabang.
Pagiwas sa pagpaparumi ng kamay at Pagkuha ng maraming
utusan sa bahay ang nagpunla sa kalooban natin ang binhi ng
katamaran at pagkatakot sa mabibigat na gawain.
Sabi ng kura noon Hindi makakapasok sa kaharian ng
Langit ang mga taong mayaman.

Ang sugal ay binigyang luwag at isa na rin sa nagpalala ng


katamaran.
Hindi tayo binigyan ng tulong na salapi o pautang upang
mamuhunan. Ang natitirang salapi matapos bawasin ang
buwis ay pinambabayad sa kandila, nobena at iba pa.
Kung ang pananim ay napinsala ng balang o bagyo, ang
pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa
mga magsasaka kayat ang mga ito ay inaabot ng
katamaran.

Ang katamaran ay pinalubha ng di mabuting sistema ng


Edukasyon
1.

Ang buhay ay inukol sa pagbibigay ng salapi sa simbahan


dahil sa inaasahang himala at iba pang kataka-takang bagay.
2. Ang mga bata ay walang natutunan kundi ang pagkilos na
parang makina na hindi alam ang dahilan ng ginagawa.
3. Ang maling pagmulat sa isip at kalooban ay nagbunga ng di
maganda at katamaran sa mga Pilipino.

Ang sistema ng edukasyon na puro pagmamalupit ay


nagbunga ng mababang pagkilala sa sarili at pagkawalang
bahala sa paggawa.
Isa pang nagpalala sa katamaran ay ang kawalan ng
damdamin bilang isang bansa palibhasay walang karapatang
magtatag ng mga samahan na magbibigay ng pagkakataong
magkaunawaan at magkaisang damdamin.

Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang


kalayaan ay siyang araw ng sangkatauhan.
Kung walang edukasyon at walang kalayaan,
walang pagbabagong maisasagawa, walang
hakbang na makapagdudulot ng bungang
nais

- Jose P. Rizal

You might also like