Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

SINING NG PANANALIKSIK

Mga Pahinang Preliminari o Front Matters


Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng
pamanahong-papel. Walang nakasulat na kahit ano sa
pahinang ito. Sa madaling sabi, blangko ito.
Pabalat ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa
pamagat ng pamanahong-papel. Nakasaad din dito
kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saan
asignatura ito pangangailangan, kung sino ang
gumawa at panahon ng kumplesyon. Kung titingnan
sa malayuan, kailangang magmukahang inverted
pyramid ang pagkakaayos ng mga informasyong nasa
pahinang ito.

Dahon ng Pagpapatibay ang tawag sa pahinang


kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng
mananaliksik ang mga individwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng
pamanahong-papel at kung gayoy nararapat pasalamatan
o kilalanin.
Sa Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang
pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng
pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng
pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

Sa Talaan ng mga Talahanayan at Graf - nakatala


ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob
ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.
Ang Fly Leaf 2 - ay isa na namang blangkong pahina
bago ang katawan ng pamanahong papel.

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A. Ang Panimula o Introduksyon ay isang


maikling talataang kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik.
B. Sa Layunin ng Pag-aaral inilalahad ang
pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit
isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy din dito
ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong
patanong
4

C. Sa Kahalagahan ng Pag-aaral inilalahad ang


signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa
ng pag-aaral. Tinutukoy ditto ang maaaring maging
kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa ibat ibang
individwal, pangkat, tanggapan, institusyon, profesyon
disiplina o larangan.
D. Sa Saklaw at Limitasyon tinutukoy ang simula at
hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang
parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy dito kung
anu-ano ang varyavol na sakop at hindi sakop ng pagaaral.

naman sa Definisyon ng
mga Terminolohiya ang mga
katawagang makailang ginamit sa
pananaliksik at ang bawat isay
binigyan ng kahulugan. Ang
pagpapakahulugan ay maaaring
konseptwal (ibinibigay ang istandard
na definisyon ng mga katawagan) o
operasyunal (kung paano iyon ginamit
sa pamanahong-papel/pananaliksik).

E. Itinatala

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT


LITERATURA

Tinutukoy dito ang mga pag-aaral at mga babasahin o


literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
Kailangan matukoy ng mananaliksik kung sinu-sino ang
mga may-akda ng naunang pag-aaral o literature, disenyo
ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta
ng pag-aaral. Mahalaga ang kabanatang ito dahil
ipinaalam ditto ng mananaliksik ang aksalukuyang
estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.

Hanggat maaari, ang mga pag-aaral at literaturang


tutukuyin at tatalakayin dito ay iyong mga bago o
nalimbag sa loob ng huling sampung taon. Pilitin ding
gumamit ng mga pag-aaral at literaturang loKal at dayuhan.
Hanggat maaari rin, tiyaking ang mga material na
gagamitin ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
(a) objektiv o walang pagkiling; (b) nauugnay o
relevant sa pag-aaral; at (c) sapat ang dami o hindi
napakakaunti o napakarami.

MGA HANGUAN NG INFORMASYON O DATOS

Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga hanguang


primarya (primary sources):
Mga individwal o awtoridad,
Mga grupo o organizasyon tulad ng pamilya, asosasyon,
unyon, fraternity, katutubo o minorya, bisnes, samahan,
simbahan at gobyerno,
Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pagaasawa, sistemang legal at ekonomik at iba pa, at
Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng
konstitusyon, batas-kautusan, treaty o kontrata at ang
lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, jornal
at talaarawan o dayari.

Ang mga Hanguang Sekundarya (secondary sources)


naman ay:
Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya, taunangulat o yearbook, almanac at atlas,
Mga nalathalang artikulo sa jornal, magazin, pahayagan at
newsletter,
Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala
man ang mga ito o hindi, at
Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.
Ang ELEKTRONIKO: internet

10

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay nahahati sa mga sumusunod na


bahagi:
1. Sa Disenyo ng Pananaliksik nililinaw kung anong
uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa
inyong pamanahong-papel, iminumungkahi naming ang
pinakasimple na , ang deskriptiv-analitik na isang disenyo
ng pangangalap ng mga datos at informasyon hinggil sa
mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
2. Sa bahaging, tinutukoy ang mga Respondente ng
sarvey, kung ilan sila at paano at bakit sila napili.

11

3. Sa Instrumento ng Pananaliksik inilalarawan ang


paraang ginamit ng pananlksik sa pangangalap ng mga
datos at informasyon. Iniisa-isa rito ang mga hakbang na
kanyang ginawa at kung maaari, kung paano at bakit niya
ginawa ang bawat hakbang. Sa bahaging ito, maaaring
mabanggit ang intervyu o pakikipanayam, pagko-conduct
ng sarvey at pagpapasagot ng sarvey-kwestyoneyr sa mga
respondent bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling
paraang aplikable sa isang deskriptiv-analitik na disenyo.
4. Sa Tritment ng mga datos inilalarawan kung anong
istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga
numerical na datos ay mailarawan . dahil itoy isang
pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng
mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang
pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang
12
mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETSYON NG


MGA DATOS

Sa

kabanatang ito inilalahad


ang mga datos na nakalap
mananliksik sa pamamagitan
ng tekstwal at tabular o grafik
na presentasyon. Sa teksto,
inilalalhad ng mananaliksik
ang kanyang analisis o
pagsusuri.

13

KABANATA V: LAGOM KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Nahahati ang kabanatang ito sa tatlo:


1. Sa Lagom, binubuo ang mga datos at informasyong
nakalap ng mananaliksik na komprehensivong tinalakay sa
Kabanata III.
2. Ang Konklusyon ay mga inferences, abstraksyon,
implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o
paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng
mananaliksik.
3. Ang Rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para
sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananliksik.

14

MGA PANGHULING PAHINA

1. Ang Listahan ng sanggunian ay isang kumpletong tala


ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.
2. Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag.
Maaaring ilagay o ipaloob ditto ang mga liham, formularyo
ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng
sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga
larawan, kliping, at kung anu-ano pa.

15

PETSA NG PAGPASA

Setyembre 8: Kabanata 1 (10 pts)


Setyembre 13: Kabanata 2 at 3 (20 pts)
Setyembre 17: Kabanata 4 : burador (10
pts)
Setyembre 20: Nirebisang Kabanata 4
(10 pts)
Setyembre 24: Kabanata 5 (10 pts)
Setyembre 27 at 29 : PAGDEDEPENSA
NG PAG-AARAL (100 pts)
16

Sa

bawat pagpasa sa email ay magpakilala.


Isulat ang pamagat ng
pag-aaral at ang mga
pangalan lamang ng
mga tumulong sa
ipinasang output.
17

PAGPUPUNTOS

1.
2.
3.

Peer Evaluation
Group Leader
Evaluation
Defense with Rubric
18

BATAYAN SA ARAW NG DEPENSA


Malikhaing

Presentasyon
Pagpapaliwanag at
pangangatwiran
Pagsunod sa format o
teknikal na aspeto
Gramatika
Pagsunod sa takdang araw

19

Isang masaya at
makabuluhang
pananaliksik!
20

SINING PANANALIKSIK SA FILIPINO


PROF. GRACE P. ONATE

You might also like