Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Aralin sa Wikang Filipino

para sa SMA 2 (XI)


Inihanda ni:

Evelyn Sanchez
Makadados, MBA
Guro sa Asignatura

Sekolah Indonesia Davao

SINTAKS

Sintaks ito ay tumutukoy sa lipon ng mga


tuntunin na pumapatnubay kung paano
maaaring pagsasama-samahin o pag-uugnayugnayin ang mga salita sa pagbuo ng parirala o
pangungusap.
Tingnan natin ang mga sumusunod na mga
morpema o salita sa Filipino:
Fernan, eroplano, sumakay, malaking, si, sa

Mga posibleng sagot:


Sumakay si Fernan sa malaking eroplano.
Sumakay sa malaking eroplano si Fernan.
Sa malaking eroplano sumakay si Fernan.
Hindi niya pagsasama-samahin ang mga
morpemang ito sa ganitong paraan:
Sumakay sa malaking Fernan si eroplano.
Fernan, si eroplano sa malaking sumakay.

Pangungusap bahagi ng
pananalitang nagsasaad ng buong
diwa.
Simuno o Paksa- ang bahaging
nagpapahayag ng pinag-uusapan sa
pangungusap.
Panaguri ito naman ang bahaging
nagbibigay ng kaalaman o
impormasyon tungkol sa paksa.

Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa


1. Pangungusap na eksistensiyal ito ay
pagpapahayag ng pagka- mayroon o wala.
Hal: May mga raliyista ngayon sa Edsa.
Wala na.
2. Pangungusap na Pahanga Ito ay
nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.
Hal: Kayganda talaga ng tanawin sa Boracay!
Ang galing mo!

3. Maikling sambitla mga iisahin o


dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Hal: Ay!
Aray!
4. Pangungusap na Pamanahon nagsasaad
ng oras o uri ng panahon ang mga ganitong
pangungusap.
Hal: Maulan na naman.
Napakainit!

5. Mga Pormulasyong panlipunan ito ay mga


pagbati, pagbibigay-galang at iba pa na
nakagawian na sa Wikang Filipino.
Hal: Mano po.
Salamat po.
6. Modal Nangangahulugan ng gusto/nais/
ibig.
Hal: Nais kong makapag-aral.
Ha gusto kong mahiga.

7. Penomenal nagsasaad ng mga


pangyayari sa kalikasan, walang simuno o
panaguri ang mga sumusunod na
pangungusap.
Hal: Babaha na naman sa Maynila.
Niyanig ng lindol ang Japan.
8. Pautos sinusundan ng panghalip na mo
at o pang- abay.
Hal: Dalian mo.
Sige pa.
Alis.

9. Pagyaya- nagsasaad ng pagyaya o


pagyakag.
Hal: Tayo na.
Halika na.
10. Ka-Pandiwa nagsasaad ng katatapos na
kilos.
Hal: Kaaalis lang niya.
Kakakain ko lang.
11. Panawag panawag na pangkamag-anak.
Hal: Hoy!
Psst!
Tena! Manang!

Pagsasanay A:
Ayusin ang mga sumusunod na
salita ayon sa tamang ibig
ipahiwatig nito
1. Ang pulis na mataba at
madungis ng batang tinapay sa na
tindahan nagnakaw ay payat ng
hinuli.

2. Nanay palengke pumunta


malayong sa bumuli upang na
sariwang isda nagmamadaling
gulay at prutas ang pananghalian
para sa pagod.

3. Batang sa noong ang matalino


at bibong lalaki ang nanalo
patimpalak linggo ginanap
nakaraang ay.

4. Mag-aaral ikalawang sa
bumagsak ay mga ito buwanang
dahil baitang mahirap maraming
ang pagsusulit ang .

5. Pagkatapos na at ng
sumasagitsit biglang ulan ay ang
ng baha malakas kulog na
sinundan ng ang kidlat at
dumagundong at hindi biglang
rumaragasa inaasahan nang
matinding na buhos dumating.
.

Magpalitan ng
kwaderno at iwasto
ang sagot ng iyong
kaklase.

Tamang pangungusap:
1. Ang payat at madungis na
batang nagnakaw ng tinapay sa
tindahan ay hinuli ng pulis na
mataba.

2.Nagmamadaling pumunta sa
malayong palengke ang pagod na
nanay upang bumili ng sariwang
isda, prutas at gulay para sa
pananghalian.

3. Ang matalino at bibong batang


lalaki ay nanalo sa ginanap na
patimpalak noong nakaraang
linggo.

4.Maraming mga mag-aaral sa


ikalawang baitang ang bumagsak
sa buwanang pagsusulit dahil ito
ay mahirap.

5.Pagkatapos ng malakas at
matinding buhos ng ulan na
sinundan ng dumadagundong na
kulog at sumasagitsit na kidlat ay
biglang dumating ang
rumaragasang baha nang hindi
inaasahan.

Maraming
salamat sa
inyong lahat.

You might also like