Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

MGA PANGKAT

ETNIKO SA
PILIPINAS
GRADE VI

Ang kabuuang bilang ng


tao sa pilipinas ay binubuo
ng mga pangkat-etniko.
Bawat isa sa mga
pangkat-etniko ay may
sariling wika, kaugalian at
paniniwala.

Kabilang naman sa maliit na pangetniko sa bansa ang mga Ifugao,


Bontok, Kalinga at Kankanay sa
Cordillera, Ivatan sa Batanes, Tboli,
Manobo, Bagobo at Bukidnon sa
Mindanao at Mandaya sa Visayas.
Ang mga Badjao, Samal, Yakan,
Jama Mapun at Iranun ang bumubuo
sa maliliit na pangkat ng mga Muslim.

May dalawang uri ng pangkatetniko sa Pilipinas. May tinatawag na


malaking
pangkat-etniko.
Kinabibilangan ito ng Tagalog,
Ilokano, Pangasinense, Kapampangan,
Bikolano, Ilonggo, Cebuano at
Waray. May malaking pangkat-etniko
rin sa lugar ng mga kapatid nating
Muslim. Ito ay kinabibilangan ng
Tausug, maguindanao at Maranao.

Sa paglipas ng panahon, lumipat


ng tirahan ang mga ibang kasapi
ng pangkat-etniko at napabilang
na sa mga pangkat-etniko ng
nilipatang lugar. Nagkaroon ng
pagkakahalo ng kanilang kultura
kayat hindi na halos napupuna ang
pagkakaiba-iba
ng
mga
katutubong kulturang nagsanib.

Ang mga nandarayuhan ay di


na
gaanong
nahirapang
makisalamuha sa mga dinatnang
pangkat-etniko dahil mayroon
silang mga pagkakatulad sa
paran ng pamumuhay dulot ng
kapaligiran at pagkakahawig ng
kultura.

Mga Pangkat-etniko sa
Luzon
Ang Tagalog, Bikolano, Ilokano,
Kapampangan at Pangasinense ay
kabilang sa malalaking pangkatetniko sa Luzon. Mayroon ding
maliliit na pangkat-etniko tulad ng:

TAGBANWA

Sa
baybaying-dagat
ng
gitnang Palawan naninirahan ang
mga Tagbanwa. Ang kasuotan ng
mga babae ay blusang mahaba
ang manggas at makukulay na
paldang patadyong. Kapirasong
damit lamang ang itinatakip ng
mga lalaki sa kanilang katawan.

BATAK

Sila ay kilala rin bilang


Tinitianes. Sa mga bundok at
dalampasigan ng hilagangkanluran ng Palawan sila
matatagpuan.

MANGYAN

Sa mga liblib na pook ng


Mindoro sila matatagpuan. Ang
mga Mangyan ay binubuo ng
Iraya,
Alangan,
Tadyawan,
Batangan,
Bukid,
Ratagnon,
Tagaydan, Bangon at Hanuoo.
Ang makulay nilang pananamit at
mga suot na alahas ay likas na
kapansin-pansin. Ang mga lalaki
ay nakabahay.

APAYAO

Sa bulubundukin ng Hilagang Luzon sa


hangganan ng Abra at Ilokos naniniraham ang
mga Apayao. Nabubuhay sila sa pamamagitan
ng pagsasaka. Malaking bahagi ng kultura nila
ang pagtatanim ng palay. Ang mga kalalakihan
ay naghahanda ng lupa. Gawain naman ng
kababaihan ang pagtatanim at pag-aani. Sa
gilid ng bundok, gumagawa sila ng hagdanhagdang palayan. May tanim din silang mais,
gabi, kamote, tubo, saging ay gulay.

IFUGAO

Ang Banaue Rice Terraces


o
ang
Hagdan-hagdang
palayan na ginawa ng mga
Ifugao sa gilid ng bundok ay
kilala at tanyag. Kinilala ito
bilang isa sa mga natatanging
tanawinsa
daigdig
dahil
maraming
turista
ang
humahanga rito.

Mga Pangkat-etniko sa
Visayas
Ang mga Ilonggo, Cebuano at
Negrese
ay
kabilang
sa
malalaking pangkat-etniko sa
Visayas. Ang iba pang pangkat na
matatagpuan doon ay ang mga
sumusunod:

Magahat
Sa kabundukan ng Bayawan sa Negros
Oriental sila matatagpuan. Sa paghahanap
ng pagkain sa gubat sila nabubuhay. Kung
maghahanap sila ng pagkain ay pangkatpangkat. Ang pinaka matanda sa grupo ang
sinusunod nila sa pagpili ng pook na
matitirhan. Kapag inabot ng dilim,
nagtatayo sila ng pansamantalang tirahan
sa napiling lugar. Sa kanilang kaingin ay
mayroon silang permanenteng tirahan na
kanilang binabalikan.

WARAY

Ang mga taga-Samar at Leyte


ay tinatawag na Waray. Baganat iba
ang kanilang wika, madalas silang
ibilang sa pangkat ng mga taong
tinatawag na Bisaya. Sila ay may
sariling panitikan at kultura. Musika,
awit at sayaw ang kanilang mga
pangunahing
libangan.
Pinahahalagahan nila ang edukasyon,
gayundin ang pagiging likas na
relihiyoso.

BOHOLANO

Hango ito sa salitang BOOL


na
siyang
kauna-unahang
pangalan
ng
lunsod
ng
Tagbilaran Bohol. Bool din ang
tawag sa mga tao, wika at
kultura nito. Mahigit sa 1,000
burol na tinatawag na Chocolate
Hills na kilala sa buong daigdig
ang matatagpuan sa gitnang
bahagi ng Bohol.

Mga Pangkat-etniko sa
Mindanao
Ang ilan sa maraming pangkatetniko sa Mindanao ay ang mga
sumusunod:

TAUSUG

Kilala
sa
katapangan
at
kahusayan sa pakikidigma ang
mga
Tausug.
Likas
silang
mapagbigay
at
palakaibigan.
Dahil sa kanilang pakikipagugnayan at pakikipagkalakalan sa
mga taga-Timog-Silangang Asya,
lalong nalinang ang mga ugali
nilang
mapagbigay
at
palakaibigan.

YAKAN

Sa lahing Malay nagmula ang


pangkat na ito. Singkit ang kanilang
mga mata, may kayumangging balat
at buhok na makapal ta maitim. Mga
kalipi lamang nila ang kanilang nais
makasalamuha dahil sa likas na
pagiging mahiyain. Sumusunod din
sila sa mga aral ng Koran na siyang
Banal na Aklat ng relihiyong Islam at
sa mga katutubong pamahiin at
kaugalian.

SAMAL

SUBANON

Sila ang kilalang mga


hitananong-dagat dahilan sa
mismong karagatan o sa mga
baybaying
dagat
sila
naninirahan. Sumusunod sila
sa mga kawan ng isda na siya
nilang
ikinabubuhay.
Nagsisilbing tirahan nila ang
vinta, kumpit o bangka.

Sa kabundukan ng Zamboanga
del Norte at Zamboanga del
Sur
naninirahan
ang
mga
Subanon. Mababakas sa kanila
ang mga katangiang Malay. Tulad
ng mga Yakan, sila ay may
kayumangging balat at maitim at
makapal na buhok, kapansinpansin ang maganda nilang
pangangatawan.

MANDAYA

Sa gilid ng bundok sa hangganan


ng Karagatang Pasipiko at Tangos
ng San Agustin sila nakatira.
Matatagpuan din sila sa mga bundok
ng Davao del Norte at Davao
Oriental.
Maging babae o lalaki man sa mga
Mandaya ay mahaba ang buhok na
bahagyang kulot at kulay itim o kape.
Ang kanilang noo ay malapad at
prominente ang mga buto nila sa
pisngi.

TBOLI

Kilala ng mga mamimili sa


kapatagan ang pangkat ng Tboli.
Hinahangaan
sila
sa
pagiging
makasining na ipinakikita nila sa mga
kasuotan, personal na palamuti,
gawang metal, paglala at paggawa ng
basket. Nakikita rin ito sa dipangkaraniwang musika at sayaw.
Ang
mg
instrumento
nilang
pangmusika ay kinabibilangan ng
agong, tambol at yaong mga may
kwerdas na instrumento.

Ang katawan ng mga Tboli ay


maliit kasya sa pangkaraniwang
Pilipino. Ang mga babaeng Tboli ay
makitid
ang
balakang.
May
magagandang
kulay
ang
mga
kababaihan at kabataan samantalang
kulay kape naman ang kanilang mga
mata.

BADJAO

Naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng


Pata, Tapul, Lugus, Parang, Maimbug at
Talipaw ang pangkat ng mga Badjao. Kilala
rin sila bilang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang
Laut, Samal Palau at Palau. ang kanilang
wika ay Samal.
Ang kanilang kultura ay kahawig ng mga
Samal. Hinihinalang sila at ang mga Samal
ay nagmula sa Johore sa dakong timog ng
peninsulang Samal.

Ang mga Badjao ay nakatira sa mga


bangkang-bahay na may habang 3 - 18 metro
at may taas na 1-1 metro. Ang maaaring
tumira lamang sa bangkang-bahay ay isang
pamilya na may 2 13 na miyembro.
Pangunahing
nilang
hanapbuhay
ang
pangingisda. Ang mga gamit nila sa pangingisda
tulad ng lambat, gayundin ang vinta, ay
kanilang ginagawa. Mga banig na may iba-ibang
makukulay na disenyo ang hinahabi ng mga
kababaihan. Mahusay rin silang manisid ng
perlas.

You might also like