Professional Documents
Culture Documents
Big Book Alamat NG Saging 2.0
Big Book Alamat NG Saging 2.0
MGA TAUHAN
AGING
MGA
KASTILA
MGA
PILIPINO
Noong unang
panahon ng
mga Kastila ay
may isang
pangkat ng mga
tulisang-gubat
na
pinamumunuan
ni Aging.
Nais kasi
niyang
matulungan
ang mga
Pilipinong
dumadanas na
ng gutom dahil
sa kasakiman
ng mga Kastila.
Nagnanakaw
sila sa mga
bahay ng mga
Kastila at mga
mayayamang
Pilipino na
kumakampi sa
mga Kastila.
Ang kanilang
mga
ninanakaw ay
itinutulong nila
sa mga
mahihirap na
Pilipino.
Para po sa
inyo ang mga
ito, ang sabi ni
Aging sa isang
mahirap na
pamilyang
dinalhan ng
mga pagkain.
Naging
problema ng
mga Kastila
ang pangkat ni
Aging.
Matitinik kasi
sina Aging kaya
hindi mahuli
ang mga ito.
Kahit anong
patibong ang
gawin ng mga
Kastila ay hindi
nila mahuli ang
pangkat.
Ang ginawa ng
mga Kastila ay
tinipon nila sa
plasa ang mga
mahihirap na
tinutulungan
nina Aging
Walang
nagawa si
Aging kundi
ang sumuko.
Ayaw niyang
mapatay ang
kanyang mga
taong
tinutulungan
dahil sa kanya.
Ang mga
kasamahan
naman niyay
pinauwi na
lamang niya sa
kani-kanilang
bahay.
Bitay ang
parusang
ipinataw ng mga
Kastila kay Aging.
Pero bago siya
bitayin ay pinutol
ang dalawa
niyang kamay sa
harap ng mga tao
para daw hindi
pamarisan
Inilibing ng
mga tao ang
bangkay ni
Aging kasama
ang kanyang
mga kamay.
Pagkaraan ng
ilang araw ay
may halamang
tumutubo sa
ibabaw ng
puntod nito
Mataas ang
puno at
malalapad ang
dahon. Ang
bunga nito ay
tila mga kamay
ng tao.
Naalala ng mga
tao si Aging
kaya
pinangalanan
nilang Aging ang
bunga ng puno.
Nang lumaon ay
naging saging na
ang tawag dito.
Moral Lesson:
May pagkakataon na dapat
isasakripisyo natin ang ating
mga sarili para lang sa
ikakabuti o ikakasaayos ng
nakakarami.
Maraming
Salamat po
sa inyong
pakikinig.