Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

SA MGA KUKO

NG LIWANAG
Isang arketipong Pagtalakay
Venancio L. Mendiola

Sa lahat ng uri ng pagsusuring pampanitikan,

pinakamalawak ang nasasakop ng paraang


arketipa l. Kailangan ng manunuri ang
kaalamang sikolohikal, pangkasaysayan, moral,
antropolohikal, gayundin ang mga disiplina ng
panitikan at pilosopiya. Samakatwid, ang
buong kultura ang siyang nilulundo ng
pagsusuring arketipo. Kung minsan, ito ay
tinatawag na pagsusuring mala-totemiko, makametiko, at mala- seremonya(ritwalistiko) ngunit
di ito nangangahulugang di-makatao o
humanistiko.

Ano nga ba ang arketipo? Ayon sa diksyunaryo,

ang salitang arketipo ay halaw sa salitang


Griyego na archetypum (Latin, buhat sa
arketupon, o sa walang kasarian ng arketupos) na
ang ibig sabihiy kauna-unahang padron o hubog,
isang huwaran o modelo; halimbawa, isang
prototipo, isang uliran o pinagmulang anyo.
CARL GUSTAV JUNG(1875-1961)- isang
sikolohistang taga-Swisa, na dating tagasunod o
mag-aaral ni Sigmund Freud(1856-1939), isang
Austriano na tagapagtatag ng psychoanalysis, ang
nagpalawak ng kahulugan ng arketipo.

Sa pananaw ni Jung, ang arketipo ay pangunahing

imahen, isang bahagi ng mga sama-sama o natipong


walang kamalayan(collective unconscious) o mga
naiwang alaala sa mga kaisipan ng mga di-mabilang
na mga karanasan ng tao, o sa sariling uri.
Mawiwikang ito ang mga minanang tagahulma o
tagahugis ng mga pansariling karanasan na pasalinsalin sa ating kabihasnan. May nagsasabi pa na ang
kalipunan ng walang kamalayan ay siyang
mananagot sa malayang pagbibigay ng pananaw,
mito, pangkaisipang panrelihiyon, ibatibang uri ng
panaginip na palasak sa mga kultura at kasaysayang
pampanahon.

Ang pagsusuring ito ay magtatangkang

gumamit ng tatlong uri ng pangkalahatang


arketipo:
a.) arketipong pantauhan
b.) arketipong pangyayari o kalagayan, at
k.)
arketipong simbulo o arketipong
magkasalungat sa nobelang Sa mga Kuko
ng Liwanag ni Edgardo Reyes.

Simula pa lamang ng nobela ay ipinadama na ni

Edgardo Reyes ang tono ng kuwento: malumanay,


malumbay, magiting, nagbababala.
Ipinamalas din niya ang isang istilong kaigaigaya; liriko, matimpi, ngunit makahulugan
Sa mga sumusunod na kabanata ang istilong ito,
lalo na ang diyalogo ng mga tauhan, ay maririnig
sa pang-araw-araw na usapan, bukod dito, ang
paglalarawan
niyay
tiim
sa
bagang,
nakahahambal, bagamat di nakayayamot; tuwiran
ito kung minsan, subalit di garapal o malaswa.

Magugunita ng mambabasa ang kaiklian ng mga

pangungusap ni Hemingway sa istilo ni Reyes.


Katunayan, sa unang tatlong siniping talata sa
itaas ay nailahad nang tuluyan ang napakapayak
na banghay ng nobela.
Sa banghay ring ito ,maiaakma ang tatlong uri
ng arketipo na inilahad sa panimula ng sanaysay.
Sa ikalawang uri ng arketipo ang pangyayari o
kalagayan- limang magkabuhol na aspekto o
bahagi ang nakapaloob:
1.) ang paghahanap 2.) ang pagkamulat
3.) ang paglalakbay
4.) ang pagbagsak,
pagkamatay o pagkabuhay na mag-uli ng
tauhan
5.) ang paggawa

Karaniwang

pansinin
na
ang
paghahanap
ay
sinasabayan
ng
paklalakbay(gaya
halimbawa
ng
paghahanap sa Banal na Kopa ni Sir
Galahad, o ang paglalakbay ni Lamang sa mga pumaslang sa kanyang
ama sa epikong Ilokano.
Kung minsan naman, ang paggawa
ay di-kinakailangang nasa hulihang
lagi, (gaya ng pagpapakita ng
kagandahang-loob ng pinakabatang
prinsipe sa pulubi ng corrido na Ibong
Adarna o ang tamang pagkatuklas ng

Sa nobelang sinusuri, ang pagtungo ni

Julio Madiaga sa Maynila upang hanapin si


Ligaya Paraiso ang simula ng tunggalian.
Ang paglalakbay ay hahantong sa
pagsuong sa panganib, pagdurusa o
kahirapan ng pangunahing tauhan ng
walang kamalay-malay.
Kung
siyay
magtatagumpay,
ang
bayaniy mabubuhay, kung mabibigo,
mamamatay; sa kabilang dako, kahit na
sa
mga
dakilang
trahedya,
ang
kamatayan, pagkatalo o pagkawasak ng
tauhan
ay
di
totohanang
nangangahulugan
ng
kanyang

Maaalala, halimbawa, na ang pagkamatay

ni Elias sa Noli ni Rizal ay ang simula ng


pagkabuhay na muli ni Ibarra at ang
paghasik nito ng lagim ng rebolusyon sa
Fili. Ang pagpanaw ng mga nasawing
magkasintahang Romeo at Juliet ni
Shakespeare ang siyang naglapit ng
kaloobang ng mga nag-aaway nilang
magulang na Montague at Capulet.
Samantala, ang paggamit ng pangalan ng
pangunahing tauhan ay maliwanag na
simbolismo. Ayon sa talatinigan, ang
pangalang Julio ay halaw sa Deiwos,
pangalang Griyego sa diyos ng araw (Latin,
Jouil o Julius, nanggaling kay Jupiter,

Kabalintunaan ito sa kwento sapagkat

patungo si Julio sa isang lugar na higit


na madilim sa kanyang mapanglaw na
nayon upang pasunggab lamang sa
naghihitay na mga kuko ng liwanag.
Sa polaridad o magkasalungat na
simbolismo, ang liwanag ay
sumasagisag sa karunungan, pag-asa,
kalinisan, pang-kaluluwa, at ang dilim ay
kumakatawan sa kamang-mangan, sa
kawalang pag-asa, kasamaan, at
kahayupan.

You might also like