Presentation 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Social Networking Sites: Mahalaga Sa

Mga Estudyante?
Mahalaga: kyla
Di-mahalaga: jude
Lakandiwa: andrea
Lakandiwa:
Aling mahalaga nitong kabataan
Sa social networking na pangkaibigan?
Tanong itong ngayoy kinasasabikang
Mag-ilaw ng tugong sa bayay tatanglaw.
Itong Balagtasay aking ibubukas
Sa nangalilimping kawal ni Balagtas;
Ang mga makatay maaring maghayag
Ng pangangatwirang madiwat matatag.
Makatang may giting at lakas ng loob
Na sa Balagtasang ito ay lumahok;
Ngayoy oras ninyong pumutak
sumangkot,
Kumbaga sa tandang at inahing manok.
Mambabalagtas 1:
Nakalaan ako, bunying Lakandiwa
Na sa Balagtasang itoy sumagasa;
Ako ay hindi pa inahing makata,
Ngunit dumalagang manok na sariwa.

Gayon pa man, akoy sasagot sa tanong:


Social networking sites sa habang
panahon!
Ang ayaw pumayag at gustong
magmaktol,
Kung hindi man pangit ay sarat ang
ilong.
Tubo man sa Cebu, dapwat sa Tagalog
Ay pinanday akot matamang hinubog;
Kaya ang panig koy kapag binatikos,
Ang tabak kong tula, aking iuulos!
Mambabalagtas 2:
Ilong koy di sarat, Binibining Payat,
Pagkat tandang akong mananalot
bantog;
Di ako sang-ayong social networking
sites
Mahalaga nga raw sa bayan at lungsod.
Lakandiwa namin, akoy nakahanda
Sa paanyaya mong mahalagang paksa;
Kung nais mong kamiy magtalo sa tula,
Diyan sa tanghalan, bayaang magdigma.

Akoy si jude wendell ngunit jude na


lang
Ang itawag ninyo upang maalwanan;
Bunying Cebuano yaong pinagmulan
Ng maalamat kong ngalan sa Mactan.
Ang aking sandatay espadang matalim
At malayang plumang apoy pag sinaling;
Di ko uurungan ang sino mat aling
Tututol sa aking tulang kakathain.
Lakandiwa:
Pagpapakilalay yamang nakaraos,
Na may sigwat hanging kakila-kilabot;
Ngayon ay oras nang silay pumalaot
Sa pangangatwirang madiwat matayog.
Ang unang titindig ay ang pumapayag
Social networking sites ay makabuluhan;
Sa pagtayo ni kyla na may siglat gilas,
Ipagpugay natin, bayang nagmamalas.
Mambabalagtas 1: Unang Tindig
Friendly network site ang itatawag mo ,
Na ang layunin ngay umanib ang mundo,
Pwedeng makilala kahit isang dayo
Bastat kaw may account, magiging friend
kayo.

Ang Friendster account moy isipin mong


bahay
Na dapat malinis magandat makulay,
Kasingganda dapat lugar na Boracay,
Walang bibisita kung nakakaumay.
At sa pagpunta nga ng iyong amiga,
Ang Friendster skin mo ay kanyang makikita,
Siyay gaganahan sa pag-aanalisa,
At sya sigurado comment na maganda!
Kaya naman akoy lubhang nagtataka
Sa kabalagtas kong wala yatang mata;
Sa galaw ng mundo, manong magmasid ka,
Ang di makabagoy nagmumukhang tanga.
Ang aking mungkahi, tayo ay humanga
Sa mga social hub;tayoy pinagpala
Sa mga eskwela, laging nakahanda
Ay may pamantasang may hihintayng tuwa.
Maniwala kayong may magandang dating
Yaong social media na may nagniningning;
Ang hindi sang-ayon ito ay magaling,
Kung hindi man pangkal, ay makatang haling!
Mambabalagtas 2: Unang Tugon
Ang daigdig ngayoy lubhang peligroso
Sa krisis-pinansyal na pasan ng tao;
At ang Pilipinas, tingnat apektado,
Marami sa atin ay walang trabaho.
Bagamat nasanay ang Pinoy sa hirap,
Social networking sites ay dagdag ng hirap
Inaasam nating ginhawang pangarap,
Di man imposibley magiging mailap.

Sabihin mat hindiy magkaka-problema


Sa silid-aralan, buhay at pamilya;
Gayon din sa gurong gabay at pag-asa,
Pagbabagong ganap baka natin ipagdusa.
Hindi makikita sa social networking
Ang gandat kalidad ng haiskul sa ngayon;
Manapay sa husay ng mga instruksyon
Ng aral-may-upa o ng walang twisyon.
Ang Facebook ang tulay, ang tulay ng buhay
Naiabot-kamay kahit sa kaaway
Diyan tayo talo kung kaw ay nagloko
sang tag ng photo mo huli kat kabit mo.
Sa ating problema ay di mahalaga
Social networking sites ay itabi mo na
Ulap ang isip mo, mutyang kabalagtas,
O, Joy, gumising kaitoy realidad.
Mambabalagtas 1:Ika-2 Tindig
Sa teknolohiyang ngayoy umuunlad
Visual aids, computer: may bagong kalidad;
Sa komunikasyong talisik na ganap,
Lubhang kailangan ang social networking.
Pwede mong i-up-load picture na naka-ismayl
Lahat na yong picture lahat ng may istayl,
Sa Friendster lahat ay pwede mong ilagay
Lahat ay masaya at puno ng buhay!
Mag register na kung hindi pa kasali,
O log-in na kayo hanggang sa mawili,
Enter lang ang e-mail ang yong identity,
Password ang katapat, maari ng friendly.
Sa ating lipunay naglipana mandin
Ang masalimuot na mga usapin;
Binging moralidad ay tutok sa bangin
Ng pagkariwarang kaysaklap tanggapin.
Tapos man ng haiskul ay di nalalaman
Pakikipagkapwa at pananagutan;
Ang maramiy walang pag-ibig sa bayan,
Minamahalagay ang sarili lamang.
Haiskul ang pag-asa tulad ng palihang
Panghubog sa mga kabataang mangmang;
Kapag ang panahoy kaposkulang-kulang,
Bansot ang hinubog sa silid-aralan.

Mambabalagtas 2: Ika-2 Tugon


Tunay ngang maunlad ang teknolohiya,
At ang Pilipinas ay ayaw pauna;
Ngunit nasasayang ang oras at pera
Sa net games ng haiskul na walang kapara.
Sa gamit ay walang salaping idagdag,
Mga mag-aaral ay kahabag-habag;
Pagtuturoy pano magkaka-kalidad?
Payak ay ayusintimbangin ang lipad!
Sa iyo nanggaling na di nalalaman
Ng tapos sa haiskul ang pananagutan;
Haiskul pala sa yoy walang kabunasan,
At walang magaling na patutunguhan.
Di ako sang-ayon sa iyong sinabi
Social networking sites huhunos ng ani?
Kung di maitanim ang binhing marami,
Sa social media walang mangyayari.
Pandayan ng isip ang haiskultotoo,
Hubugan ng diwa, bago kolehiyo;
Ngunit suliranin kung di epektibo
Ang mga instruksyong turong-makatao.
Ang social networking ay hindi tutugon
Sa nakababagot nating edukasyon;
Ang kaisipan moy tila krusipiksyon
Sa haiskul na Kristong sa krus naparool.
Mambabalagtas 1: Ika-3 Tindig
Kabataay Kristo sa basal na lupa
Na sadyang natigang ng pagpapabaya!
Sa magulang lang ba ang sisi at pula,
Gayong haiskul natin ay nangaglipana?
Aral-panlipunat pagpapakatao
Ay pananagutan ng ating gobyerno;
Ang kasalukuyang pagtuturo rito,
Turong- balisawsaw, pagkat hindi todo.
Kung wikay pundasyon ng nasyonalismo,
Kawawa ang batang hindi natututo;
Pagka-makabayay buhay at prinsipyo
Ng alinmang bansa saan pa mang dako.

Anong mahihintay na magandang bukas


Sa bansang binunsay ng panahot hirap?
Aking uulitin, tayo ay pumayag,
Social networking pa sa haiskul ay lunas!
Mambabalagtas 2: Ika-3 Tugon
Tayo ay humarap sa katotohanang
Mga libreng twisyoy iilan sa bayan;
Haiskul na marangya, abot ng mayaman,
Subalit sa dukhay pangarap na lamang.
Bago ka humataw nitong imbitasyon,
May ilang bagay kang dapat maging layon,
Kung hindi kakilalay dapat maging baon,
Ingatan ang sarili sa lahat ng panahon!
Pagkat sa alinmang bagay na mabuti,
May dulot na sama, aking masasabi,
Pairalin mo to ang internet safety,
Sa Friendster nagkalat hangaring marumi.
Social networking sites ang ating idagdag
Sa haiskul ay walang buting iuunlad;
Edukador natiy nag-aasal-tunggak,
Dahil sa gobyernong salaulat uslak!
Rebuttal ng Mambabalagtas 1:
Salaulat uslak?kapag may swine virus
Na banta sa madlang kakila-kilabot;
Isinasarado ang haiskul sa takot
Na ang mga batay mahawat matepok.
Rebuttal ng Mambabalagtas 2:
Araw na nawala ay nakaabala,
Ngunit ligtas naman ang mga eskwela;
Magsuot ng gauze mask at magbitamina,
Upang ang swine virus di maging problema.
Rebuttal ng Mambabalagtas 1:
Sa langit mot mundo ay alagataing
Social networking sites ating pairalin.;
Bukod sa instruksyong mabisat magaling,
Henyong pagtuturoy palawig-lawigin.
Rebuttal ng Mambabalagtas 2:
Palawig-lawigin? Iyay walang saysay
Sa tamad na batat bugok na paggabay;
Ang dapat lingilin ay makabuluhang
Dagdag na gusaling mga paaralan.

Rebuttal ng Mambabalagtas 1:
Panahong social hub, higit pa sa hiyas,
Tumatanggi rito ay bobo at tamad!
Rebuttal ng Mambabalagtas 2:
Ang tamad at bobo ay ang walang hangad
Tutulan sa haiskul ang social networking!
Rebuttal ng Mambabalagtas 1:
Social networking sites kapag tinanggihan
Ay lalong darami ang graduates na hilaw.
Rebuttal ng Mambabalagtas 2:
Idinaramay mo sa sinabi mong yan,
Ang luto sa haiskul ng mabuting kalan.
Rebuttal ng Mambabalagtas 1:
Ang dapat sa iyoy haiskul-bayabasan!
Rebuttal ng Mambabalagtas 2:
At kangkungang-haiskul ang sa iyo naman!
Rebuttal ng Mambabalagtas 1:
Manhid na makata, gusto mo bay away?
Rebuttal ng Mambabalagtas 2:
Kung yan ang gusto mo, makatang pasaway!
(Habang nagsisigawan ang nagtatalo,
hahadlang ang lakandiwa.
Lakandiwa:
Kayoy huminahon! Jude at kyla
Itoy balagtasan at di basag-ulo;
Hahatulan ngayon kayong nangagtalo,
Kung sinong nagapit kung sinong nanalo.
Ang bibig koy halos di ko maibuka
Sa mga katwirang ditoy ibinadya;
Kung panalunin ko si Joy na kayganda,
Baka paratangang akoy sumisinta!
Kung si jude naman ang papagwagihin,
Lalaking makisig kung sa biglang-tingin;
Baka naman ako ay biglang dustaing
Isang binabaet malasadong bading.

Maraming salamat madlang nalilimpi


Sa inyong ginugol na mga sandali;
Habang kumakaway kaming
nakangiti,
Tagubilin namiy namnamin ang
sidhi.
Bayang nakikinig, bayang
minamahal,
Mga panauhing gurot mag-aaral;
Ang bukas ng ating haiskul na
marangal
Ay nasa sa inyong mabubuting
kamay.
Matapos na kayoy makapagdesisyon
Social Networking Sites sa habang
panahon
Magkaisa kayomagsamang
tumugon
Sa hibik ng abat lumpong
edukasyon.

You might also like