Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Ang banda ay isang mahalagang

bahagi ng kulturang Pilipino.


Simula sa panahon ng ating mga
ninuno ay nagkaroon na ng bahagi
ang banda sa mga kasayahan at
pagtitipon tulad ng mga pistang
bayan, parada, prusisyon mga
kaarawan at iba pang pagdiriwang.
May mga pagkakataon na ang
banda at tumutugtog sa
pakikipagdalamhati at
pakikipaglibing.

Ang banda ay binubuo ng tatlong


pangkat ng instrumento ang perkusyon,
tanso at kahoy na hinihipan.
A.Perkusyon
Ang perkusyon ay binubuo ng mga
instrumentong karaniwang pinatutunog
sa pamamagitan ng paghampas,
pagkalog, pagtapik o pagtatama.
Kabilang sa pangkat na ito ang mga
sumusunod na instrumento.
1. Timpani- instrumentong perkusyon
na panritmo. Sa lahat ng instrumentong
perkusyon ay ito lamang ang may tiyak
na tono na nagagawa sa pamamagitan
ng

pagpihit sa mga turnilyo sa


paligid nito. Maari ring magbago
ang tono nito sa pamamagitan
ng pag-apak sa pedal nito. Sa
bawat pag-apak ay isang tono
ang nababago rito.
Kadalasan ay dalawang timpani
ang ginagamit sa pagtugtog. Ang
higit na maliit na timapani ang
tinutugtog para sa mas mataas
na tono samantalang ang
malaking timpani ay ginagamit
para sa mas mababang tono.

2. Tambol o drum
Dalawa ang uri ng drum; ang
snare drum at ang bass drum.

Ang snare drum o side drum ay


tinatawag ding karakatak. Ito ay
maliit na tambol na ang magkabilang
panig ay nababalutan ng balat. Ang
isang panig ay may ilang metal na
liston na nakahalang. Ito ay
pinatutunog sa pamamagitan ng
paghampas ng dalawang patpat sa
panig na walang listong metal.

Ang tambol o bass drum ay higit


na malaki at malapad kaysa
karakatak. Ito ay pinatutunog sa
pamamagitan ng pagpalo ng isa o
dalawang pamalong may malambot na
balat sa dulo na siyang pinatatama sa
panig ng tambol na nababalutan ng

3. Pompiyang o cymbals
Ang pompiyang ay dalawang
malapad at manipis na
instrumentong tanso na
pinatutunog sa pamamagitan ng
paghampas ng mga ito sa isat
isa. Maari rin itong ibitin o
ipatong sa isang nakatayong
bakal na pinatutunog sa
pamamagitan ng pagpalo ng
patpat na kahoy. Ang tunog nito
ay mataginting at maingay.

B.Brass o Tanso
Ang instrumentong brass ay
yari sa tanso na animoy tubo
na palaki ang isang dulo tulad
ng imbudo. Ang mga ito ay
pinatutunog sa pamamagitan
ng pagpindot sa mga piston
at paghila at pagtulak sa
slides Ang sumusunod ang
mga instrumentong brass.

1.Trumpeta o trumpet
Ang trumpeta ay instrumentong
brass na may pinakamataas na
tono. Ito ay ang itinuturing na
soprano sa pangkat ng mga
instrumentong tanso. Ito ay may
tatlong piston na pinipindot upang
magkaroon ng ibat ibang tunog.
Malaki ang lawak ng mga nota ng
trumpeta at nakagagawa ito ng
mataas na mga himig at natutunog
din ang mababang mga tunog. Ang
tunog nito ay maningning.

2. French Horn
Ang French Horn ay mahabang
tubo na inikot. Ito ay tinutugtog
sa pamamagitan ng pag-ihip sa
mouth piece habang
pinipindot ng kaliwang kamay
ang piston at ang kanang
kamay naman ay inilalagay sa
butas ng hugis imbudong
malaki na ipinapasok inilalabas
upang mapatunog ang
instrumento.

3. Trombone
Ang trombone ay
instrumentong nahahawig sa
trumpeta. Ito ay itinuturing
na baho (bass) ng trumpeta
sa malakas na tunog nito. Ito
ay pinatutugtog sa
pamamagitan ng pag-ihip sa
mouth piece at pag-urong
sulong sa slides nito.

4. Tuba
Ang tuba ang pinakamalaking
instrumentong brass na dinadala nang
nakapaikot sa katawan ng
manunugtog. Ang isang dulo nito ang
pinagkakabitan ng metal na mouth
piece at ang kabilang dulo ay hugis
kampana o embudong malaki.
Ang tuba ay tinutugtog nang tulad sa
pagtugtog ng trumpeta. Ibat ibang
tono ang nagagawa nito sa
pamamagitan ng pagpindot sa mga
piston nito. Ito ang may
pinakamababang tunog sa buong
pangkat ng mga instrumentong tanso.

C. Kahoy na Hinihipan o
Woodwind
Ang mga instrumentong wood
wind ay yari sa kahoy na may
ihipang yari sa manipis na
kawayan na tinatawag na reed.
Ang katawan ng mga
instrumentong kabilang sa
pangkat na ito ay may mga butas
na binubuksan at sinasarhan sa
pamamagitan ng mga pisada na
itinutulak ng mga daliri.

1.Paluta o flute at Piccolo


Ang plauta at piccolo ay
pinatutunog sa
pamamagitan ng pag-ihip sa
butas ihipan na
matatagpuan sa gawing dulo
ng tubo ng bawat
instrumento.

Ang piccolo ay higit na maliit


kaysa plauta. Ito ang
pinakamataas na tono sa
pangkat ng mga instrumentong
kahoy na hinihipan.

2. Oboe
Ang oboe ay nagtataglay
ng dalawang pirasong kahoy
o double reed sa dulong
ihipan nito. Ito ay may payat
na katawan at may kabighabighaning tunog.

3. Clarinet
Ang clarinet ay kahawig
ng oboe subalit iisa lamang
ang reed nito. Ito ay
tinutugtog na tulad ng
oboe.

4. Bassoon
Ang bassoon ay ang
instrumentong wood wind na
nasa tagiliran ang ihipan>
Tulad ng oboe, ito ay
gumagamit din ng double
reed. Ito ay pinatutunog nang
medyo pahiga at nakasabit sa
leeg.
Ang bassoon ay maaring
lumikha ng tunog na mababa,
malungkot o nakatatawa.

Panuto: Basahing mabuti ang mga


katanungan. Piliin ang wastong
sagot at isulat sa sagutang papel.
1.Anong instrumentong perkusyon ang
bukod tanging may tiyak na tono?
A. snare drum
B. cymbals
C. timpani
D. bass drum
2. Alin sa mga sumusunod ang
kabilang sa instrumentong
woodwind ?

A. pompiyang
B. French Horn
C. Tuba
D. Oboe
3. Anong instrumentong woodwind
ang maaring lumikha ng tunog na
mababa, malungkot o nakatatawa?
A. Oboe
B. French Horn
C. Bassoon
D. Clarinet

4. Alin sa instrumentong tanso ang


itinuturing na soprano sapagkat
nakapagbibigay ito ng mataas na
tono?
A. tuba B. trombone
C. trumpeta D. French Horn
5. Alin sa mga instrumentong
perkusyon ang nagbibigay ng
mataginting at maingay na tunog?
A. snare drum
B. bass drum
C. timpani
D. cymbals

You might also like