Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Depinisyon ng Wika

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng


mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong may iisang kultura. (Henry Gleason)
Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema
ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika.
Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung
pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang
[lumipat].

Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay


tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang
wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat,
panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista


Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora
.Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga
pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa
panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging
nauuna ang paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the tree. o Tall the tree.)

Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang


pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba
pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.


Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa
pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa
ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya
nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na datiy [niya] ngayoy [siya] na. Imbis
na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang
kahulugan ng dalawang pangungusap.
m

You might also like