Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 56

UNIT II

Ang Pakikipagkapwa
Ang Pakikipagkapwa
Ang Pakikipagkaibigan
Komunikasyon sa
Pakikipagkapwa
Ang Emosyon
Essential Questions (EQs)
1. Bakit kailangan ng tao ang pakikipagkapwa?
2. Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?
3. Bakit mahalaga ang pang-unawa at pagiging
sensitibo sa pasalita, di pasalita at virtual na
uri ng komunikasyon?
4. Bakit mahalagang pamahalaan ang emosyon?
UNIT II
Ang Pakikipagkapwa
Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad
ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa

1. Paggalang sa Pagiging
Indibidwal ng Kapwa
2. Pagpapahayag ng mga
Damdamin
3. Pagtanggap sa Kapwa
4. Pag-iingat sa mga Bagay na
ibinahagi ng Kapwa
(Confidences).
UNIT II
Ang Pakikipagkaibigan
Ang Pakikipagkapwa
Ang Pakikipagkaibigan
Komunikasyon sa Pakikipagkapwa
Ang Emosyon
FRIENDSHIP QUIZ
1. Gumagawa ng paraan upang magkausap kayo (sa pamamagitan ng e-mail, pagdalaw, pag-
iimbita sa mahahalagang okasyon, pagtawag sa telepono, etc.)
2. Ipinakikita ang suporta sa pamamagitan ng pagiging masayang kausap o kasama,
pagbibigay ng lakas-loob, at pagpapaita ng pag-aalala para sa kaibigan upang pasayahin ito
3. Naghahanda para sa isang mahalagang okasyon (party, pamamasyal, pagvivideoke sa
bahay, etc.) para sa inyong dalawa
4. Ipinagtatanggol ang kaibigan sa ibang tao na nagsasalita o gumagawa ng hindi maganda sa
kaibigan
5. Tumutugon sa suliranin ng kaibigan; maaring sa pakikiramay, pakikinig at pag-unawa,
pagbibigay-lakas loob at iba pang paraan upang makatulong
6. Pagpuri sa kaibigan; sa kanyang hitsura, talento, talino, mga natatamong karangalan,
pananamit, at iba pang katangian.
7. Pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng kanyang buhay; hallimbawa,
pag-aalaga sa kanya kung may sakit; pag-aalaga sa kanyang mga halaman, alagang hayop o
maging mga anak nito kung siya'y may lakad
8. Pagbibigay ng mga regalo na alam mong makasisiya sa kanya. Pag-alala sa mahahalagang
okasyon sa kanyang buhay tulad ng birthday, graduation o kasal
9. Tumutulong upang aliwin o pagaanin ang kalooban ng kaibigan matapos ang mga di kanais-
nais na naging bunga ng ugnayan sa ibang tao (gaya ng pagkabasted sa nilliligawan, di
pagpansin ng crush, pagpagalit ng guro, at iba pa)
10. Hindi nahuhuli sa mga tagpuan at palaging tinutupad ang mga pangko.

PAKIKIPAGKAIBIGAN
Maliit na bagay lamang iyon, ngunit lubhang naging napakahalaga
para kay Tricia. Malaki ang suliranin niya noon. Dalawang
mahahalagang pagsusulit ang kanyang kukunin kinabukasan - ang
dalawang huling eksamen sa taon - ngunit ilang araw din siyang
liban sa klase kung kaya't hindi siya nakapag-aral para dito. Lubhang
napakaraming araling kailangan pang basahin. Hindi sya dapat
lumagpak dito. Kagagaling man nya sa sakit kinakailangan niyang
mag-aral - sa buong magdamag.
Isang buntong libro ang kaharap ni Tricia ng tumunog ang telepono
nang alas-dose ng gabi. Si Gina iyon. Bago pa nag haiskul si Tricia ay
matalik nyang kaibigan si Gina. Nagkahiwalay sila dahil lumipat na
sa probinsya si Gina. Magkalayo man madalas naman silang
magtawagan. Kaya nga't naibulalas ni Tricia kay Gina ang lahat ng
sama ng loob nito at pag-aalala. Matapos silang mag-usap ay
nagbalik ito sa pag-aaral ng leksyon. Nagulat si Tricia ng muli'y
tumunog ang telepono makalipas a-nang ang isang oras.

Si Gina muli ito. Tumawag siya upang tiyaking gising ang
kaibigan at upang bigyan ito ng lakas ng loob na
magpatuloy. Paulit-ulit itong tumawag tuwing makaisang
oras sa buong magdamag.
Habang papalapit na ang madaling araw ay masayang
nagpatuloy ng pag-aaral si Tricia. Inaabangan ang mulit-
muling pagtawag ng kaibigan. Kaya nga nang oras na ng
eksamen ay handang handa si Tricia para dito.

Walang maisip na maitulong si Gina para kay Tricia sa
gabing iyon liban sa pagpapakita nya dito ng suporta. At
ito nga ang kanyang ginawa. Dahil alam niyang may nag-
aalala sa kanya ay masayang nagpatuloy sa pag-aaral si
Tricia buong magdamag. Sino pa nga ba liban sa isang
matalik na kaibigan ang magpupuyat sa buong
magdamag dahil lamang sa pag-aalala sa isang taong
nasa kabilang dulo ng bansa?
Mahalaga ang Aking Aso sa
Akin
Ang aking aso ay tahimik at mabait na kasama
Hindi niya sinasabing Gawin Mo!..., tulad ni ina
Hindi niya sinasabing Huwag mong gawin!...,
tulad ni ama
Hindi niya sinasabing Tigih, tulad ni kuya
Ang aking asong si bantay at ako ay tahimik
lamang na nakaupo sa isang sulok ng mundo
Gusto ko siya at gusto nya rin ako!
Matalik na magkaibigan si Bantay at ako
Pagpapatunay ng Kaibigan

Noong panahon ng digmaang sibil sa Amerika, ang pangulo noon na
si Abraham Lincoln ay nakatanggap ng napakaraming apela upang
maggawad ng kapatawaran sa mga sundalong nahatulang
mamatay dahil sa desersyon o pagtakas sa gitna ng digmaan. Ang
bawat pakiusap ay may kalakip na mga sulat na nagpapatunay na
ang sundalo ay karapat dapat sa klemensiya . Ang mga sulat ay
muta sa kanilang mga kaibigan o mga taong nasa kapangyarihan.

Isang araw ay nakatanggap ang pangulo ng isang apela na kakaiba
sa lahat. Dumating ito na wala ni isa mang kalakip na sulat na
nagbibigay tetimonya sa kabutihan ng sundalo..Si Pang. Lincoln ay
nabagabag sa sitwasyong ito kung kaya't agad niyang tinanong ang
nakakataas na opisyal ng naturang sundalo. Hindi makapaniwala si
Pang. Lincoln nang sabihin ng opisyal na ang sundalo ay wala nang
natitirang mga kaibigan at nangamatay na rin ang lahat nitong
kamag-anakan sa digmaan. Sinabi nitong sa susunod na araw na ito
pagpapasyahan.

Lubhang naging mahirap sa pangulo ang magpasya
tungkol dito. Ang disersyon ay hindi birong krimen sa
panahon ng digmaan. Kung patatawarin niya ito,
maaring magbigay ito ng maling impresyon sa iba pang
mga sundalo. Ngunit hindi niya maiwasang mabagbag
ang damdamin para sa isang taong wala ni isang
kaibigan.

Kinaumagahan, laking pagkagulat ng opisyal ng sundalo
nang sabihin ng pangulo na isang testimonya ng
kaibigan ng sundalo ang nagligtas dito sa sentensyang
bitay. lpinaalala ng opisyal na walang sino mang
kaibigan ang sundalong ito at walang sumulat para siya
ipakiusap. Sumagot ang pangulo, Ako ang magiging
kaibigan niya, at nilagdaan nito ang klemensya para sa
sundalo.
Ayon sa Wikipedia ang pakikipagkaibigan ay
isang higit na malalim na uri ng pakikipag-
ugnayan sa kapwa kaysa karaniwan. Ang
halaga ng pakikipagkaibigan ay nababatay sa
pagpapakita ng mga sumusunod na
pagpapahalaga ng magkaibigan sa isa't isa:
1.) ang pagnanais ng makabubuti para sa
kaibigan; 2) pakikiramay at pakikiisang
damdamin; 3) pagiging totoo; 4) pagiging
maunawain at mapag-alala. ng kaibigan);
5) pagtitiwala (na hindi huhusgahan ng
kaibigan); 6) pagbibigayan.

Emily Dickenson, isang sikat na Amerikanang
manunula,- hindi ito kinakailangan upang mabuhay;
bagkus isa ito sa mga bagay na nagbibigay halaga sa
buhay.
George Santayana naman, isang Espaol na
manunula-"ang isang kaibigan ay ang bahagi ng
sangkatauhan kung saan maari kang maging (totoong)
tao.
Ralph Waldo Emerson, isang manunulat na
Amerikano,-sa harap ng tunay na kaibigan ay maari
akong maging totoo, sa harap niya ay maari kong ibulalas
ang aking mga iniisip.
Aristotle-walang tao na pipiliing mabuhay na walang
mga kaibigan.
Plato-Ang tunay na pagkakaibigan ay walang wakas at
imortal.
Cicero-mga birtud ang nagbibigay daan at nagpapanatili
Kristo-nararapat nating mahalin ang ating kapwa tulad
sa ating sarili. Ang pagmamahal na ito ay walang pinipili -
kaibigan, hindi kaibigan o maging kaaway man. Nakabase
din ang uri ng pakikipagkaibigang ito sa pagpapatawad.
C.S. Lewis -ang pakikisama o maging ang pakikihalubilo
ay mga sitwasyong maaring pag-ugatan ng
pakikipagkaibigan
Lumang Tipan-Moses at Abraham ay tinawag na mga
kaibigan ng Diyos sa bagong tipan sinabi ni Kristo na ang
pakikipagkaibigan sa Diyos ay hindi nakareserba sa iilan o
sa mga pinili lamang. Sino mang sumunod kay Kristo,
nagmahal sa kapwa ay maari Niyang maging kaibigan.
Juan 15:15 -hindi ko na kayo tatawaging mga utusan
ang ginagawa ng kanyang panginoon, tinawag ko kayong
kaibigan sapagkat ang lahat ng narinig ko sa aking Ama
ay ipinaalam ko sa inyo.
Komunikasyon Sa
pakikipagkapwa.
Ibat ibang uri ng komunikasyon.

1. Pasalita. Ito ang pangunahing uri ng komunikasyon.
Kasama rito ang pasalita (oral) at pasulat (written) na
komunikasyon. Sa ganitong uri ng komunikasyon
mahalagang tandaan na ang iyong salita at
pagpapaliwanag ay nakaapekto sa kaisipan at
damdamin ng taong tatanggap nito. Kailangan din ng
pag-iingat sa mga salitang gagamitin upang hindi
makasakit ng damdamin ng kapwa.
2. Di-Pasalita. Ito ay mahalagang uri ng komunikasyon.
Mas masasalamin ang totoong damdamin sa
ekspresyon ng mukha o sa galaw ng katawan. Kapag
nakikipag-ugnayan tayo sa ibang tao, tayo ay
nakapagbibigay at nakatatanggap ng hindi mabilang
na di pasalitang hudyat (signals).
3. Virtual. Ang virtual na komunikasyon ay dulot ng
Limang Antas ng Komunikasyon
1. Pakikipag-usap sa isang simpleng kakilala (Level of
Acquiantance). Ang ganitong uri ng pagkikipag-usap ay pinakamababaw
ngunit sa ating mga Pilipino, madalas natin itong ginagamit.
2. Pakikipag-usap upang magbahagi ng makatotohanang
impormasyon (Reporters Talk). Ito ay pagbabahagi ng mga
impormasyon na tumutugon sa taong na Ano, Sino, Saan, Kailan at iba pa.
Ibinahagi mo lamang sa iba kung ano ang iyong nakita o narinig at kung
saan at kailan ito naganap
3. Pakikipag-usap upang magbahagi ng ideya o opinion (Intellectual
talk). Sa pagkakataon na ito, hindi lamang impormasyon ang ating
ibinabahagi kundi nagbabahagi na rin tayo ng ating opinyon, mga
pakahulugan o interpretasyon, at mga paghatol (judgements ).
4. Pakikipag-usap upang magbahagi ng sariling damdamin
(Emotional Talk). Sa antas na ito, malaya na na naibabahagi ang iyong
sariling damdamin sa iba
5. Pakikipag-usap upang ibahagi ang totoong sarili na ginagabayan
ng pagmamahal (Loving, Genuine, Truth Talk). Ito ang pinakamataas
na antas ng komunikasyon
Mga Hadlang sa Epektibong Komunikasyon:

1. Pagtanggi (Denial) - May mga pagkakataon na ang tao ay tumatangging ibahagi
lalo na yaong mga bagay na hindi tayo komportableng ibahagi sa ating kapwa. Lalo
na kung mga bagay na hindi natin masabi nang harapan o kaya naman ay mga
bagay na hindi tayo komportableng ipagtapat sa kanila nang harap-harapan.

2. Pagpapalit (Substitution) - May mga pagkakataon na naibabaling natin sa ibang


tao ang mga bagay na hindi natin masabi sa taong nararapat na makatanggap nito.
Hal. mayroon kang sama ng loob sa iyong ina, sa halip na kausapin mo siya upang
ibahagi ang iyong damdamin ay sinasabi mo ang lahat ng ito sa iyong kaibigan.
Nakahahadlang ito sa epektibong komunikasyon dahil hindi makatutulong ang
pagbaling sa ibang tao upang mabigyang-solusyon ang suliranin.
3. Di-pagkakapareho o di-pagkakaangkop (Incongruence) - Nangyayari ito sa
mga pagkakataon na ang pasalitang paraan ng komunikasyon ay di tumutugma sa
ekspresyon ng mukha, tono ng pananalita, lakas o hina na boses at iba pa. Ang
taong tumatanggap ay magbibigay ng kaniyang sariling interpretasyon sa iyong
ipinahihiwatig. Minsan halimbawa, mas pinaniniwalaan ng tao ang ekspresyon ng
mukha kaysa sa sinasabi ng tao. Sa pagkakataon na sinasabi nating masaya tayo
ngunit mas lungkot ang mababakas sa ekspresyon ng mukha, mas paniniwalaan
nila na hindi totoo ang saya na iyong sinasabi.

Pagbabawal (Inhibition). May mga pagkakataon, lalo na


sa tahanan kung saan pinagbabawalan ang ilang kasapi na
magbahagi ng ilan sa kanilang mga ideya at damdamin.
Kapag nakasanayan, magiging balakid ito sa ganap na
pagiging bukas sa komunikasyon sa loob ng pamilya.

Sa lahat ng pagkakataon ay mahalagang pairalin ang


katatagan at ang pagiging maingat. Maging sa
komunikasyon sa pakikipagkapwa ay kailangan itong
ilapat. Akala natin sapat na na nasasabi natin ang sting
iniisip at nadarama ngunit mahalagang magsikap upang
ito ay magkaroon ng positibong bunga sa pakikipagkapwa.
Simulan mo na ang pagsusuri sa iyong kakayahan sa
komunikasyon sa pakikipagkapwa upang mapagsikapan
mong baguhin ang mga mali at mas paunlarin ang
ginagawa mo nang tama.
EMOSYON
Tatlong Pangunahing Sangkap ng Emosyon

1. Nagbibigay-malay o kognitibo (cognitive component). An


gating mga pananaw, iniisip, paniniwala, at mga inaasahan ang
bumubuo sa bahagi o sangkap na ito ng emosyon. Sabi nga sa
isang aklat, ayon kay Shakespeare sa kanyang aklat na Hamlet,
"walang mabuti o masama, ngunit ang isip ang nagpapabuti o
nagpapasama dito". Ang sting pananaw, iniisip, paniniwala at
mga inaasahan na nananahan sa ating utak ay nakatutulong sa
pagdidkta ng ating emosyon .
2. Pisyolohikal (Physiological component). Paano kaya kung
minsan isang hatinggabi at naglalakad ka sa daan ay biglang may
nakita kang tao sa iyong harapan at nakita mong tumatakbo
patungo sa iyo, ano kaya ang iyong mararamdaman?
3. . Behavioral. Kasama rito ang iba't ibang anyo ng ekspresyon na
maaaring maidulot ng ating emosyon. Halimbawa, ekspresyon ng
ating mukha (facial expression), tindig ng ating katawan, galaw, o
tono ng boses na lahat ay nagbabago kun ng kagalakan, takot,
galit o lungkot. Ang mga reaksyon na ito ang nagbibigay sa ibang
. Ayon kay Esteban (1990), mayroong mga
pangunahing emosyon ang tao.
Pangunahing Emosyon
Pagmamahal (love)
Pagkamuhi (hatred)
Paghahangad (desire)
Pag-ayaw (aversion)
Kagalakan (joy)
Pighati (sorrow)
Pag-asa (hope)
Kawalan ng pag-asa
Tapang (courage)
(despair)

Takot (fear)
Galit (anger)
Limang Pangunahing Kakayahang Emosyonal
at Panlipunan
sa kung ano ang ating kasalukuyang
1. Pagkilala sa Sarili (Self-awareness). Pag-alam
nararamdaman at gamitin itong gabay sa ating mga pagpapasya; pagkakaroon ng
makatotohanang pagsusuri sa ating mga kakayahan at makatwirang tiwala sa sarili.

2. Pangangasiwa sa Sarili (Self-regulation). Pangasiwaan ang ating damdamin upang ito ay


makatulog sa halip na maging sagabal sa ating mga kasaiukuyan gawain; pagpapairal ng
katapatan sa halip na pagtugong sa pansariling kakayahan sa pagkamit ng mga mithiin; at
magiting na pagbangon mula sa dalamhati, sakit o pangamba

3. Motibasyon. Gamitin ang sting kakayahang mamili upang makatulong sa pagkamit ng ating
mga mithiin, tulungan tayong magsimula at magsikap na pagyamanin ang sarili at magtiyaga sa
kabila ng mga sagabal at kabiguan.

4. Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng iba (Empathy). Pagdama sa kung ano ang


nararamdaman ng kapwa, maunawaan ang perspektibo ng ibang tao at pagyamanin ang
pakikipag-ugnayan at pakikiisa sa iba-ibang uri ng tao

5. Kakayahang sosyal. Napamamahalaan nang mahusay at wasto ang emosyon sa pakikipag-


ugnayan gamit ang kakayahang basahin ang sosyal na sitwasyon at maayos na pakikipag-
ugnayan; ginagamit ang mga kakayahan na ito upang makahimok at mamuno, makipagkasundo,
at magsaayos ng hindi pagkakaunawaan para sa pagtutulungan at teamwork.

Always SMILE!!!

You might also like