2 Mga Kasanayan Sa Mapanuring Pagbasa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mga Kasanayan

sa Mapanuring
Pagbasa
Aralin 2
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

Maunawaan ang dapat gawin bago, habang at


pagkatapos magbasa
Makilala ang pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan
Matukoy ang Layunin, Pananaw, at Damdamin ng
Teksto
Maisa-isa ang paraan ng pagsulat ng Paraphrase,
Abstrak, at Rebyu
Daloy ng Talakayan

Bago, Habang at Pagkatapos Magbasa


Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng
Teksto
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu
Habang Pagkatap
Bago
Nagbaba os
Magbasa
sa Magbasa
Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang
tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung
kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa.
Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa
pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at
kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto
ang babasahin. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon
kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.
Habang Pagkatap
Bago
Nagbaba os
Magbasa
sa Magbasa
Nakapaloob sa bahaging ito ang: 1) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa; 2)
Biswalisasyon ng binabasa; 3) Pagbuo ng koneksiyon; 4) Paghihinuha; 5)
Pagsubaybay sa komprehensiyon; 6) Muling pagbasa; 7) Pagkuha ng
kahulugan mula sa konteksto.
Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng
impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon,
organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen. Ang elaborasyon ay
ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong
natutuhan mula sa teksto. Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon
sa pagitan ng ibat ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto
habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen
at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.
Habang Pagkatap
Bago
Nagbaba os
Magbasa
sa Magbasa
Nakapaloob sa bahaging ito ang:
Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang ibat ibang tanong
tungkol sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o
pag-unawa sa binasa.
Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng
manunulat ang pangunahing ideya at detalye sa binasa.
Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit
bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay
kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng
manunulat batay sa kaniyang pag-unawa.
Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at
kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto.
Pagkilala sa Opinyon at
Katotohanan
Katotohanan Opinyon
Ang katotohanan ay mga Ang opinyon naman ay
pahayag na maaaring mga pahayag na
mapatunayan o nagpapakita ng
mapasubalian sa preperensiya o ideya batay
pamamagitan ng empirikal sa personal na paniniwala
na karanasan, at iniisip ng isang tao.
pananaliksik, o Maaaring kakitaan ito ng
pangkalahatang kaalaman mga panandang diskurso
o impormasyon. tulad ng sa opinyon ko,
para sa akin, gusto ko,
o sa tingin ko.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng
Ang layunin ay tumutukoy sa nais
Teksto
iparating at motibo ng manunulat
sa teksto. Mahihinuha ito sa
Layunin pamamagitan ng uri ng diskursong
ginamit sa pagpapahayag.
Halimbawa, naglalarawan ba ito o
kaya ay nagkukuwento lang ng
isang tiyak na karanasan o
Pananaw sitwasyon? Maaari ding
nangangatuwiran ito o kaya naman
ay hinihikayat ang mambabasa na
pumanig sa opinyon o paninindigan
Damdamin niya.
Sa layunin, tinutukoy rin ang
suliranin o pangunahing tanong ng
akda na nais solusyonan ng may-
akda.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng
Ang pananaw naman ay ang
Teksto
pagtukoy kung ano ang
preperensiya ng manunulat sa
Layunin teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito
kung ano ang distansiya niya sa
tiyak na paksang tinatalakay. Nasa
unang panauhan ba ito na
maaaring magpakita na personal
Pananaw ang perspektiba niya sa
paglalahad, o kaya naman ay nasa
ikatlong panauhan na nagbibigay
ng obhetibong pananaw at
Damdamin paglalahad sa paksa?
Mula sa mahusay na pagtukoy ng
pananaw, nahihinuha rin ng
mambabasa kung ano ang
kahihinatnan ng isang teksto.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng
Ang damdamin naman ay ang
Teksto
ipinahihiwatig na pakiramdam ng
manunulat sa teksto. Maaaring
Layunin nagpapahayag ito ng kaligayahan,
tuwa, galit, tampo, o kaya naman
ay matibay na paniniwala o
paninindigan tungkol sa isang
pangyayari o paksa.
Pananaw Dahil sa damdamin na
ipinahahayag ng teksto, hindi
naiiwasan na ito rin ang nagiging
pakiramdam ng mambabasa sa
Damdamin pagbasa nito. Sa katapusan ng
pagbasa, maaari ding tasahin ng
isang mambabasa kung
nagtagumpay ba ang manunulat na
iparamdam ang layunin ng teksto.
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu
Ang paraphrase ay tumutukoy
Paraphrase sa muling pagpapahayag ng
ideya ng may-akda sa ibang
pamamaraan at pananalita
upang padaliin at palinawin ito
Abstrak para sa mambabasa.
Mahalaga ang paraphrase sa
pananaliksik upang tukuyin
ang pinagmulan ng isang ideya
Rebyu o kaisipan at ipahayag ito sa
pamamaraan na makatutulong
sa pananaliksik.
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu
Ang abstrak naman ay isang
buod ng pananaliksik, tesis, o
Paraphrase kaya ay tala ng isang
komperensiya o anomang pag-
aaral sa isang tiyak na
disiplina o larangan.
Abstrak Ang abstrak ay nakatutulong
upang mabilis na makita ng
isang mambabasa ang
kabuuang latag ng
Rebyu pananaliksik kabilang ang mga
layunin at kinalabasan nito. Sa
ilang publikasyon, tinatawag
din itong precis o synopsis.
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak,
Ang rebyu naman ay isangat Rebyu
uri ng
pampanitikang kritisismo na ang layunin
ay suriin ang isang aklat batay sa
Paraphrase nilalaman, estilo, at anyo ng
pagkakasulat nito.
Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya o
ebalwasyon ng akda batay sa personal na
pananaw ng mambabasa na nagbibigay
Abstrak ng rebyu. Ang mga nagsusulat ng rebyu
sa mga pahayagan o online portal ay
gumagamit ng panunuri upang
magpalaganap ng sariling kaalaman na
Rebyu sumusuporta o kaya ay nagpapasubali sa
nilalaman ng aklat.
Maaaring ang rebyu ay naglalaman ng
maikling buod ng aklat upang magkaroon
ng ideya ang mga mambabasa.

You might also like