Mindanao (Nagsasarling Rehiyon ng Muslim sa Mindanaw) Autonomous Region in Muslim Mindanao
AngARMM ay nabuo noong Agosto 1, 1989
matapos lagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang R.A. 6734. Ito ay pinairal noong Hulyo 9, 1990, pagkaraang mahalal ang unang pangkat ng mga opisyales sa rehiyon. Ang rehiyong ito ay binubuo ng 5 lalawigan. Autonomous Region in Muslim Mindanao Ang (ARMM) ay isang espesyal na rehiyon na kinabibilangan ng mga teritoryo kung saan ang mayoriya ng populasyon ay moro. Kasama dito ang halos buong Kapuluang Sulu (ang Syudad ng Isabela ng Basilan ay bahagi ng rehiyong Peninsula ng Zamboanga) at dalawang probinsiya sa isla ng Mindanao. Ang mga lalawigang bumubuo sa Kapuluang Sulu ay Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Autonomous Region in Muslim Mindanao
AngBasilan at Tawi-Tawi ang mga pangunahing isla
ng kanilang mga lalawigan, Isla ng Jolo naman ang sa Sulu. Ang mga probinsiya sa mismong isla ng Mindanao ay ang Lanao del Sur at Maguindanao. Ang sentro administratibo ng rehiyon ay ang Lungsod ng Cotabato, na hindi parte ng ARMM. Autonomous Region in Muslim Mindanao Lalawigan Kabisera Sukat ng Lawak sa Kilometrong Parisukat
1. Lanao del Sur City of Marawi 3,850.3 km2
3. Sulu Sharrif Aguak 4,714.8 km2 2. Maguindanao Jolo 1,600.0 km2 4. Tawi-Tawi Panglinia Sugala 1,087.4 km2 5. Basilan Isabela 1,327.2 km2 Autonomous Region in Muslim Mindanao
Panitikan ng Maguindanao Luwaran
Elemento ng Literaturang Hadith
Maguindanao Quiza Folk Speech Katutubong Antuka (Bugtong) tradisyon Bayok Raja Indarapatra Folk Narratives Darangen
Tarsila Raja Madaya
Autonomous Region in Muslim Mindanao Ang mga bumubuo sa elemento ng literatura ng mga Maguindanao ay ang folk speech at folk narratives. Ang folk speech ay nahahayag sa mga antuka/pantuka/paakenala (bugtong) at bayok (tulang liriko), samantalang ang mga naratibo naman ay nahahati sa tradisyong pang-islam at sa katutubong tradisyon. Sa tradisyong pang-Islam kasama ang pagbasa sa Quran, ang tarsila o naratibo ng angkan (genealogical narratives), ang luwaran, ang paglalarawan sa mga nakasanayang batas; hadith o mga kataga ng propeta; ang quiza o mga relihiyosong kwento. Ang katutubong tradisyon naman ay binubuo ng tudtul (katutubong kwento), at mga epiko tulad ng Raja Indarapatra, Darangen, at Raja Madaya. Autonomous Region in Muslim Mindanao
Para sa Maguindanao, ang mga bugtong ay nakakatulong sa
pagsulong at pagkabuo ng pagkakaibigan sa isang grupo. Nagsisilbi itong kasangkapan sa paghahanda sa pagtuturo. Ang istruktura ng isang bugtong sa Maguindanao ay binubuo ng isang larawan o imahe at ng isang paksa. Merong apat na uri ng larawan: komparatibo, deskriptibo, puns o puzzle at naratibo. Ang mga Maguindanao ay nainiwala sa pagkakaisa ng mga ibat ibang aspeto ng kapaligiran at ang paniniwalang ito ay nasasalamin sa kadalasang paggamit ng nagsasalungat na imahe at paksa sa mga bugtong. Autonomous Region in Muslim Mindanao
Ang Luwaran ng Maguindanao ay lupon ng encoded adat
laws na tumutugon sa mga kasong tulad ng pagpatay, pagnanakaw, pati na rin sa mga isyu ng pamana at kalakalan. Ang lahat ay nasasakupan ng batas at ito na rin ang naging basehan ng hudisprudensiya ng Islam. Autonomous Region in Muslim Mindanao
Ang hadith ay mga kasabihan at kaugalian ni propeta
Mohammad na kinulekta, inipon at pinagtibay ng mga iskolar ng Islam. Nilalaman ng Hadith ang isa sa mga pinagkunan ng batas ng relihiyong Islam. Ginagamit din itong basehan para sa pagpapaliwanag ng mga paksa sa Quran. Ang wikang ginagamit at Arabic.