Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Hermogenes Ilagan

(1875-1943)
Isinilang siya noong Abril 19,1875 sa Bigaa,Bulacan. Itinatag niya ang Compana
Ilagan na nagtatanghal ng maraming dula sa kalagitnaang
Luson. Kilala sa bansag na Ka Muhing.
Ilan sa mga dulang niyang kinagiliwan ng mga taoy ang Dalagang Bukid, Lucha
Electanghal ,Despues, El Dinero, Dalawang Hangal, Biyaya ng Pag-ibig sa mga
Dulang nabangit ang pinakatanyag ay ang Dalagang Bukid Ang mga ito ay hindi
lamang sa maynila itinanghal kundi sa mga lalawiganin din.Isa pang kompanya na
kanyang itinatag ay ang Ilagan Films. Itinanghal nito ay kanyang Dulang Nasaan
ang Dios noong 1934.

Ilan sa kanyang mga naisulat ay Ilaw ng katotohanan, Kabaliwan ng Bayan,Punyal


De Rosa, Wagas na pag-irog Isang unot isang sero. Bill De Divircio, Sundalong
Kapitan , Sigaw ng Bayan at Dahil kay Ina.
Juan Abad

Isinilang noong 1873 sa Sampalok,Maynila. Isang Dramatista at dahil sa pagiging


palabasa ay nalinang niya ang sarili sa pagsulat ng mga Dula tiulad ng Suenus De
Mala Fortuna,Isang komedya na may siyam na yugto at itinanghal noong 1895 sa
Aravelo Theater.Noong 1899 , itinatag niya ang pahayagang Republica Tagalog ,
kasama si Emilio Reyes . Isa siya sa naglathala ng pahayagang Laong-Laan. Dahil sa
pagiging makabayan sa peryodikong nabanggit si Abad kasama si Jose Palma ay
inaresto at nabilanggo noong 1899 . Dahil sa lubhang pagmamahal sa Bayan, .Hindi
nagtagal itinatag niya ang pahayagang Dimas-Alang noong Pebrero 1900. Ito ay
pinamatnugan ni Dr. Xeres Burgos.
Isa siya sa madulang bumatikos sa mga moro-moro. Itinanghal niya sa National Theater
sa Sampalok, Maynila ang mga Dulang Mabuhay ang Pilipinas at Mapanglaw ang
Pagkaalaalanoong Mayo 17,1900 . Ito ay sinundan ng pagpapalabas sa Universal Theater
noong Septyembre 3, 1900. Siya ay inilipat ng kulungan sa Ologapo, Zambales. Habang
nakapiit sinulat niya ang Dulang Manila-Olongapo at pinalabas niya pagkalaya.
Patricio Mariano

Tubong Sta. Cruz Maynila si Patricio Mariano ay ipinanganak noong Marso


17,1877.Ang kanyang pamilyay mahirap lamang ngunit hindi ito naging sagabal
upang ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Natapos niya ang Batsiyer del
Arytes sa Liceo de Manila.
Siya ay nabuhay sa panahong Dula ay bago pa lamang umuusbong sa ating bansa.
Bukod sa pagsulat ng mga nobela at mga sarsuwela. Siyay nagsalin din ng ibang
sulating banyaga sa wikang Tagalog. Dahil sa kaalaman sa larangan ng musika at
mga wikang banyaga ay naging matagumpay siya sa mga pagsasaling ginawa . Isa
sa mga nagbigay karangalan sa kanya ang pagsalin niya ng Lucia Del Lammermor.
Ikatlong yugto ng Opera La Traviata. Naging Obra maestro niya ang pagsasalin sa
tagalog ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Si Patricio Mariano
din ay nakasulat din ng mga 132 na tula batay sa kanyang pag-araw-araw na
karanasan at pananaw sa buhay. Siya ay binawian ng buhay noong Enero 25,1935
ang ikinamatay niya ay tumor sa leeg.
Ilan sa mga katha niyang natamo ng gantimpala ay ang sumusunod:
Silanganan- dulang iisahing yugto na itinanghal sa Rizal Theater noong Disyembre 30,1904. Ang
Gantimpala ay buhat sa Samahan ng mga manunulat ng Wikang Tagalaog.
Ang pakakak- dulang iisahing yugto na inilahok niya sa itinaguyod ng El Renancimiento noong 1903.
Ang Filibusterismo- Akda ni Dr. Jose Rizal ang kanyang isinalin sa tagalog.
Bukod sa mga nabanggit ay marami pa siyang naisulat na mga dula:
Marcela- sarsuwelang iisahing yugto na nilapatan ng tugtugin sa Francis Buencamino at itinanghal
noong Enero 3,1904.
Declaration de Amor- Sarsuwelang iisahing yugto na nilapatan ng tugtugin ni Bonifacio Abdon at
itinanghal sa Rizal Theater sa maynila noong Hunyo 2,1903.

Huwag lang lugi sa Puhunan- Sarsuwelang iisahing yugto na nilapatan ng tugtugin ni Bonifacio
Abdon at itinanghal sa Rizal Theater noong Hunyo 5, 1905.
Si Tiyo Selo- Sarsuwelang iisahing yugto musika ni Bonifacio Abdon, itinanaghal sa Zorilla
Theater noong Hunyo 5,1905.
Luhat Dugo- Sarsuwelang iisahing yugto , musika ni Bonifacio Abdon itinanghal sa Zorilla
Theater noong Agosto 20,1905.
Yayang- Sarsuwelang iisahing yugto itinanghal sa Rizal Theater noong Septyembre5,1905.
Tulisan- Sarsuwelang iisahing yugto, musika ni Bonifacio Andon na itinanghal sa Angel
Theater noong Pebrero 9.1907.
Carnaval No.1- Sarsuwelang iisahing yugto at musika ni Bonifacio Abdon na itinanghal sa
Zorilla Theater noong Pebrero 9,1907.
Lihim na pag-ibig- sarsuwelang iisang yugto tugtugin ni Bonifacvi Abdon itinanghal sa Angel
Theater noong Pebrero 9,1907.
Pangakong hindi natutupad- sarsuwelang may tatlong yugto sa tugtugin ni F. Bonifacvio
itinanghal sa Zorilla Theater noong Mayo 15,1905.
Jose MA. Rivera

Si Jose MA. Rivera ay isinilang sa Tondo , Maynila noong Pebrero 21,1882 . Siyay
manunulat sa at isang mandudula sa Tagalog. Nag-aral siya sa Liceo de Manila
ngunit natapos din niya ang Batchelor of laws sa La Jurisdencia. Siyay naging
kasapi sa katipunan na pinamumunuan ni Andress Bonifacio.
Naging kagawad siya sa Ibat-ibang pahayagan tulad ng El Renacimiento Filipino,
Muling pagsilang, La Patria,Vida Filipina,at Liwayway. Siyay naging patnugot ng
mga pahayagang El Imparcial,Matralla at Buntot pague. Naging pangulo rin siya sa
ilaw at panitik, isang samahang pampanitikan.
Ang unang dula na isinulat niyay ang Ang Mga Kamag-anak at otoy sinundan ng
mga sumusunod na dula :
Mga pagkakataon,Sari-sari,Rizal En El Olimpio,Kundiman,Pangarap
Lamang,Maninira,Simoun,Ang Bulag,19 ng Hunyo,Mga Bingi,Panibugho at Lihim ng
Ina.
Juan Crisostomo Sotto

Isinilang noong Enero 27,1867 sa Cabetican, Bacoor Pampanga. Siyay nagtago sa sagisag na
Crissot. Siya ay nag-aral sa Colegio de Juan Letran. Napabayaan niya ang pag-aaral dahil
nalulong siya sa pagsalin sa Wikang pampango na Romeo and Juliet ni William Shakespeare.
Sa panahon ding ito nalathala sa isang magasin ang kanyang dulang Ing Pamaguisa Na Ning
Mete (Ang kasalan ng Patay).
Siyay naging sundalo ng hukbong Sandatahan ng pilipinas noong himagsikan laban mga
Amerikano.
Ilan sa mga nasulat niyang dula ay ang mga sumusunod:
Ing Marino (Ang Marino)
Bayan at Sinta (Bayan at Pag-ibig)
Ing Paninap Nang Don Roque (Ang pangarap ni Don Roque)
Ing Metung A Perla Gen Pusali (Ang peralas sa putikan)
Julio Agosto Alang Dios (Walang Diyos)

You might also like