Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Ang paglilitis ni

Rizal

Ulat nina: Joie Nato
William Terencio
Mga pangyayari

Inaresto si Rizal noong siya ay nakasakay sa barkong
papunta ng espanya at nakarating siya ng Maynila
noong nobyembre 3, 1896.

Noong nobyembre 1896 siya ay na incommunicado sa


Fort santiago
Simula

Noong agosto 1896 nagsimula na ang pag aaklas sa
Manila at lumaganap ito hanggang Cavite.

Nang dahil dito napilitan ang espanya na magpadala


ng mga karagdagang tauhan at nagtalaga sila ng
bagong gobernador na papalit kay Blanco kung kaya
naman mistulang nagmadali si blanco na tapusin
ang paglilitis ni RIzal
Mga petsa ng paglilitis ni
Disyembre Rizal
2 - Ibinigay ni Blanco ang kaso ni Rizal kay Dominguez.

3 - Binuksan ang kaso ni Rizal.

5 - Inendorso ang kaso kay General de la pena.

8 - Kahit pista ng Imakulada Conception nagpatuloy. padin


ang kaso at hinirang si Enrique Alcocer bilang fiscal.

9 Nagbigay ng paunang hatol si Alocer at inihanda ang mga


kagamitan na kailangan sa paglilitis.
Inihanda din ang listahan ng mga taong pwedeng dumepensa
kay Rizal.
Disyembre
10 - Ipinakita ang nasabing listahan kay Rizal at pinili
niya si Luis de taviel upang dumepensa sakanya.

N.B Ang lahat ng nasa listahan ay first o second
lieutenant lamang. Ito ay mababa na rango kung
Ikukupara sa fiscal.

11 - kinumpiska ang mga ari arian ni Rizal upang


mabayaran ang mga damages na nagawa ni Rizal
laban sa gobyerno.
Disyembre
21 - Nagsumite ng trial brief ang fiscal.
22 - Ipinakita ang trial brief kay Rizal.


24 - Kahit na mag pasko ay tuloy tuloy padin ang kaso
laban kay Rizal at hinirang ang mga huwes palilitis.

26 - Natuloy ang court martial at pinarusahan ng


kamatayan si Rizal.

27 - Inaprubahan ni Pena ang hatol kay Rizal.

28 - Itinalaga ang araw, lugar at oras ng pag hatol kay


Rizal; Disyembre 30 7:00 ng umaga sa Bagumbayan).
29 - Binasa kay Rizal ang hatol sakanya. At siya ay na
En capella


Disyembre
30

Binaril si Rizal
Mga anomalya ng
paglilitis
ni Rizal
Labis na pagmamadali

Nakakadudang pag obserba ng mga legal na


pormalidad.

Pagtanggi sa makatarungang paglilitis at pagliban sa


mga karaptan.
Labis na pagmamadali

Madaliang pagdinig
Hindi man lang naantala ng pista ng imakulada o ng
pasko ang paglilitis.

Dininig ang kaso at nagbigay ng hatol kahit hindi pa


nakukuha ang mga kinakailangan na dokumento
para sa paglilitis.
Nakuha lamang ang lahat ng dokumento at
testimonya noong abril 1898, Isang taon at apat na
buwan ng patay si Rizal.
Nakakadudang pag obserba ng mga legal na pormalidad.


Kinokunsulta muna ng gobernador ang mga opisyal
bago nito iusad ang kaso. Hinihingi ng gobernador
ang opinion ng mga opisyal at itinatala ito.
(Sinisigurado ang pagkakakulong ni Rizal)
Pagtanggi sa makatarungang paglilitis at pagliban sa mga
karaptan.


Hindi ihinarap kay Rizal ang mga taong umaakusa
sakanya.

Hindi pinayagang litisin ang mga umaakusa


sakanya. Hindi nabigyan ng opotunidad ang
magtatanggol kay Rizal na tanungin ang mga
umaakusa kay Rizal.
Kawalan ng hustisya

Pinapili ng dedepensa sakanya si Rizal ngunit, 1st at
2nd lieutenant lamang ang rango ng mga opisyal na
pagpipilian nya ito ay mababa kung ikukumpara sa
fiscal.

Hindi abogado ang dedepensa sakanya.

Si Rizal ay nililitis sa ilalim ng court martial kahit


hindi siya sundalo.
Pinagbibintangan si Rizal na:


1.Paghihimagsik(Rebellion).
Prinsipal sa pagsisimula ng katipunan.

2.Illegal na asosasyon(Illegal association)


1.Prinsipal sa pagsisimula ng katipunan.


Nasa prosekyusyon ang onus probandi na
patunayan na si Rizal ang pinsipal ng rebolusyon na
sinimulan nila Bonifacio at pinagpatuloy ni
Aguinaldo.

Hindi ito napatunayan ng maayos ng prosekyusyon


at walang matibay na ebidensya ngunit pinatay
padin si Rizal

Inamin ni Rizal na nakipagkita siya kay Don Pio
Valenzuela at kinausap siya nito tungkol sa isang
rebolusyon na hindi naman siya sumangayon
sapagkat alam niyang hindi ito mananalo dahil sa
kulang sa armas at eduksyon ang mga Pilipino.
Itinanong din kay Rizal kung alam ba niya na
nakasabit sa mga kuta ng katipunero ang kanyang
larawan ngunit itinanggi niya ito.

Inamin ni Rizal na may narinig siyang balita na
itatakas siya ngunit sinabing tutol siya dito
Inakusahan din siya na may kinalaman siya sa mga
paniningil ng katipunan ngunit sinabi niya na may
sapat siyang salapi upang tustusan ang kanyang
pang araw araw sapagkat siya ay doctor.
Illegal na asosasyon

Inaakusahan si Rizal na kasapi ng katipunan at ng La
liga filipina

Itinaggi niya ang katipunan at inamin naman na siya


ang gumawa ng batas ng La liga ngunit ipnaliwanag
niya na nagwatak watak din naman agad ito.
Minasama din ng corte ang pagiging miyembro ng
mason ni Rizal kahit na hindi naman ito illegal at
kasapi pa nga dito ang ilang mga opisyal ng espanya.
Mga mali at walang kinalaman na
ebidensya

Ginawang ebidensya ang liriko ng kundiman kahit si
pedro paterno naman ang gumawa nito.

Ginawa ding ebidensya laban sakanya ang mga liham


na wala naman niyang pirma.
Sinabi ni Antonio Salazar(Co-accused) na si Timoteo
Paez ay sumama sa kapatid ni Rizal upang umarkila
ng barko na maghahatid kay Rizal mula Dapitan
papuntang Japan para makipagkita kay Marcelo Del
Pilar at Doroteo Cortes
Pagwawakas

Walang kahit anong dokumento na sumuporta sa
akusasyon na ito at sinabi ni Timoteo paez na may
iba siyang dahilan kaugnay ng kanyang negosyo
kaya siya nagpunta ng singapore

Sinabi din ni Rizal na ignorante sa katotohanan ang


gumawa ng storyang ito sapagkat may alitan sila ni
Doroteo Cortes.
Pagwawakas

Kahit na walang sapat na ebidensya at mali ang
proseso si Rizal ay pinatay padin sa huli.

Nais ng Espanya na daragin ang puso at takutin ang


mga pilipino sa pagbibigay ng halimbawa gamit ang
pagpaslang kay Rizal tulad na lamang ng ginawa
nila sa GomBurZa.
Ngunit kabaliktaran ang nangyari sapagkat sa
pagkamatay ni Rizal nabuhay ang rebelyon.

You might also like