El Fili Kabanata 21-23

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Kabanata

21
Masaya at makulay ang Teatro de
Variedes ito ay naliliwanagan nang mabuti at
napapalamutian ng mga bulaklak at halaman.
Sa wakas, ang operatang Les Cloches de
Cornerville ni Mr. Jouy ilang araw ding laman
ng mga pahayagan ay itatanghal na sa gabing
iyon. Inaabangan ang mga artista. Maganda
raw kasi ang kanilang mga tinig bukod pa sa
magaganda ang kanilang anyo at kalooban.
Mahaba-haba ang pila ng mga taong
nagsisipaghintay na makapasok sa takilya.
Nagkaubusan ng tiket noong ikapito at
kalahati ng gabi. Marami ang nagalit at
marami ang nagsamantala dahil nang
labinlimang minuto na lamang bago ang
ikawalo, may mga tiket na ipinagbibili sa
mataas na halaga. Makapal ang mga taong
malapit sa may pasukan at inggit sa mga
taong nakakapasok sa loob ng dulaan.
Sa may di kalayuan sa labas ng dulaan ay may
isang tila walang interes na makapasok. Siya ay
mataas at payat na lalaki at kung lumakad ay
kinakaladkad ang isang paa. Makinis ang kanyang
mukha. Nakaamerikana siyang kulay kape at
pantalong pari parisukat ang guhit at may suot na
sirang sombrero ngunit mabaho at naglalagkit ang
dumi. Siya ay si Camaroncocido. Ang kanyang buhay
ay parang hhiwaga para sa lahat. Walang nakakaalam
kung paano siya nakarating sa Pilipinas. Ang sabi ay
galing sa tanyag na angkang Kastila ngunit pinilipang
mamuhay na parang pulubi sa Pilipinas at ang
ikinabubuhay ay ang pagpapaskil lamang.
Siya ay marahang naglalakad.
Sinalubong siya ng isang pandak na
matandang lalaki. Kabaligkataran siya no
Camaroncocido. Siya ay maliit, may
patilya, at puting bigote. Ang kanyang suot
na pantalon ay maluwang at mahaba sa
kanya maging ang mga suot na sapatos. Siya
ay nakasombrerong de copa. Siya ay isang
Pilipino. Siya y Tiyo Kiko.
Kaibigan....! ang bati niya kay
Camaroncocido kasabay ng nagkalansing sa
mga barya sa kanyang bulsa. Nagkibit-
balikat lamang si Camaroncocido nang
makita ang mga piso. Masayang ibinalita ni
Tiyo Kiko sa kanyang kaibigan ang
pagbabayad sa kanya nang malaki mga
Pranses sa pagdidikit ng mga paskil para sa
pagtatanghal.
Talaga? magkano naman kaya ang ibinayad
sa mga prayle? ang ganting sagot ni
Caamaroncocido.
Nahati sa dalawang pangakat ang maynila sa
palabas. May tutol o sang-ayon dito tulad nina
Don Custodio, mga prayle mga babaeng may
asawa o kasintahan na ang sabiy lihis daw ang
palabas sa pananampalataya, mabubuting ugali,
at iba pa. may sang-ayon din naman tulad ng mga
opisyal ng hukbo,kawani, at matataas na tao.
Maging si Ben zayb ay hindi napigil
sa pagsulat ng panunuligsa ukol sa
palabas. Ngunit sa pagkakataong ito,
siya ay naging maingat sa pagsulat
dahil ayaw na niyang mapintasan tulad
nang minsang nagkamali siya sa
pagsulat ng pangalan ng isang
italyanong tenor.
Sabi ko na sayo Kiko eh! ang sabi ni
camaroncocido. ang kalahati ng mga taong
nais makapanood ng palabas ay dahil sa
sinabi ng mga praylena huwag itong panoorin
samantalang ang kalahati naman ay dahil sa
pag-aakalang sadyang may ituturo ang
palabas kaya ipinagbabawal ng mga prayle.
Ang iyong mga paskil ay nakahikayat ng mga
manonood ngunit higit na nakahikayat ang
pastoral ng mga prayle.
Nagpaalam si Tiyo Kiko sa kanyang
kaibigan na bubulong-bulong at
nagpatuloynaman sa paglakad si
Camaroncocido. Napansin nya ang mga
bagong dating na hindi nya kilala at
wariy hindi bagay sa kanila ang suot
na amerikana. Sila ay nagsesenyasan
sa pamamagitan ng pagkindat at pag
ubo at umiiwas a mapansin.
Sino sila?mga sekreta kaya o
magnanakaw? Eh ano ngayon sa akin?, ang
mga naibulong ni Camaroncosido sa sarili ng
makita niya ang isang sundalo na nakipag
usap sa isang pulutong ng mga mag-aaral at
pagkatapos ay lumapit sa isang karwahe at
kinausap ang taong sakay sa loob. Nagulat
si Camaroncosido dahil ang sakay ng
karwahe ay si Simoun at sinabi sa lumapit
sa kanya ang Tandaan, ang hudyat ay
isang putok!
May binabalak siguro sila!,bulong ni
Camaroncosido sabay pagkapkap sa sariling
mga bulsa at nang matiyak na walang laman
ang mga ito ay muli itong nakibit ng balikat at
nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Siya ay
napatapat sa dalawang taong nag-uusap at
narinig niyang sinabi ng may hawak na rosaryo
at kalmen ang Malakas ang prayle kaysa sa
heneral dahil ang heneral ay umalis
samantalang ang mga prayle ay naiiwan.
Samantala, ang labas ng dulaan ay
makikita si Tadeo na kasama ang isang
kababayan na hangang hanga sa kanya dahil
kahit sinong dumaanay ipinamamalita niya
na iyon ay may mataas na katungkulan at
kakilala niya. Sa kanilang harapan, dumaan
si Paulita Gomez at Donya Victorina kasama
si Juanito Pelaez, si Padre Irene na sa
kabila ng pagbabalat kayo ay nakilala rin ni
Tadeo.
Nakita rin nila si Don Costudio.
At ng dumating ang pangkat nina
Macaraeg, Pecson Sandoval, at
Isagani at yayain si Tadeo dahil
may sobra silang ticket na para
sana kay Basilio ay hindi na
nagpakipot pa si Tadeo at iniwan
na lang basta ang kababayan.
Kung tayo ay magtatagumpay, tiyak na magiging mayaman tayo kaya tandaan na ang hudyat ay isang
putok! Ngunit tulad ng dati, nagkibit lamang ng isang balikat si Camaroncocido
Tama ang usap usapan sa loob ng
dulaan. Hindi nanood ng operatang Pranses
si Simoun dahil abala siya ng gabing iyon.
Iba iba ang mga taong kasama niyang
umalis at bumalik ng kanyang bahay.
Ikawalo ng gabi ng makita siya ni Macaraeg
sa kalye. Ospital na malapit sa kumbento
ng Santa Clara samantalang ng ika siyam na
gabi ay nakita naman siya ni
Camaroncocido sa labas ng dulaan.
Sa gabing iyon ay naging abala rin si
Basilio. Tulad ni Simoun, hindi siya nanood ng
palabas dahil pagkatapos niyang tugusin si Huli
kay Hermana Penchang, wala siyang inatupag
kundi ang pagrerepaso ng kaniyang aralin at pag
aalaga kay kapitan Tiago na kahit madalas ay
bugnutin at nilalait siya ay nais niyang
pagalingin.At habang lumilipas ang mga
araw,lumalala ang kalagayan ni kapitan Tiago.Ang
pagbabawas sa paghitit ng apyan ni kapitan Tiago
ay kanyang isinasagawa.
Ngunit kapag ang binata ay galing ng
lalawigan o kaya ng paaralan nadadatnan niya
itong tulog na tulog,naglalaway at maputlang-
putla dahil sa sobrang paghihitit ng apyan.Hindi
alam ni Basilio kung sino ang nagbibigay ng apyan
kay kapitan Tiago.Sina Simoun at Padre Irene ang
mga dumadalaw dito lagi pang ibinibilin ni Simoun
kay Basilio na alagaang mabuti ang may sakit
samatantalang si Padre Irene naman ang laging
pingangakuan si Basilio ng mabuting trabaho
pagkatapos ng medisina.
3. Habang nagrerepaso ng kanyang aralin ng gabing iyon si Basillio ay dumating si Simoun.

You might also like