Professional Documents
Culture Documents
Ang Kuwentong Bayan
Ang Kuwentong Bayan
BAYAN
ANG KUWENTONG-BAYAN
Ay bahagi ng ating katutubong panitikan
Lumaganap at nagpasalin-salin sa ibat ibang henerasyon sa
paraang pasalindila o pasalita.
Anyong tuluyan
Naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung nagsimula at
lumaganap.
ANG KUWENTONG-BAYAN
Maraming pumapaksa sa hindi pangkaraniwang pangyayaring:
- Ibong nangingitlog ng ginto
- Nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mgadiyos,
diyosa, sirena,engkantada at iba pa.
Masasalamin sa mga K-B ang kaugalian, pananampalataya, at
suliraning panlipunan kung kailan ito naisulat.
ANG KUWENTONG-BAYAN
May mga K-B na ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng
mga mambabasa o tagapakinig subalit ang karamihan sa mga ito
ay kapupulutan ng aral.
May mga tampo o kilalangkwentong-bayan ang bawat rehiyon sa
Pilipinas.
MGA KUWENTONG-BAYANG
TAGALOG
Si Maria Makiling
Si Malakas at Maganda
Mga Kuwento Ni JuanTamad
MGA KUWENTONG-BAYAN SA BISAYA
Ang bundok ng Kanlaon
Ang batik ng Buwan
MGA KUWENTONG-BAYAN SA
MINDANAO
Isang Aral Para sa Sultan
Si Monki, si Makil, at ang mga Unggoy
Ang Munting Ibon
GABAY NA GAWAIN
1. Ano-ano ang mga katangian ng isang kwentong-bayan?
2. Bakit sinasabing nakalilibang ang pagbabasa o pakikinig
ng kwentong bayan?
3. Kung ihahambing sa mga panoorin o babasahin sa
kasalukuyang panahon, saan pinakamalapit ang paksa at
ang mga katangian ng kwentong-bayan? Patunayan
PANGKATANG GAWAIN
Isulat natin p. 19
Ano ang kahalagahan ng
Kwentong-bayan sa atin?
Ang Punong Kawayan
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang santol, mayabong ang mangga,
mabulaklak ang kabalyero, tuwid at mabunga ang niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na kawayan.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si
Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang
kaawa-awa.