Miguel Bayot

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

MIGUEL BAYOT

Parang naririnig ang lagi maog wika:


Tatlong araw na di nagtatanaw tama,
At sinasagot ko ng sabing may tuwa,
Sa isang kataoy marami ang handa
Ano pangat walang di masisiyasat
Ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas
Sa kagugunita, luhay lalagaslas,
Sabay ang taghoy kong, O, nasawing Palad!
Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib
Ang suyuan namiy bakit di lumawig?
Nahan ang panahon isa niyang titig
Ang siyang buhay ko, kaluluwat langit
Bakit baga noong kamit maghiwalay
Ay di pa nakitil yaring abang buhay
Kung gunitain koy aking kamatayan
Sa puso koy Celiay di ka mapaparam
I
Itong di matiis na pagdaralita
Nang dahil sa iyo, o nalayong tuwa
Ang siyang umakay na akoy tumula
Awitin ang buhay ng isang naaba
Celiay talastas kot malabis na umid
Mangmang ang musa kot malumbay ang tinig
Di kinabahagya kung hindi malait
Palaring dinggin mo ng taingat isip
Itoy unang bukal ng bait kong kutad
Na inihahandog sa mahal kong yapak
Tanggapin mo nawa kahit walang lasap
Nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat
Kung kasadlakan man ng pulat pag-ayop
Tubo koy dakila sa puhunang pagod
Kung binabasa moy isa mang himutok
Ay alalahanin yaring naghahandog
Masasayang nimfas sa lawa ng Bai
Sirenas ang tinig ay kawili-wili
Kayo ngayoy siyang pinipintakasi
Ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi
Ahon sa dalatat pampang na nagligid
Tonohan ng lira yaring abang awit
Na nagsasalitang buhay may mapatid
Tapat na pagsintay hangad na lumawig
Ikaw na bulaklak niring dilidili
Celiang sagisag moy ang MAR
Sa birheng mag-inay ipamintakasi
Ang tapat mong lingkod na si FB
WARAIN GWAPA
Makailan, Laurang sa akiy iabot
Basa pa ng luhang banding isusuot
Ibinibigay mo ay naghihinutok
Takot masugatan sa pakikihamok
Balutit koletoydimo papayagang
Madampit malapat sa aking katawan
Kundi tignan munat baka may kalawang
Ay nanganganib kang damit koy marumhan
Sinisiyasat mo ang tibay at kintab
Na kung sayaran man ng tagay dumulas
At kung malayo nay iyong minamalas
Sa gitna ng hukboy makilala agad
Pahihiyasan mo ang aking turbante
Ng perlas, topasyot manigning na rubi
Bukod ang magalaw na batong diamante
Puno ng ngalan mong isang letrang L
Hanggang akoy walat nakikipaghamok
Nag aapuhap ka ng pang aliw loob
Manalo man akoy kung bagong nanasok
Nakikita mo na may dala pang takot
Buong panganib moy baka nagkasugat
Di maniniwala kung d masiyasat
At kung magkagurlis ng munti sa balat
Hinuhugasan mo ng luhang nanatak
Kung akoy mayroong kahapisang munti
Tatanungin mo na kung ano ang sanhi
Hanggang di malinang ay idinirampi
Sa mga mukha ko ang rubi mong labi
Hindi ka tutugot kung di matalastas
Kakapitan mo ng bigla ang lunas
Dadalhin sa hardit doon ihahanap
Ng ikaaliw sa mga bulaklak
Iyong pipitasin ang lalong marikit
Dini sa liig koy kusang isasabit
Tuhog na bulaklak sadyang salit salit
Pag uupadin mong buhay koy mapaknit
At kung ang hapis koy hindi masawata
Sa pilik mata moy dadaloy ang luha
Napasaan ngayon ng gayong aruga
Sa dala kong sakit ay di iapula
JAMES BAYOT
Inihinging tawad ng luha at daing
Ang kaniyang anak na mutyat kot giliw
Ang sagot kung di kusa kong tanggapin
Ang pagsinta niyay di patatawarin
Anong gagawin sa ganitong bagay
Ang sinta ko bagay bayaang mamatay?
Napahinuhod na akot nang mabuhay
Ang prinsipeng irog na kahambal-hambal
Ang nabalinong matibay kong dibdib
Sa suyo ng hari bala at paghibik
Nanlambot na kusat kumain sa sakit
At nang mailigtas ang buhay ng ibig
Sa tuwa ng hariy pinawalan agad
Ang dahil ng aking luhang pumapatak
Datapuwat tadhanang umalis sa siyudad
At sa ibang lupay kusang mawakawak
Pumanaw sa Persya ang irog kot buhay
Na hindi man lami nagkasalitaan
Tingni kung may luha akong ibubukal
Na maitutumba sa dusa kong taglay
Nang iginagayak sa loob ng reyno
Yaong pagpapakasal na kamatayan ko
Aking naakalang magdamit gerero
At kusang magtanan sa real palasyo
Isang hatinggabing kadilimay lubha
Lihim na naghugos ako sa bintana
Walang kinasama kundi nga ang nasa
Matunton ang sinta kung nasaang lupa
May ilan taong akoy naglagalag
Na pinapalasyo ang bundok at gubat
Dumating nga ritot kitay nailigtas
Sa masamang nasa iyong taong sukab
Salitay nahinto sa biglang pagdating
Ng Duke Florantet Prinsipe Aladin
Na pagkakilala sa boses ng giliw
Ang gawi ng pusoy di mapigil-pigil
Aling dila kaya ang makasasayod
Ng tuwang kinamtan ng magkasing-irog?
Sa hiya ng sakit sa lupay lumubog
Dala ng kanyang napulpol na tunod
Saang kalangitan napaakyat kaya
Ang ating Florante sa tinamong tuwa
Ngayong tumititig sa ligayang mukha
Ng kaniyang Laurang ninanasa-nasa

You might also like