Professional Documents
Culture Documents
Pangatnig at Transitional Devices
Pangatnig at Transitional Devices
TRANSITIONAL
DEVICES
PANG-UGNAY
- kataga at salitang
ginagamit na tagapag-
ugnay ng mga salita at
kaisipan at pahayag sa
pangungusap.
MGA URI
1. Pang-angkop (ligature)
- mga katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan.
- ginagamitan ng mga katagang na,
ng at iba pa
PANG-ANGKOP
a. ng ikinakabit sa salitang
nagtatapos sa patinig
halimbawa:
magandang panukala
(maganda+ng panukala)
PANG-ANGKOP
a. na isinusunod sa mga salitang
nagtatapos sa katinig maliban sa -n-.
halimbawa:
matatag na kinabukasan
PANG-ANGKOP
a. g ikinakabit sa salitang
nagtatapos sa katinig na n.
halimbawa:
bayang mapalad
(bayan+g mapalad)
MGA URI
2. Pang-ukol (Preposition)
- mga salitang nag-uugnay sa isang
panggalan sa iba pang salita.
- ginagamitan ng mga katagang ang/si,
ng/ni/kay, ayon sa/ayon kay, para
sa/para kay, hinggil sa/hinggil kay,
laban sa/laban kay
MGA URI
3. Pangatnig (Conjunction)
- mga salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala o sugnay.
- ginagamitan ng katagang tulad
ng, kahit na, dahil sa, palibhasa,
bukod-tangi, kasi
PANGKAT NG PANGATNIG
1. Nag-uugnay ng magkatimbang na yunit
- nag-uugnay ng mga salita, parirala at sugnay na
nakapag-iisa
- ginagamitan ng mga katagang at, pati, saka, o,
ni, maging, ngunit, subalit
Halimbawa:
Ang panlabas na kagandahan ay madaling makita
subalit ang totoo mong katauhan ay nakikita sa
iyong mabubuting gawa.
PANGKAT NG PANGATNIG
2.Nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit
- pantulong na sugnay
- ginagamitan ng mga katagang kung,
nang, upang, kapag, sapagkat, at kaya
Halimbawa:
Kung akoy pamimiliin sa kagandahan o
katalinuhan, ang pipiliin ko ay katalinuhan.
Hal.
URI NG PANGATNIG
1. Panlinaw
- nagbibigay kalinawan sa isang
kaisipan, bagay o pangyayari
Hal.
Hindi na niya gagastusin ang pera sa
alak kaya naniniwala silang tanda na ito
ang kaniyang pagbabago.
URI NG PANGATNIG
2. Panapos
-nagbabadya ng pagwawakas
Hal.
Sa wakas kinakikitaan din ng
pagbabago ang ama.
URI NG PANGATNIG
3. Pamukod
-may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay
at kaisipan
Hal.
Ikaw o ang iyong mga anak ang
magdurusa kung may bisyo ang ama sa
tahanan.
URI NG PANGATNIG
4. Paninsay
-kung sa tambalang pangungusap ang
ikalawa ay sinasalungat ang una
Hal.
Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi
na ito makikita ni Mui Mui subalit naniniwala
silang pinagsisihan niya ang lahat.
URI NG PANGATNIG
5. Pananhi
-nagsasaad ng kadahilanan at
pangangatwiran
Hal.
Mga takot ang mga anak
palibhasay takot din ang ina.
URI NG PANGATNIG
6. Panubali
- nagsasaad ito ng pag-aalinlangan
Hal.
Walang kasalanang di
mapapatawad ang Diyos kung ang
nagkasala ay nagsisisi.
URI NG PANGATNIG
7. Pantuwang pinag-uugnay ang
magkakasinghalaga o magkapantay ang
kaisipan
Hal.
Ang pagluha ng ama saka ang
paghingi ng patawad ay palatandaan ng
pagsisisi nito.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG
PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES:
1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
o gawain - sumunod, pagkatapos, una,
saka at pati.
Hal. Unang dumating ang mga binata,
sumunod ang mga dalaga, pagkatapos
ang mga bata.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG
PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES:
2. Pagbabagong-lahad - sa ibang salita, sa
madaling sabi, sa biglang sabi, sa katagang sabi,
sa tahasang sabi, sa kabilang dako
Hal.
Si Gng. Masambong ay isang babaing
mapagkawanggawa sa mahihirap at laging
handang tumulong sa nangangailangan.Sa
madaling salita, bukas-palad siya sa mga
mahihirap.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG
PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES:
3. Pagtitiyak - tulad ni, tulad ng,
katulad, gaya, sumusunod, kahalintulad
Hal. Maraming magagandang lugar na
maaring puntahan ng mga turista,
tulad ng Boracay, Baguio, Tagaytay at
iba pa.
MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG
PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES:
4. Paglalahat - bilang pagtatapos, bilang
pagwawakas, sa wakas, sa di kawasa,
anupat