Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pangkat Etniko sa Asya

By: Group 3
Mga Pangkat-Etniko sa Asya
Ang malawak na lupain ng Asya ay pinaninirahan at
katatagpuan ng ibat ibang pangkat-etniko. Ang mga pangkat-
etnikong ito ay may kanya-kanyang katangiang pisikal at paraan
ng pamumuhay. Sila ay gumawa ng mga angkop na pakikibagay
sa kani-kanilang kapaligirang kinaroroonan. Nakayanan nilang
mamuhay sa uri ng klima sa kanilang lugar. Nakalikha sila ng
mga bagay at paraan ng ikabubuhay na nagbigay daan sa
paglinang nila ng sariling kultura. Sa pagdaraan ng panahon,
naapektuhan ng mga pagbabago ang kanilang pamumuhay dala
ng pag-usbong ng mga bagong uri ng kultura, paghina ng
tradisyonal na kultura at pagsasanib ng mga kultura. Sila ay
bahagi ng yamang tao sa Asya.
Ano nga ba ang pangkat etniko? Bakit sila
itinuturing na yamang tao ng isang bansa?
Ang pangkat-etniko ay grupo ng mga tao na may kulturang kakaiba sa ibang
grupo ng mga tao. Nakabuo ito ng sariling wika at sariling mga kaugalian at
tradisyon. Sila ay nagmula sa ibat ibang lahi- Caucasoid o puti, Mongoloid o
dilaw at Negroid o itim. May kanya-kanya silang pagkakakilanlan. Ang mga
pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng Asya ay grupo ng mga mamamayang
naiiba sa nakalalaking bahagi ng populasyon ng bawat bansa. Naiiba sila sa
wika,uri ng pamumuhay,relihiyon,kaugalian,kasanayan at gawing panlipunan.
Ang mga ito ang bumubuo ng kanilang identidad o pagkakakilanlan.
Sa ilang bansa sa Asya, may maliliit na pangkat na kakaiba ang kultura sa
karaniwang kultura ng nakararaming tao ng bansa. Sila ang itinuturing
minoryang kultural. Mas maliit ang kanilang bilang kung ihahambing sa bilang
ng mayoryang grupo, kung kaya ang pagturing sa kanila ng nakararami ay mas
mababa.
May Ibat ibang pangkat-etniko sa mga rehiyon ng Asya. Tingnan sa
talahanayan ang mga pangkat etnikong ito sa susunod na pahina.
Ang Paglinang ng Wika Tungo sa
Paghubog ng Kultura ng mga Asyano.
Ang wika ay bahagi ng kultura ng tao. Ito ang isa sa malinaw na palatandaan
ng kultura ng isang bansa. Ang wika bilang kultura ay kolektibong yaman ng
karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kanyang kasaysayan. Sa isang
wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong
angkinin at ipagmalaki. Parang hininga ang wika. Sa bawat sandai ng buhay ng
mga tao ay hindi mawawala ang wika. Palatandaan na Malaki ang pakakaiba
ng mga tao sa hayop. Ito ang daan upang ang mga tao ay magkaroon ng
kakayahan umugnay sa kapwa. Sa bawat pangangailangan ng mga tao,
gumagamit ng wika upang makamtan ang pangangailangan: kung
nagugutom,humihingi ng pagkain ; kung nasusugatan, dumadaing upang
mabigyan ng panlunas. Sa pamamagitan ng wika, naipaaabot ng mga tao ang
kanilang damdamin,kagustuhan,asal, at tradisyon kanilang kapwa.
Karugtong:
Wika ang naging susi sa pakikitungo at pakikipagugnayan ng iba-ibang grupo
ng mga tao sa Asya sa isat isa . Sa pamamagitan ng wika, natutunan ng mga
Asyano ang mga Kwento, awit, dasal at iba-ibang kaalamang nagpayaman sa
kanilang buhay at kultura. Ang wika ay mahalaga sa buhay ng Assyano Mula
pagkabata hanggang sa pagtanda, ang wika ay tulay ng bawat isa sa
kabihasnan at sa kanyang kaunlaran.
Ang wika siyang nagbibigay ng ugnayan o instrument ng mga Asyano sa
kanyang mga kalahi at kapatiran. Dahil ditto nabubuklod ang mga bansa sa
Asya. Walang pagpapalitan ng kaisipan at walang pagkakaisa ang mga Asyano
sa kanilang bansa at sa ibang bansa kung wala ang wika: pagsulat o pagsalita
man. Nabubuklod ang bayan at ang mga mamamayan dahil sa wika. Maaaring
gamitin ang wika sa pakikihamok, pakikipaglaban,pagpapahalaga at pagtitipon.
Ang wika ng tao ay masistema dinamiko at maproseso. Ito ang instrumento ng
tao sa kanyang lipunan upang siya ay umunlad nang may karunungan.
Rehiyon sa Asya at Pangkat-Etniko nito.
Silangang Asya HanTsino,Tibetan,Uyghur,Mongol,Manchu,Miao,C
huang,Tujia,Uzbeck,Hui,Yamato,Ainu,Ryukyuan,B
urakumin at madami pang iba..
Timog Asya
Daravidian,Bengali,Lepcha,Bhutia,Hindu,Parbatiya,
Newars,Bhutanese,Sinhalese,Tamil,Dhiveli,IndoAry
an,Indian,Arab,Malay,African,Lhotsampas.
Shan,Karen,Kachin,Burman,Achang,Padaung,Kaya
Timog-Silangang Asya
h,Miao,Man,Thai at marami pang iba.
Turk,Arab,Afghan,Jew,Farian,Kurd,Assyrian,Iraqi,
Kanlurang Asya Turkmen,Persian,Baktiari,Lurs,Oashari,Shahsavan,
Kuwaiti,Pashtun,Hazara,Aimak,BalochBahraini.
Turbic,Tajik,Uzbec,Kazakh,Kirgyz,Turkmeni,Karak
alpak,Azeri,Dagestani,Russian,Armenia
Hilagang Asya
Karugtong :

Naniniwala si Gottfried Wilhelm Leibniz,isang pilosopong Aleman noong


ika-18 siglo, na nagmula ang lahat ng wika sa daigdig sa iisang sinaunang
wika. Ngunit maaring sabay-sabay na lumitaw ang ilang sinaunang wika. At
dahil sa pagpangkat-pangkat at paghiwalayhiwalay ng mga pangkat na iyon,
nagkaroon ng pagbabago ang kani-kanilang wika sa bikabularyo,tunog at
estruktura. At kapagnagkaroon na ng napakaramingpagbabago ang isang wika,
naging lubos nang ibang wika ito sa dating wikang pinagmulan. Ayon sa mga
eksperto,lumitaw ang unang wikang modern mga 40,000 hanggang 30,000
taon sa panahon ng mga modernong Homo sapiens, na may mas malaking
utak at bokadorang nababagay sa pagsalita.
Wakas

Created by: Carmela Cui


Leader: Kristine Vergara
Assistant L. : Carmela Cui
Member: Jannus Susi Arrianne Galang
Celine Ayo Michael
Beatriz Deloso Vithina Defeo

You might also like