Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

FILIPINO SA PILING

LARANGAN
(AKADEMIK)
Sisimulan sa Unang Bahagi ang mga
batayang kaalaman at katangian ng pagsulat,
partikular sa akademikong larangan.
Ipaliliwanag ng mga babasahin ang tuon at
layunin ng akademikong pagsulat, lalo na sa
tipo ng mga mambabasang tatangkilik nito
Sa Ikalawang Bahagi, ilan sa mga anyo ng
pagsulat na masasabing propesyonal at/o
teknikal ang isinama sa mga babasahin. Ang
ilan sa mga itoy katitikan ng pulong,
panukalang proyekto, posisyong papel,
bionote, abstrak, at buod. May dalawang
pangunahing mga layunin ang mga babasahin
sa bahaging ito. Una, upang tumugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral na makilala
at maunawaan ang ilang prominenteng mga
indibidwal at ang kanilang mga milyu,
adbokasi, at ambag sa lipunang Pilipino
Katangian ng propesyonal na pagsulat
ang pagpapasimple ng mga komplikadong
pahayag. Kinakailangan ang mainam na
pagsasala at paggamit ng mga salita, nang sa
gayon ay hindi magkaroon ng maling pag-
unawa sa babasa ng teksto. Ang estilo ng
manunulat ay kinakailangang objektiv,
direkta, maikli, at malinaw, partikular sa mga
nais niyang sabihin
PANIMULANG PAGSUSULIT

I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat


pangungusap. (2 puntos bawat isa)

1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto,


paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag.

A. Pakikinig
B. Pagbabasa
C. Pagsasalita
D. Pagsusulat
2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa
mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay
ng mga halimbawa.

A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa
pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga
pangyayaring aktwal na naganap.

A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng
katwiran o opinyon o argumentong pumapanig
o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa
manunulat.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng
obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,
damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang
bagay, tao, lugar, o pangyayari.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga
pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos
bawat isa)
_____ 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng
impormasyon sa notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang
nakuha sa mga aklat.
_____ 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit
hinggil sa limitasyon ng kaniyang ginagawang pag-aaral.
_____ 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng
mga datos na kwestiyonable.
_____ 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng
mga pangyayari hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.
_____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat,
partikular sa pag-uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng ibat
ibang mga iskolar hinggil sa ibat ibang mga disiplina.
Mga Layunin
1. Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat
2. Nakikilala ang ibat ibang akademikong sulatin sa
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng ibat
ibang anyo ng sulating akademiko.
Gabay na Tanong

Paano nakakatulong ang


pagkamalikhain at mapanuring pag-
iisip sa isang mag-aaral sa senior
high?
Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademiya
Ang salitang AKADEMIYA ay mula sa salitang Pranses
na acadmi, sa latin na academia at sa Griyego na
academeia. Ang huli naman sa Academos , ang bayaning
Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.

Ang akademiya ay itinuturing ng isang institusyon ng


kinikilala at respetadong mga iskolar, artista at siyentista na
ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin at palawakin ang
kaalaman.
Malikhain at Mapanuring Pag-iisip

Ay ang paggamit ng kaalaman , kakayahan,


pagpapahalaga at talino upang epektibong harapin ang mga
sitwasyon at hamon sa buhay- akademiko, at maging sa mga
gawaing d- akademiko.
AKADEMIKO DI-AKADEMIKO

Layunin: Magbigay ng ideya at Layunin: Magbigay ng sariling opinyon


impormasyon

Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos: Sariling


Obserbasyon, pananaliksik at pagbabasa karanasan, pamilya at Komunidad

Audience: Iskolar, mag-aaral, guro Audience: Ibat ibang publiko


(akademikong komunidad)

Organisasyon ng ideya: Organisasyon ng ideya:


Planado ang Ideya Hindi malinaw ang estruktura
May pagkakasunod-sunod ang Hindi kailangan magkaka ugnay ang
estruktura ng mga pahayag mga ideya.
Magkakaugnay ang mga ideya
Pananaw: Pananaw:
Obhetibo Subhetibo
Hindi direktang tumutukoy sa tao at Sariling opinyon, pamilya, komunidad
damdamin kundi sa mga bagay, ideya, ang pagtukoy
facts. Tao at damdamin ang itinutukoy
Nasa pangatlong panauhan ang Nasa una at pangalawang panauhan
pagkakasulat ang pagkakasulat.
AKADEMIKONG PAGSULAT
Ang mga ganitong sulatin ay para sa impormasyon at
edukasyon kaya nararapat lamang na maingat itong
ginagawa, isinusulat, pinoproseso at inilathala.

Hal.
Naaprubahan ng mga akademikong para ilathala.
Mga datos at report
Mga tesis/ Research paper
Mga pang- edukasyong libro
Text Books sa Paaralan
DI-AKADEMIKONG PAGSULAT
ay hindi isinulat ng mga nanaliksik. Ang mga
nalathala ay maaaring hindi eksperto sa mismong paksang
isinulat at hindi malamang nila pinagnilayan pang maigi ang
pananaliksik ukol dito.

Hal.
Internet
IKAW BA AY HANDA PARA SA ISANG
PALATUNTUNAN?
PANUTO:

Bumuo ng lima hanggang anim na grupo at gumawa ng


mini corner. Bumuo ng grupo ayon sa kurso, interes,, o hilig o
anomang pagkakasunsuan ng klase. Bawat miyembro ay may
kani-kaniyang natatakdang gawain. Bubuo ang bawat grupo ng
kani-kaniyang paraan upang ibenta o kumbensihin ang mga
kaklase upang kunin ang kursong kanilang napili.. Maaring
gumamit ng video, tarpaulin, manila paper, cut outs, drawing,
konsultasyon , at iba pa. Isasagawa ito sa loob ng silid aralan o
isang itinakdang lugar sa paaralan . Gawing malikhain at
masining ang mini-corner.
Rubrik ng Sariling Pagtatasa
Kraytirya Pangkalahatang Iskor Sariling Iskor
Pakikipag-ugnayan sa Grupo 35
Hindi basta gumawa nang
walang malinaw na
pakikipag ugnayan sa
grupo
Kumokonsulta sa lider ng
grupo.
Inisyatiba sa Itinakdang 35
Gawain
Hindi kailangang utusan o
turuan
Nag-isip ng paraan para
maisagawa ang gawain
Pagkamalikhain sa 30
Isinagawang Gawain
Isinagawa nang maayos,
kaaya-aya at presentable
ang gawain
May orihinalidad sa
paggawa ng itinakdang
gawain

You might also like