Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Buod

ng
dula-dulaan
Sa isang dula-dulaang trahedya, kabilang sa mga tauhan si Florante sa papel
na Etyokles, si Polinese naman ang papel ni Adolfo,ang kaibigang matalik ni
Florante na si Menandro ang gumanap sa papel na Reyna Yokasta.Nagging
totoo ang ginawang pakikipaglaban ni Adolfo kay Florante sa isang bahagi ng
tula.Marami ang nagtaka dahil iba na ang mga salitang binibigkas ni Adolfo at
hindi na ang dayalog sa dula.Bumagsak sa entablado si Florante nang
daluhungin siya ni Adolfo.Nawalan siya ng kahandahan.Akmang tatagain ni
Adolfo si Florante nang salagin ito ng espada ni Menandro.Nabigla ang lahat
sa itinakbo ng dula sapagkat batid nilang nagging totohanan iyon.Umawat na
rin ang maestro at walang kibong umalis na si Adolfo sa entablado .Hindi na
nakagisnan kinabukasan si Adolfo.Tumakas na siya nang gabi ring iyon dahil
batid nitong siyay lilitisin sa ginawang kapangahasan kay Florante. Nagbalik
na ito sa bayan ng Albanya.
224.
Saka inilaban namin ang trahedya
Ng dalawang apo ng tunay na ina,
At mga kapatid ng nag-iwing amang
Anak at esposo ng Reyna Yokasta.

225.
Papel ni Etyokles ang nagging tungkol ko
At si Polinese namay kay Adolfo,
Isang ka-eskwelay siyang nag-Adrasto
At ang nag-Yokastay bunying si Menandro.
226.
Anot nang simulan ang unang batalya
Ay ang aming papel ang magkakabaka,
Nagng dapat sabihin akoy kumilalat
Siya ang nag-Yokastay bunying si Menandro.

227.
Nanlisik ang matat ang ipinagsaysay
Ay hindi ang ditsong nasa-orihinal,
Kundi ang winikay Ikaw na umagaw
Ng kapurihan koy dapat kang mamatay!
228.
Hinandulong ako, sabay nitong wika
Ng patalim niyang pamatay na handa,
Dangan,nakaiwas akot nabulagta
Sa tatlong mariing binitiwang taga.

229.
Akoy napahiga sa inilag-ilag,
Sinabayang bigla ng tagang malakas;
Salamat sa iyo, o! Menandrong liyag,
Kundi sa liksi mo buhay koy nautas!
230.
Nasalag ang dagok na kamatayan ko
Lumipad ang tangang kalis ni Adolfo,
Siyang pagpagitna ng aming maestro
At nawalang diwang kasamat katoto.

231.
Anupat natapos yaong katuwaan
Sa pangingilabot at kapighatian,
Sa Adolfoy di na naman nabukasan
Noon diy nahatid sa Albanyang bayan.
Pangkatang
gawain
1.Batalya
2.Magkakabaka

3.Nasalag
4.Trahedya
5.Katoto
6. Esposo
7. Nawalang diwa
8.Nanlisik
Gamitin ang mga binigay
na talasalitaan sa inyong
pangkat sa
pangungusap.

You might also like