Professional Documents
Culture Documents
Aralin1angamagrade9 160425141233
Aralin1angamagrade9 160425141233
1
A. Panitikan:
ANG AMA
Maikling Kwentong Makabanghay- Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
JENITA D. GUINOO
Gr.9- Guro
B. Gramatika/ Retorika:
Tunggalian
Tagpuan
Kasukdulan Wakas
Suliranin
2 6
Pagsusunud-sunod ng
mga pangyayari
1 7
Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na silay mahal na mahal ng
kanilang ama.
Mga Halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang
pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.
GAWAIN 8. Pag-alam sa Natutuhan
Pagsasanay 1
Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo
ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya,
sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siyay nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya)
hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siyay nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa
buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito),
hindi na niya alintana ang mga darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya)
mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.
Pagsasanay 2
Punan ng angkop na transitional device ang mga patlang upang mabuo ang
kaisipan ng kuwento. Isulat sa papel ang iyong sagot.
Krus
Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng
diving para sa isang tryout bilang paghahanda sa SEA Games. ____ nga mayaman,
sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya. ____ kakulangan ng oras sa
umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo.
Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya ____ matalik na
kaibigan ng kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod
siya sa buong araw na pag-aaral ____ pursigido siyang dapat mapanalunan ang
kampeonato.
Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw
lamang ay ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan.
______, habang siyay nakatayo sa spring board ng pool na may taas na tatlumpung
talampakan, dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay, ______
umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon. _____ biglang nag-
brownout. Ang sinag ng lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging
tumatanglaw sa kaniya. _____ na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang
Makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siyay lumuhod sa kinatatayuang
spring board at umusal.
Panginoon, kung itoy isang pahiwatig na akoy dapat magbago sa aking
kapalaluan, patawarin Nyo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong
harapan at nagsusumamo na patawarin Nyo po sana ako.
Patuloy na humagulgol si Brinth at di namalayang bumalik ang kuryente. Siya
pa rin ay nakaluhod at nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.
Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang
tubig ang pool kung saan siya dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.
Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, Salamat po, Panginoon.
Mula noon ay hindi na siya bumalik sa springboard na yun.
C. Pagnilayan at Unawain
1. Paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling
kuwento?
2. Paano nakatutulong ang transitional devices sa pagsasalaysay ng sariling
karanasan.
Ngayong nauunawaan mo na ang kaibahan ng kuwentong makabanghay sa
iba pang uri ng maikling kuwento at ang paggamit ng transitional devices sa
pagsasalaysay, ilipat mo naman sa isang kapaki-pakinabang
D. Ilipat
Gawain 10. Masubok Nga
A. Hikayat... 40 puntos
B. Kumpleto ang mga elemento. 30 puntos
(tagpuan, tauhan, banghay)
C. Pagkamasining 30 puntos
Kabuuan.. 100 puntos
Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa aralin. Alam ko
nakakapagod maglakbay, ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan
ang mga dapat mong malaman bilang paghahanda sa paglalakbay sa mundo ng
alamat. JENITA D. GUINOO
Gr. 9- Guro