Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Karl Heinrich

Marx
Karl Marx (1818-1883)
Si Karl Heinrich Marx ay ipinanganak sa isang mayamang gitnang-
klaseng pamilya sa Trier sa Prussian Rhineland, Alemanya noong
Mayo 5,1818.
Siya ay nag-aral sa University of Bonn at sa University of Berlin kung
saan siya naging interesado sa mga ideyang pilosopikal sa mga batang
Hegelian.
Isa siyang pilosopo, ekonomista, sosyologo, historyan., hornalista, at
rebolusyonaryong sosyalista. Ang kanyang mga ideya ay gumanap ng
isang malaking papel sa pagkakatatag ng mga agham panlipuan at sa
pagkakabuo ng Kilusang Sosyalista. Itinuturing siyang isa sa
pinakadakilang ekonomista sa kasaysayan.
Ang kanyang mga teoriya tungkol sa lipunan, ekonomiya, at politikal
na sama- samang nakilala bilang Marxismo ay naniniwalang ang
lahat ng lipunan ay sumusulong sa pamamagitan ng pagsasagawa
ng pakikibaka ng ibat ibang uri ng tao sa lipunan (social class).
Mabigat na binatikos niya ang anyong sosyo-ekonomik ng lipunan,
ang kapitalismo na kaniyang tinawag na diktadurya ng burgesya.
Naniniwala siyang ang kapitalismo ay pinatatakbo ng mga uring
mayayaman para sa kanilang kapakinabangan at kanyang hinulaang
tulad ng mga nakaraang sistemang sosyo-ekonomika, ang
kapatalismo ay hindi maiiwasang lilikha ng mga alitang panloob na
hahantong sa sarili nitong pagkawasak at pagpapalit ng isang
bagong sistemang sosyalismo.
Ikinatwiran niyang sa ilalim ng sosyalismo, ang lipuan ay
pamamahalaan ng uring manggagawa na tinawag niyang diktadurya
ng proletariat, estado ng mag manggagawa o demokrasya ng mga
manggagawa. Naniwala siyang ang sosyalismo ay kalaunan namang
papalitan ng isang lipunan na tinawag niyang komunismo. Aktibo
niyang ipinaglaban ang pagpapatupad ng komunismo na
nangatwirang ang mga teoristang panlipunan at mga taong walang
kalamangan sa lipunan ay pareho dapat magsagawa ng mga
organisadong rebolusyonaryong aksiyon upang pabagsakin ang
kapitalismo at magdulot ng pagbabagong sosyo-ekonomiko.
Ang mga pamahalaang rebolusyonaryong sosyalista na sumusunod
sa mga konseptong Marxista ay nagging makapangyarihan sa ibat
ibang bansa noong ika-20 siglo. Ito ay humantong sa pagkakabuo
ng mga estadong sosyalista tulad ng Unyong Sobyet noong 1922 at
ng Peoples Republic of China noong 1949. Naimpluwensiyahan din
ng mga ideyang Marxist ang maraming mga unyong manggagawa at
mga partido sa buong mundo.
TEST
1.) Saan nag aral si Karl Marx?
A. Saint Theresas College of Cebu
B. University of Bonn
C. University of Berlin
D. letrang B at C
2.) Itinuturing siyang isa sa pinakadakilang
ekonomista sa kasaysayan.
TAMA o MALI?
3.)Ano ang tawag sa kanyang mga teorya
tungkol sa lipunan, ekonomiya, at politika?
A. Marxismo
B. Diktadurya ng Proletariat
C. Diktadurya ng Burgesya.
D. Agham Panlipunan
4.) Naniwala siyang ang sosyalismo ay
kalaunan namang papalitan ng isang
lipunan na tinawag niyang _________ ?
A. Sosyo- ekonomik
B. Komunismo
C. Marxismo
D. Pamahalaan
5.)Saan ipinanganak si Karl Marx?
A. Cannes, France
B. Ulm, Germany
C. Prier sa Prussian Rhineland Alemanya
D. Manila, Philippines
6.) Si Karl Marx ay isang pilosopo?
TAMA o MALI
7.) Ang kanyang mga ideya ay gumanap
ng isang malaking papel sa pagkakatatag
ng mga agham panlipuan at sa
pagkakabuo ng Kilusang Sosyalista.
TAMA o MALI
8.) Mabigat na binatikos niya ang anyong
sosyo-ekonomik ng lipunan, ang kapitalismo
na kaniyang tinawag na _________?
A. Marxismo
B. Diktadurya ng Proletariat
C. Diktadurya ng Burgesya.
D. Agham Panlipunan
9.) Isa siyang Rebolusyonaryong Sosyalista.
TAMA o MALI?
10.) Isa siyang Hornalista?
TAMA o MALI
Tamang Sagot :
1.) D
2.) Tama
3.) A
4.) B
5.) C
6.) Tama
7.) Tama
8.)C
9.) Tama
10.) Tama

You might also like