Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Ibat ibang Paraan ng

Pagpapahayag ng Emosyon o
Damdamin
Ibat ibang Paraan ng Pagpapahayag
ng Emosyon o Damdamin
1. Padamdam at Sambitla (exclamation mark and
utterance). Pangungusap na walang paksang
nagpapahayag ng damdamin.
Halimbawa:
Yehey!
Galing!
Grabe!
Maaaring isama sa parirala o sugnay upang
maging tiyak ang damdamin o emosyong nais
ipahayag:
Hal: Yehey, mataas ang grado ko!
Ibat ibang Paraan ng Pagpapahayag
ng Emosyon o Damdamin
2. Padamdam pangungusap na nagsasaad ng
tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa:

Kasiyahan: Natutuwa ako dahil nakapasa ako sa


pagsusulit.
Pagtataka: Bakit ganoon kababa ang tingin niyo sa
call center agents?
Ibat ibang Paraan ng Pagpapahayag
ng Emosyon o Damdamin
3. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng
damdamin sa hindi diretsahang paraan.
Halimbawa:

Mas maganda sigurong hindi ka na magsalita.


(Kahulugan: manahimik na lamang.)
Sana kunin ka na ni Lord! (kahulugan: mamatay
ka na sana.)
Isa kang anghel sa lupa. ( mabait at mabuti ang
tao)
ANG MGA PANG-UGNAY AT MGA
PAHAYAG NA GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY NG SARILING OPINYON
Tatlong Pang-Ugnay sa wikang Filipino
A. Pang-angkop
Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga
pariralang pinaggagamitan.
Dalawang uri ng pang-angkop:
a) Na- ginagamit kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito
isinusulat nang nakadikit sa unang salita.
Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ng salita at panuring.
Hal: mapagmahal na tao
* Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik
n, tinatanggal o kinakaltas ang n at kinakabit ang
ng.
Hal: huwarang mamamayan
Tatlong Pang-Ugnay sa wikang Filipino
A. Pang-angkop

Dalawang uri ng pang-angkop:


b. ng - ginagamit kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa
unang salita.
Hal: mabuting nilalang
Tatlong Pang-Ugnay sa wikang Filipino
B. Pang-ukol
Kataga o salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang mga salita sa
pangungusap.
Mga kataga/pariralang malimit na gamiting
pang-ukol:
sa ng
Kay/kina Alinsunod sa/ alinsunod
kay
Laban sa/ Laban kay Ayon sa/ ayon kay

Hinggil sa/ Hinggil kay Ukol sa/ ukol kay

Para sa/Para kay Tungkol sa/ tungkol kay


Tatlong Pang-Ugnay sa wikang Filipino
C. Pangatnig
Tawag sa mga kataga/salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala, o sugnay.
Narito ang ibat-ibang uri ng pangatnig:
at ni o kaya maging
man saka pati dili kaya gayundin
kung alin sa halip kung sino siya rin kung saan
kung gayon datapwat subalit bagkus samantala
habang maliban bagaman kung sa bagay
kundi kapag sakali sana pagkat
sapagkat kasi kung kaya palibhasa dahil sa
sanhi ng anupa samakatuwid sa madaling
salita
Mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng sariling pananaw:
Kung ako ang tatanungin nakikita kong
Sa ganang akin
Para sa akin
Palibhasay naranasan ko kaya masasabi kong
Anupat ang pananaw ko sa bagay na iyan ay
Alinsunod sananiniwala ako
Lubos ang aking paniniwala sa
Sa bagay na iyan masasabi kong
Mga Ekspresyong Nagpapahayag
ng Katotohanan at Opinyon
Makatotohanan ang pahayag kung:
Itoy may suportang datos, pag-aaral,
pananaliksik, at suportang impormasyong
napatunayang tama o mabisa para sa lahat.
May siyentipikong basehan gaya ng agham/
siyensiya.
Mga pariralang ginagamit sa
pagpapahayag ng katotohanan:
Batay sa pag-aaral totoong
Mula sa mga datos na aking nakalap, talagang
Ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na
Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na
Isang mabisang pag-aaral at pagsusuri ang
isinagawa kaya napatunayang
Napatunayang mabisa ang
Mula sa pagbeberipika ng mga datos at
impormasyon, napatunayan
Ang pahayag ay isang opinyon kapag:
Hindi suportado ng datos o siyentipikong
basehan.
Ilan sa mga ganitong uri pahayag ay mga sari-
sariling kuro-kuro o palagay ng tao, pamahiin,
opinion page sa pahayagan, at iba pang katulad.
Mga pariralang ginagamit sa
pagpapahayag ng opinyon:
Naniniwala ako
Sa aking palagay
Ang opinyon ko sa bagay na ito
Palagay ko
Baka ang mga pangyayaring
Marahil ang bagay na ito ay
Puwedeng ang mga pangyayari
Sa ganang sarili
Sa tingin ko
Tauhan Bilang Elemento ng
Akdang Pasalaysay
Tauhan Bilang Elemento ng Akdang
Pasalaysay
Mga Tauhan
Mahalagang elemento ng akdang pasalaysay
tulad ng maikling kwento, pabula, parabula at
alamat.
Nakasalalay sa maayos at makatotohanang
pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging
epektibo ng isang akda.
Mga karaniwang tauhang bumubuhay
sa anumang akdang tuluyan:
1. Pangunahing Tauhan:
Pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa
pangunahing tauhan umiikot ang
kwento. (protagonist)
2. Katunggaliang Tauhan: Ang
sumasalungat sa tauhan. Ang tunggalian
ang bumubuhay sa pangyayari sa akda.
(antagonist)
Mga karaniwang tauhang bumubuhay
sa anumang akdang tuluyan:
3. Pantulong na tauhan: Karaniwang
kasama ng tauhan. Ang pangunahing
tungkulin sa akda ay maging kapalagayang
loob ng tauhan.
4. Ang May-akda: Sinasabing ang
pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi
nang magkasama sa loob ng katha.
Bagamat ang naririnig lamang ay ang kilos
at tinig ng tauhan, sa likod ay laging
nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.
Iba pang pag-uuri sa mga tauhan batay
sa kanilang karakter/pagkatao:
1. Round Character/ Tauhang Bilog
- may katangiang tulad ng totoong tao.
Nagbabago ang kanilang katangian sa
kabuoan ng akda. Maaaring magsimula
siyang mabait, masipag subalit sa ilang
mga pangyayari ay nagbago ang kanyang
katauhan.
Iba pang pag-uuri sa mga tauhan batay
sa kanilang karakter/pagkatao:
2. Flat Character/ Tauhang Lapad
- hindi nagbabago ang katauhan mula sa
simula hanggang sa wakas ng akda.

You might also like