Mga Salitang Hudyat Sa Pagkakasunod-Sunod NG Mga Pangyayari

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga Salitang Hudyat sa

Pagkakasunod-sunod ng
mga Pangyayari
1. Kapag ang pinagsunod-sunod
ay mga pangngalan, gumamit ng
mga pang-uring pamilang na
panunuran o ordinal.
Hal.
Una si Doris, pangalawa si
Mario, pangatlo si Anna.
2. Kapag ang pinagsunod-sunod ay proseso o
paraan ng pagsasagawa ng isang bagay tulad
ng sa pagluluto, paglalaba o paggawa ng ibat
ibang bagay, o iyong mga tinatawag na
tekstong prosidyural, makakatulong ang
paggamit ng mga sumusunod:

Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-


sunod tulad ng una, kasunod, panghuli at iba
pa.

Paggamit ng mga salitang hakbang + pang-


uring pamilang o ang salitang step + pang-
uring pamilang.
Hal.
1. STEP 1, STEP 2, STEP 3
2. Unang hakbang, Ikalawang
hakbang, Ikatlong hakbang.
3. Kapag pangyayari naman sa
kuwento ang pinagsusunod-sunod,
madalas ay hindi na ginagamitan ng
mga salitang nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod o time
sequence subalit mahalagang
mabasa o maunawaang mabuti ang
kwento sapagkat mga pangyayari
lang ang ilalahad na kailangang
ayusin ayon sa kung paano naganap
sa binasa.
At sa huli kapag ihahain na ay maaaring timploahan ito ng
pamintang durog o lagyan ng hiniwang sibuyas na mura at
kalamansi.
Pagkalipas ng 45 minuto ay ihalo ang lugaw sa itinabing
pinagpakuluan ng manok. Lakasan ang apoy upang
kumulong muli.
Pagkatapos mailagay ang sabaw ng manok ay isunod ang
pinagpira-pirasong manok at sibuyas saka timplahan ng
patis ayon sa panlasa.
Hayaang kumulo ng may 45 minuto sa katamtaman
hanggang mahinang apoy upang lumambot ang bigas.
Halo-haluin ng madalas upang hindi dumikit ang kanin sa
ilalim ng kaldero o kaserola.
Sunod na idagdag ang 2 tasang bigas at asin sa
kumukulong tubig at saka haluin.
Una, magpakulo ng 9 na tasang tubig sa isang malaking
kaldero o kaserola.
Lagyan ng bilang 1 hanggang 6 ang mga
kahon upang maayos ang mga hakbang.

You might also like