Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DAGLI

DAGLI
1. Magbigay tuon lamang sa isa: TAUHAN, BANGHAY,
TUNGGALIAN, DAYALOGO, TAGPUAN
2. Magsimula lagi sa AKSIYON
3. Sikaping magkaroon ng TWIST o PUNCHLINE sa
dulo
4. Magpakita ng KUWENTO, huwag ikuwento ang
kuwento
5. Gawing DOUBLE BLADE ang PAMAGAT
MALIGAYANG PASKO
Pinatay niya ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya
ang oven. Paluto na ang lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang
hamon, hotdog at bacon. Nasa gitna na ng mesa ang mansanas, ubas,
kahel at peras. Hiwa na rin ang keso de bola. Timplado na rin ang juice.
Inilagay na niya sa mesa ang morcon, lechon manok, embutido, paella at
pinasingaw na sugpo. Naglagay siya ng tatlong pinggan, baso, kutsara at
tinidor sa mesa. Pati na rin ang napkin.
Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot. Sa loob nito ay may ilang
nakabalot na ulam. Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang
nagniningning na lansangan. Habang naglalakad, sinilip niya ang laman ng
supot. May apat na balot. Hindi niya maaninag kung ano-ano ang laman
ng mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang anak at sa kanilang mag-
asawa ang bitbit na pabaong Noche Buena. Bukas, araw ng Pasko, maaga
siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.
- Mula sa Wag Lang Di Makaraos (Atalia, 2011)
GABAY NG TANONG:
1. Para kanino ang inihandang noche buena ng tauhan sa dagli na
iyong nabasa? Pangatwiranan.
2. Madali mo bang naunawaan ang iyong binasa? Bakit?
3. Bigyang-puna ang estilo ng sumulat batay sa sumusunod na mga
elemento:
a. tauhan
b. tagpuan
c. banghay
1. simula
2. gitna
3. wakas
d. tema
Pinagmulan ng mga Isla ng Caribbean
Sa loob ng isandaang taon, ang Caribbean Islands ay pinaninirahan ng tatlong
pangunahing katutubong tribo- ang Arawaks, ang Ciboney at ang tribo na nagbigay
ng pangalan sa isla, ang Caribs. Sinasabing sa pagdating ni Christopher Columbus
ang unang European na nakarating sa isla ay nagkaroon ng dramatikong
pagbabago sa kasaysayan ng Caribbean. Ang Spain ang orihinal na umangkin sa
buong isla. Hindi ito ikinasiya ng mga taga-isla na nakatira roon maging ng mga
bansa sa Europa na nag-aagawan sa isla tulad ng France, England, Netherlands,
at Denmark.
Samantala, ang mga taal na katutubong tribo na nakatira sa isla ay halos nalipol.
Kung nalipol ang mga tao ng isla gayundin ang kanilang pamumuhay kaya ang
kultura ng Caribbean ay madalas na nagbabago. Karamihan ng mga taga-isla ay
naging biktima ng pang-aalipin kung kaya napalitan ang katutubong kultura mula sa
Africa. Di-kalaunan ang mga labanan ay natigil at karamihan sa mga isla ay
natahimik. Bagaman ang pang-aalipin ang sumisira sa plantasyon ng asukal at
kape sa lugar, karamihan ng mga labanan ay natigil dahil ang mga bansa sa
Europa ay humubog ng sarili nilang kultura sa mga sarili nilang teritoryo.
History of Caribbean Island, kinuha noong Marso 3, 2014, mula sa
(http://www.destination360.com/caribbean/history

You might also like