Kababaihang Asyano Sa Sinaunang Panahon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Kababaihang Asyano sa

Sinaunang Panahon
Kababaihan sa Sinaunang
Paniniwalang Asyano
Naniniwala ang mga sinaunang Asyano sa mga
Diyos at sa kapangyarihan ng mga espiritu
Hilagang Asya
- Sumamba sa mga diyosang teriomorphic o
may anyong hayop.
- Pinatunayan ito ng mga petroglyph na
kinatampukan ng mga hayop at mga babaeng
shaman na may sungay.
- Sa ritwal ng pangangaso, dumudulog ang
babaeng shaman sa ninunong babae na siyan
namang nananawagan sa babaeng usa na
magpahintulot na magpahuli ang ilang hayop.
- Sa Siberia, pangunahing mga diyosa sina
Pinga (espiritu ng kalupaan), Sedna
(pinakamataas na espiritu at pinuno ng mga
karagatan at mga naninirahan dito), at Ayysyt
(diyosa ng pagsilang)
- Udagan ang tawag sa kanilang shaman.
- Sa sinaunang Mesopotamia, si Inanna (Ishtar sa
mga Akkadian) ang isa sa pinakatanyag na diyosa.
Siya ang diyosa ng pag-ibig at iyag. Tinagurian din
siyang diyosa na maraming katungkulan.
- Sa Japan, ang diyosa ng araw na si Amaterasu
Omikami ang itinuring na pinakamahalagang
diyos at pinaniniwalaang ninuno ng maharlikang
pamilya.
Timog-Silangang Asya
- pinaniwalaan ang kakayahan ng kababaihan
na makipag-ugnayan sa mga espiritu.
- Bagamat ikinarangal at iginalang sila dahil sa
kakayahang ito, kinatakutan din sila lalo na
ang may katandaan na.
- Sapagkat maari nilang magamt ang malakas
na kapangyarihang ito upang manakit ng
kapwa.
Kababaihan: Posisyon at Tungkulin sa
Tahanan
Sa loob ng tahanan, ibat ibang papel ang
ginampanan ng sinaunang kababaihang Asyano
bilang anak, kapatid, asawa, ina, at biyuda.
Sa Mesopotamia, ikinakasal ang babae hindi
lamang sa kanyang kabiyak kung hindi sa buong
pamilya ng lalaki.
Dala niya ang kaniyang dote at pagiging busilak.
Dala naman ng lalaki ang kaniyang bride price, na
tumitiyak sa kaniyang karapatan sa asawa.
Sa lipunang Vedic sa India, tanging ang mga
kababaihan mula sa Kshatriya lamang ang mamili
ng sariling mapapangasawa.
Dinarangal sa kanila ang pagiging asawa ng
babae.
Tinawag siyang jaya (kahati sa pag-ibig ng
asawang lalaki); jani (ina ng mga anak); at
patni (katuwang sa pagtalima ng at
pagsasakatuparan ng mga sakripisyong
pangrelihiyon.
Sa ilang bahagi ng Timog-silangang Asya
nagbayad ng bride price ang lalaki para sa
kaniyang mapapangasawa.
Maaari din siyang manilbihan nang may
dalawa hanggang tatlong taon upang mabili
ang babae.
Sa gawaing ito naipakita ang pagbibigay-
halaga sa kababaihan.
May ilang bahagi ng rehiyon kung saan
isinagawa ang matrilocal na pananahan
kung saan ang lalaking ikinasal ay
nakipanirahan sa matriclan o angkan ng
babae.
Ang dalawang kaugaliang ito ay dahilan kung
itinuring na mapalad ang pagkakaroon ng
anak na babae sa sinaunang Timog-silangang
Asya.
Maliban sa nakatanggap ng bride price ang
pamilya ng babae sa oras na siya ay ikasal,
katiyakan din din ang matrilocal na pananahan
na may kakalinga sa mga magulang ng babae
sa kanilang pagtanda.
Sa China, bunsod ng pagiging opisyal ng
Confucianism , napagtibay ang patrilineal,
patrilocal, at patriarkal ng pamilyang Chinese.
Sa lipunang ito, ang sentro ng pamilya ay ang
lalaki.
Maari siyang magkakaroon ng higit sa isang
asawa o ng concubine batay sa kaniyang antas sa
buhay at kayamanan.
Tungkulin naman ng babae, sa bawat yugto ng
kaniyang buhay, na sundin at paglingkuran ang
malalapit na lalaki sa kanyang pamilyabilang
anak ng kaniyang ama, kabiyak ng kanyang
asawa, at ina sa kaniyang anak na lalaki sa
kaniyang pagkabiyuda.
Ang mga anak na babae ay hindi pinag-aaral at
hidi nakapagmay-ari ng ari-arian.
Hindi rin sila maaaring magmana maliban
kung sila ay biyuda.
Sa maraming sinaunang lipunang Asyano,
itinuturing na pangunahing tungkulin ng
kababaihan ang magsilang ng anak.
Sa China, ayon sa pilosopong si Mencius, ang
hindi pagsisilang ng tagapagmana (na lalaki)
ang pinakamalalang kalapastangan sa mga
magulang.
Sa Mesopotamia, sakaling walang kakayahang
magsilang ang babae, bagamat karaniwang
monogamous ang pag-aasawa sa kanilang
lipunan, maaaring magkaroon ang lalaki ng
ikalawang asawa o ng concubine.
Ang concubine ay maaaring pagmamay-ari ng
babaeng asawa o alipin ng lalaking asawa.
Ang anak na nagmula sa alipin ay itinuring na
legal na anak ng babaeng asawa at ang aliping
concubine ay nanatiling alipin.
May mga lipunang Asyano kung saan ang
nabiyuda ay maaaring ipakasal sa ibang kasapi
ng pamilya katulad ng sa Mesopotamia at
India.
Kababaihan sa mga Panlipunang
Gawain
Sa sinaunang China, limitado ang papel ng
kababaihan sa aspektong pantahanan.
Sa Book of Poetry ni Confucius, binaggit na
hindi dapat makilahok ang kababaihan sa
mga pampublikong usapin, bagkus ay ilaan
ang kanilang sarili sa pagbabantay sa silkworm
at paghahabi.
Sa Hilagang Asya, nakaatas sa kababaihan ang
pagtitipon at paghahanda ng pagkain, at mga
gawaing tugma sa pagpalaki na supling tulad
ng paghahabi, at pagpapalayok.
Ang mga babaeng walang anak ay maaari ring
mangaso.
Malaki rin ang bahaging ginampanan nila sa
pagsasaka at paghahayupan.
Sa sinaunang lungsod ng Babylonia,
karaniwang ipinadadala ang isang anak na
babae ng mayayamang pamilya sa templo
upang maging entumpriestess o high
priestess.
Malaki ang bahaging ginampanan ng mga
kababaihan sa paggawa ng pabangong gamit
sa panggagamot, mahika, ritwal, at
pagpapaganda.
Sa India, tinatamasa ng kababaihang Indian ang
karapatan at kalayaang kapantay sa kalalakihan.
Mas mataas pa ang kanilang posisyon sa mga
seremonyang pangrelihiyon kaysa sa mga
kalalakihan.
Maaari silang makapag-aral lalo pa at itinuring
ang edukasyon na isa sa pinakamahalagang
kwalipikasyon sa pag-aasawa ngunit hindi sila
nakapagmay-ari.
Si Pimiko (o Himiko) ay isang misteryosong
reynang shaman na natalang gumamit ng
mahika at salamangka at bumighani sa tao.
Nangangahulugang prinsesa ng araw
Si Iyo ay isa ring reynang shaman.
Pinanumbalik niya niya ang kapayapaan sa
Japan matapos ang isang digmaang sibil.
Nanungkulan siya sa edad na 13 taon.
Sa Japan, hinikayat ang pamumuno ng
kababaihan sapagkat pinaniniwalaan na sila
ang magdadala ng kapayapaan at kaayusan sa
bansa.
Naitala sa kasaysayan ang pamumuno nina
Pimiko at Iyo, mga reynang sumalamin sa
katangiang taglay ni Amaterasu bilang
babaeng diyos katalinuhan, kagandahan,
fertility, at pagiging busilak.
Sa kabuuan, masasabing bagamat limitado ang
karapatan ng kababaihan sa aspektong
pampolitika at ekonomiko, malaki naman ang
bahaging kanilang ginampanan sa sa usaping
panrelihiyon.
Tinupad nila ang mahahalagang tungkulin sa loob
at labas ng tahanan daan upang
mapangalagaan ang kaayusan ng lipunan at
maisulong ang pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan.
Sa Mahaba at Maikling Sabi
Sa Myanmar, isinagawa ang pag suot ng metal
na bigkis sa leeg ng kababaihang Padaung.
Karaniwang gawa sa tanso ang bigkis at
sinisimulang isuot sa edad na lima o anim.
Dinaragdagan ito bawat dalawang taon
hanggang umabot ang haba ng leeg nang may
15 pulgada o 38 centimetro.
Ayon sa mga salaysay, unang ginamit ang mga
metal na bigkis upang pangalagaan ang
kababaihang Padaung mula sa mga
mangangalakal na alipin. Sa isang alamat
naman, isinalaysay na proteksiyon ang mga
metal na bigkis mula sa kagat ng tigre.
Sa China, isinagawa ang foot binding sa
nakalipas na libong taon. Maaaring nagsimula
ang kaugaliang ito noong dinastiyang Song.
Unang bingkis ang paa ng babaeng may edad
tatlo hanggang 11 taon. Layunin ng
pagbibigkis na hindi lumaki ang paa nang
lampas sa tatlong pulagada.
Maraming salaysay ang nagpapaliwanag
hinggil sa pagsisimula ng kaugaliang ito. Isa
rito ay tungkol sa pagbabalat-kayo ng isang fox
sa pamamagitan ng pagbibigkis ng paa upang
magmukha siyang emperatris ng Shang.

You might also like