Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MODYUL 2: MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA

ARALIN I:GLOBALISASYON
Konsepto at Perspektibo

Inihanda ni:
MR. EDWIN PLANAS ADA
Teacher I, Dasmarias West NHS
ARALIN I:GLOBALISASYON
Konsepto at Perspektibo
Panimula at mga Gabay na Tanong
Sa modyul na ito ay susuriin ang mga isyung pang-
ekonomiya tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at
migrasyon kaakibat ang implikasyon nito sa pamumuhay
ng mga Pilipino. Hangarin sa pag-aaral ng mga aralin na
nakapaloob sa modyul na ito na maunawaan ng mga mag-
aaral ang mga hamon at tugon sa mga isyung nabanggit
tungo sa pagpapabuti ng ng kalidad ng pamumuhay.
Makatutulong ang pag-unawang ito sa pagpapanatili ng
dignidad ng buhay ng isang indibiduwal.
ARALIN I:GLOBALISASYON
Konsepto at Perspektibo
Panimula at mga Gabay na Tanong
Sa pagtatapos ng modyul na ito
ay inaasahang masagot ang tanong
na Paano nakaapekto ang mga
isyung pang-ekonomiya sa
pamumuhay ng mga Pilipino?
ARALIN I:GLOBALISASYON
Konsepto at Perspektibo
Layunin
Inaasahan sa bahaging ito na iyong
mauunawaan ang globalisasyon bilang isyung
panlipunan. Nilalayon din na matapos ang
aralin ay iyong maipaliliwanag kung paano nito
binago at binabago ang pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan.
Sa paksang ito, tatalakayin ang mga kaisipang
may kinalaman sa globalisasyon partikular ang
mga pananaw tungkol sa pag-usbong nito.
Pagbibigay kahulugan sa salitang:

GLOBALISASYON
GLOBALISASYON
Mahalagang maunawaan na hindi
lamang ang kapaligiran ang patuloy na
nagbabago kundi maging ang takbo ng
lipunan na kinabibilangan ng bawat isa.
At isa sa mga pagbabagong ito ay
tinatawag na globalisasyon.
GLOBALISASYON
Gawain 1. Guess the Logo
Subukin mong tukuyin ang mga produkto o serbisyo gamit ang sumusunod na
logo. Humandang sagutin ang mga tanong.
GLOBALISASYON
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-anong kompanya ang kinakatawan ng mga logo?
2. Madali mo bang nasagot ang mga ito? Bakit?
3. Sa iyong palagay, bakit sumikat ang mga
produkto/serbisyong ito?
4. Ano ang kaugnayan ng gawaing ito sa paksang
globalisasyon?
GLOBALISASYON
Gawain 2. D&D (Dyad Dapat)
Pumili ng kapareha at basahin ang katanungan sa ibaba. Sagutin ang kahong
itinakda sa inyo bago pagsamahin ang mga ideya. Samantala, ang dalawang
kahong nasa gawing ibaba ay sasagutan sa ibang bahagi ng aralin.
TANONG SA ARALIN AKING KAPAREHA
Paano nakaapekto ang mga isyung KASAGUTAN
pang-ekonomiya sa pamumuhay PINAGSAMANG IDEYA
ng mga Pilipino? (Sagot ng Magkapareha)
(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang bagong kasagutan.)

(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang pinal na sagot )

You might also like