Professional Documents
Culture Documents
Isports Profile
Isports Profile
KAHULUGAN:
Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang
syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel,1976).
Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin.Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga
pertinenting impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin
at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga
nakalap niyang datos ay mahaharap sa isa pang esensyal na gawain-ang
paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksik(Aquino,1974).
Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga
solusyon sa mga suliranin,dagdag pa rito ang pangangalap ng mga datos sa
isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
explanasyon(E.Trece at J.W. Trece , 1973).
Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag aaral o
investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng
isang mananaliksik(Parel ,1966).
Ang pananliksik ay isang maingat ,kritikal,disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng ibat-ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at /o resolusyon
nito (Good ,1963).
Formulated in a more comprehensive form, research maybe as a
purposive ,systematic and scientific process of gathering ,analyzing,
classifying,organizing,presenting and interpreting data for the solution of
a problem,for prediction,for invention,for the discovery of truth,or for
expansion or verification of existing knowledge,all for the preservation
and improvement of the quality of human life(Calderon at Gonzales,
1993)
LAYUNIN NG PANANALIKSIK:
Bakit nananaliksik ang mga tao?
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at
pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao.Lahat ng uri ay naka tuon
sa layuning ito.Sinabi nga nina Good at Scates(1972),The purpose of
research is to serve man and the goal is the good life.
Para kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak na layunin ng
pananaliksik ay ilan sa mga sumusunod:
a.Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid ng
penomena.
b.Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na
nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
c.Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong
instrumento o produkto.
d.Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
e.Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati ng kilalang substances at
elements.
f.Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan,
industriya,edukasyon,pamahalaan at iba pang larangan.
g.Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik.
h.Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.
MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK
1.Sistematik may sinusunod itong proseso o magkakasunud sunod na mga
hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa
mang nilalayon sa pananaliksik.
2.Kontrolado lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling
konstant.
3.Empirikal kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang
ginagamit sa pananaliksik maging ang mga datos na nakalap.
4.Mapanuri sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin
nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng
interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.Kailangan ding gumamit ng
mga navalideyt nang pamamaraang pang-estaditika sa pagsusuri ng datos upang
masabing analitikal ang pananaliksik.
5.Objektib, lohikal at walang pagkiling lahat ng tuklas o findings at mga
kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at
walang patatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.Walang
puwang rito ang mga pansariling pagkiling.
6.Gumagamit ng mga kwantiteytib o istatikal na metodo ang mga datos ay
dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa pamamagitan ng
istatikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
7.Orihinal na akda maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na
nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o
lathala ng ibang mananaliksik.Idagdag pa na ang mga datos ay kailangan nagmula
sa mga primaryang sources o mga hanggang first-hand.
8.Isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon bawat aktibidad
na pampananaliksik ay kailangang ma isagawa nang tumpak o akyureyt nang ang
tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong
paglalahat.Samakatwid, lahat ng kongklusyon ay syentipikong nakabatay sa mga
akwal na ebidensya.
9.Matyaga at hindi minamadali upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng
pananaliksik, kailangang pagtyagaan ang bawat hakbang nito.Ang pananaliksik na
minadali at ginawa ng walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga
hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.
10.Pinagsisikapan kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang
maging matagumpay.
11.Nangangailangan ng tapang sapagkat maaaring makaranas siya ng mga
hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik, di-pagsang-ayon ng publiko at
lipunan o di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik.
12.Maingat na pagtatala at pag-uulat lahat ng datos na nakalap ay kailangang
maingat na maitala.Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga
tuklas na pananaliksik.Kailangan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo
ng isang papel-pampananaliksik para sa angkop na dokumentasyon,at
kadalasang,sa pasalitang paraan o ang tinatawag na oral presentation o
defense.