Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 53

MGA PARIRALA

AT SUGNAY
INIHANDA NINA:
Jona Jel Curiba
Hazel Vindy Garcia
Icha Shailene Ondo
Virgitth Quevedo
ALIN SA MGA ITO ANG PARIRALA?
SUGNAY?
Alinsunod sa utos
Kapag wala na ang kanyang ina
Kung darating sila
Ang martir
Kaninang hapon
Ang kanyang ina ay isang doktor.
ANG PARIRALA
ANO ANG ANG PARIRALA?

Ang parirala ay isang lipon ng salita na walang


simuno at panaguri na ginagamit bilang isang
bahagi ng pangungusap.
URI NG PARIRALA

Pariralang Pang-ukol
Pariralang Pawatas
Parirala sa Pangngalan-diwa
Pariralang Pandiwa
Pariralang Pang-uri
Pariralang Pang-abay
PARIRALANG PANG-UKOL

Ito ay pinangungunahan ng mga pang-ukol na


na, sa, ng, para kay, para sa, alinsunod kay,
alinsunod sa, hinggil kay, hinggil sa at layon na
maaaring pangngalan o panghalip.
PARIRALANG PANG-UKOL

HALIMBAWA
Sa pook
Hinggil sa bayan
Alinsunod sa utos
Para sa bata
PARIRALANG PAWATAS

Ito ay binubuo ng pawatas ng pandiwa at layon o


panuring nito.
PARIRALANG PAWATAS

HALIMBAWA
Umiwas sa bayan
Umibig sa bansa
Manghabol sa bata
PARIRALA SA PANGNGALANG-DIWA

PANDIWA nagdusa
PINAGHANGUAN magdusa
PANGNGALANG DIWA pagdurusa
PARIRALANG PANDIWA

nag-araro sa sakahan
nagwalis sa silid
guguhit ng larawan
naglako ng dyaryo
PARIRALANG PANG-URI

Si Maria ang maganda.


Hinahangaan ang magaling.
PARIRALANG PANG-ABAY

tumakbo nang mabilis


lumisan kaninang hapon
GAMIT NG PARIRALANG
PAMBALARILA
PARIRALANG PANGNGALAN

Ito ay ginagamit bilang paksa at kaganapang


pansimuno.

Bilang paksa
Hal. Ang maglinis ng bahay ay kanyang hilig.
Kaganapang pansimuno
Hal. Ang medalya ay para sa iyo.
PARIRALA SA PANG-URING GAMIT

Ito ay ginagamit bilang panuring ng pangngalan.

Hal. Ang Underground River sa Palawan ay isang


napakamagandang tanawin sa ating bansa.
PARIRALA SA PANG-ABAY NA GAMIT

Ito ay ginagamit bilang panuring ng pandiwa,


pang-uri at pang-abay.
PARIRALA SA PANG-ABAY NA GAMIT

Pandiwa
Hal. Ang kanyang kaklase ay pumunta sa kantina.
Pang-uri
Hal. Ang isang guro ay dakila sa mata ng lahat.
Pang-abay
Hal. Sila ay nandiyan sa ikaapat na palapag.
ANG SUGNAY
ANO ANG SUGNAY?

Ang sugnay ay lipon ng mga salita na may paksa at


panaguri na maaaring buo o di-buo ang diwang
ipinapahayag.

Halimbawa:
Humiram si Kris ng lapis para sa pagbuo ng tula.
Nang kami ay umakyat sa Bundok Ifugao
Na umakyat sa bundok
URI NG SUGNAY
SUGNAY NA MAKAPAG-IISA

Ang sugnay na makapag-iisa ay may paksa at


panaguri na buo ang diwang ipinapahayag. Ito ay
tinatawag ding punong sugnay.

Halimbawa: Ang kanyang tiyahin ay isang doktor.


SUGNAY NA DI-MAKAPAG-IISA

Ang sugnay na di-makapag-iisa ay may paksa at


may panaguri subalit di-buo ang diwang
ipinapahayag.

Halimbawa: Nang bumagtas kami sa liko-likong


daan
GAMIT NG SUGNAY
PANGNGALAN

Ang sugnay na di-makapag-iisa ay nasa


pangngalang gamit kapag paksa ng
pangungusap.

Halimbawa: Hindi ko alam kung bakit sila


nawawala.
PANGNGALAN
SIMUNO
Na pinapatay ng lola ang mag-asawa ay palaisipan sa akin.
KAGANAPANG PANSIMUNO
Ang palaisipan sa akin ay kung bakit palaging may kausap si Cristy.
PAMUNO/PANIYAK
Ang tanong, kung bakit naging masama ang lola ay pinag-iisipan ko.
TUWIRANG LAYON
Ang manonood ay nagtatanong ng kung ano ang dahilan ng hindi
paggalaw ni Toby sa panganay.
PANGNGALAN

LAYON NG PANGNGALANG-DIWA
Ang pagpapaliwanag ng kung bakit pumapatay ang nanay ay
pinakinggan.
LAYON NG PAWATAS
Ang magsabi ng kung bakit nagagalit si Toby ay iwasan mo.
LAYON NG PANG-UKOL
Kinatakutan ang bahay dahil sa kung anoman ang kababalaghan
dito.
PANG-URI
Pang-uri ang sugnay kapag ang sugnay na di-
makapag-iisa ay panuring ng pangngalan na
pinangungunahan ng panghalip na pamanggit
nan a, -ng, kung matutumbasan sa Ingles ng mga
salitang who, which and that.

Halimbawa: Ang lalaking dumalaw sa kanila ay


kasintahan ni Kris.
PANG-ABAY

Nagiging pang-abay ang sugnay kapag ang


sugnay na di-makapag-iisa ay panuring ng
pandiwa, pang-uri o pang-abay.

Halimbawa: Sila ay aalis bukas kung nakabili na sila


ng tiket.
PAGSUSURI NG
PANGUNGUSAP
PAGSUSURI

Ayon sa isang pilosopiya, ang pagsusuri ay


pagbasag o paghihiwalay ng isang buo sa kanyang
mga bahagi upang malaman ang kaugnayan ng
bawat bahagi sa kabuuan at kaugnayan ng bawat
bahagi sa isat isa.
PAGSUSURI

Sa pagsusuring balarila, ang pagsusuri naman ay


pagbasag sa isang pangungusap sa kanyang mga
sangkap na paksa, pandiwa, kaganapan, panuring
at pang-ugnay upang maunawaan ang tungkulin
ng bawat isa.
PAGSUSURI
Binigyan diin ni Panganiban (1970) na ang pagsusuri
ay pagbasag o paghihiwalay ng mga bahagi at
sangkap ng bagay na sinusuri upang mapag-aralan
at maunawaan ang tungkulin ng bawat bahagi o
sangkap; a) ayon sa ganang sariling kahalagahan;
b) ayon sa kaugnayan ng isat isa o ng bawat isa sa
ibang kaalaman na bahagi o sangkap; c) ayon sa
kaugnayan ng bawat bahagi o sangkap sa
kabuuan.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NA
PAGSUSURI
Ayos ng pangungusap. May dalawang ayos ang
pangungusap, ang di-karaniwan at karaniwang
ayos.
Tungkulin ng pangungusap. Ang apat na tungkulin
ng pangungusap ay paturol, pautos, patanong at
padamdam.
Kayarian. Ang pangungusap ay may apat na
kayarian - payak, tambalan, langkapan, at
hugnayan.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NA
PAGSUSURI
Bahagi ng pangungusap. Sa bahaging ito, susuriin
ang buong paksa, buong panaguri. Kasama ang
kakanyahan ng payak na paksa, mga panuring at
pananda.
Pinakapandiwa. Susuriin dito ang kakanyahan ng
pinakapandiwa, parirala at layon nito.
Pinakakaganapang pansimuno. Susuriin ang
kakanyahan ng pinakaganapang pansimuno,
mga panuring at pananda.
PAGSUSURI NG PAYAK NA
PANGUNGUSAP

Payak na Paksa at Payak na Panaguri


Tambalang Paksa at Payak na Panaguri
PAYAK NA PAKSA AT PAYAK NA
PANAGURI
Si Jose Rizal ay dakila.

Ayos ng pangungusap. Ang pangungusap ay nasa di-


karaniwang ayos sapagkat nauuna ang paksa kaysa sa
panaguri.
Ayon sa tungkulin. Ang pangungusap ay paturol
sapagkat nagsasalaysay.
Ayon sa kayarian. Ang pangungusap ay payak sapagkat
binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa.
PAYAK NA PAKSA AT PAYAK NA
PANAGURI
Bahagi ng pangungusap. Ang pangungusap ay may
dalawang bahagi- ang paksa at panaguri. Ang buong
paksa ay si Jose Rizal at ang buong panaguri ay ay
dakila.
Ang payak na simuno Jose Rizal na isang pangngalang
pantanging, nasa ikatlong panauhan, isahan kailanan,
panlalaki at nasa kaukulang palagyo na ginamit bilang
paksa ng pangungusap. Ang pantukoy na Si ay isang
panghalip panao.
PAYAK NA PAKSA AT PAYAK NA
PANAGURI

Ang salitang ay ang naging tagapag-ugnay ng


dalawang bahagi, ito ay isang pangawil.
Dakila ang payak na panaguri na isang pang-uring
panlarawan, ang pinakaganapang pansimuno.
TAMBALANG PAKSA AT PAYAK NA
PANAGURI
Magkapatid si Pedro at si Juan.

Ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos. Ito ay paturol


sapagkat nagsasalaysay, nasa payak na kayarian
sapagkat binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa. Ang
buong paksa ng pangungusap ay Si Juan at si Pedro, at
ang panaguri ay magkapatid.
TAMBALANG PAKSA AT PAYAK NA
PANAGURI
Ang simuno ay tambalan, na pinag-ugnay ng pangatnig
na at. Ang simuno ay kapwa pangngalang pantangi,
panlalaking kasarian, ikatlong panauhan at nasa kaukulang
palagyo. Ang salitang si ay ang pantukoy na ginamit na
isang panghalip panao, isahang kailanan.
Ang payak na panaguri ay ang salitang magkapatid,
isang pangngalang pambalana, may panlaping mag,
dalawahang kailanan at gumanap bilang kaganapang
pansimuno.
PAGSUSURI NG TAMBALANG
PANGUNGUSAP
Si Errol ay sumasayaw at si Sandra naman ay nanunuod sa
kanya.
Ang pangungusap ay nasa tungkuling paturol sapagkat
nagsasalaysay. Tambalang kayarian ang pangungusap
sapagkat binubuo ito ng dalawang sugnay na nakapag-iisa
at pinag-uugnay ng pangatnig na at. Ang dalawang
sugnay ay nasa di-karaniwang ayos sapagkat nauuna ang
simuno sa panaguri. Ang mga simunong payak na Errol at
Sandra ay kapwa pangngalang pantangi, at nasa
kaukulang palagyo.
PAGSUSURI NG TAMBALANG
PANGUNGUSAP

Ang salitang Si ay kapwa pantukoy na isang panghalip,


at nasa isahang kailanan. Ang ay ay panandang
pangkayarian na pangawil o panandang pampredikeyt na
tagapag-ugnay sa simuno at panaguri.
Ang mga payak na panaguring sumasayaw at
nanonood ay kapwa pandiwa, imperpektibo, aktor pokus
at nasa tinig na tahasan ng pandiwa.
PAGSUSURI NG TAMBALANG
PANGUNGUSAP

Sa ikalawang sugnay, ang panaguri ay may pariralang


pang-ukol na sa kanya bilang panuring ng pandiwa. Ito
ay binubuo ng pang-ukol na sa at layon na kanya na
isang panghalip panao, isahan, ikatlong panauhan at nasa
kaukulang palayon bilang layon ng pang-ukol.
PAGSUSURI NG HUNAYANG
PANGUNGUSAP
Nasira ang kanyang kamera na pinindot ng dalaga.
Ang pangungusap ay nasa kayariang hugnayan sapagkat
ito ay binubuo ng dalawang sugnay, sugnay na nakapag-
iisa at sugnay na di-nakapag-iisa. Ito ay hugnayan
sapagkat magkaiba ang kaayusan ng dalawang sugnay.
Ang Nasira ang ang kanyang kamera ay sugnay na
nakapag-iisa, nasa karaniwang ayos sapagkat nauuna ang
panaguri kaysa paksa.
PAGSUSURI NG HUNAYANG
PANGUNGUSAP
Ang pangngalang kamera ay ang payak na simuno,
isang pangngalang pambalana ng bagay at walang
kasarian. Pantukoy ang salitang ang, isahan at nasa
kaukulang palagyo. Ang panghalip panao na kanya ay
may pang-angkop na -ng. Ang "ay" ay isang pangawil
subalit di lantad sa pangungusap. Nasira, ang payak na
panaguri na isang pandiwang katawanin, perpektibo, gol
pokus at nasa tinig na balintiyak.
PAGSUSURI NG HUNAYANG
PANGUNGUSAP
Ang ikalawang sugnay naman ay di-nakapag-iisa, may
simuno at panaguri. Ang buong paksa ng at ang buong
panaguri ay pinindot ng dalaga. Ang paksa ay payak na
isang panghalip pamanggit na -ng, isahan, walang
kasarian, ikatlong panauhan at nasa kaukulang paari
bilang panuring ng pangngalang kamera. Ang +na ay
pang-angkop na tagapag-ugnay ng sugnay na nakapag-
iisa at di nakapag-iisa.
PAGSUSURI NG HUNAYANG
PANGUNGUSAP

Ang salitang pinindot ay isang pandiwang paglipat,


perpektibo, gol pokus, kaganapang tagaganap ng salitang
dalaga na isang pangngalang pambalana, isahan ang
kailanan, pambabae, payak at nasa kaukulang palayon.
Bilang tagaganap ng pandiwang palipat at may pang-ukol
na ng.
PAGSUSURI NG LANGKAPANG
PANGUNGUSAP

Ang isang tao ay karaniwang nagtatagumpay at siya ay


nagkaroon ng magandang buhay kapag siya ay matiyaga.
Sa pagsusuri ng langkapang pangungusap, isinasagawa
ang pagbubukod-bukod ng mga sugnay na tambalan at
sugnay na hugnayan.
PAGSUSURI NG LANGKAPANG
PANGUNGUSAP

Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay:


pangulong sugnay, Ang isang tao ay karaniwang
nagtatagumpay siya ay nagkaroon ng magandang
buhay na pinag-uugnay ng pangatnig na at, at ang
sugnay na pantulong, kapag siya ay matiyaga.
PAGSUSURI NG LANGKAPANG
PANGUNGUSAP

Sa unang sugnay, ang payak na simuno ay tao na isang


pangngalan na binibigyang turing ng pang-uring
pamilyang na isa at inaangkupan ng ng at ang
pantukoy na ang bilang pananda sa simuno. Ang payak
na panaguri magtatagumpay ay isang pandiwa na nasa
aspektong imperpektibo.
PAGSUSURI NG LANGKAPANG
PANGUNGUSAP
Sa ikalawang sugnay, ang payak na simuno ay ang
panghalip na siya na isahan at nasa unang panauhan.
Ang buong panaguri ay ay magkakaroon ng magandang
buhay na binubuo ng ay bilang pananda sa panaguri
nagkakaroon na nasa aspektong imperpektibo at ang
pariralang ng magandang buhay nagsisilbing bilang
layon, itoy binubuo ng pang-ukol na ng at pang-uring
maganda at pang-angkop na -ng.
PAGSUSURI NG LANGKAPANG
PANGUNGUSAP

Ang pantulong na sugnay ay pinangungunahan ng


pangatnig na hugnayang payak. Ang payak na simuno
ay ang panghalip na siya. Ang buong panaguri ay ay
matiyaga. Ang ay ay gumaganap na pangawing
panaguring at ang salitang matiyaga naman ay isang
pang-uri na gumaganap bilang kaganapang pangsimuno.

You might also like